-CHAPTER 14-

36 9 0
                                    


MARCUS  POV

"Pwede naba akong umalis?"

bakit ba parati nalang siyang nagpapaalam sakin?

"bakit ba nagpapaalam ka?"
sabay upo ko sa lilim ng mangga.

"Sabi kasi ni papa masamang umalis ng walang paalam" psh.

"kaya pala tumakas ka ng di nagpapaalam" sambit ko sabay tango.

"May tumatakas ba na nagpapaalam?"

"Oo ikaw" natatawa kong sambit ngumuso lang siya.

"ewan ko sayo" sabay tayo niya.

"pwede naba akong umalis?" tanong niya ulit.

"okay,babalik ka diba?"

ngumiti ito bago sumagot.

"oo"

"hihintayin kita.."

Sambit ko bago pa siya tuluyang makalayo.Nagtataka ako kung saan kaya siya nakatira?

"kuya pogi!" napalingon ako sa bagong dating na si Asyang.

"oh? akala ko ba naglalaro ka?" pagtatanong ko,umiling lang naman siya bago niya ilapag yung isang mangkok ng kamoteng kahoy

"heto,kuya alam ko napagod kang mangahoy kasama si lolo magmeryenda ka muna!" masigla niyang sambit bago umupo sa kinauupuan ko.

"salamat" sabay kagat ko.Matagal tagal na akong di nakakain nito ilang taon na rin siguro hahaha hanggang sa diko namalayang paubos na pala.

"ang siba mo naman kuya!" sabay dighaw ko hay..sarap! hahaha!!!

"sorry dika paba nakakakain nito?" pagtatanong ko.

"kumain na,nagulat lang ako kasi napakasiba mo!"

O_o???

kinurot ko naman yung pisngi niya "paumanhin po inay hahaha!!"

bigla naman niyang pinalo yung kamay ko na kumurot sa pisngi niya.

"di mo ako nanay" sabay pout niya.

Ngayon ko lang napagtanto na ang kyut niyang bata hahaha.

Siguro kung kapatid ko lang to kawawa to sakin hahaha mahilig ako mangaway ng bata eh what the heck! hahaha see how kung gaano ako kaisip bata! >_<!!!

tss.

"kuya.." pagtatawag niya kaya napalingon ako sakaniya. "ano yun?"

bigla naman siyang umakto na para siyang nahihiya.."kuya gusto ko po kasing mamasyal..."

nakayuko parin niyang wika.

natawa naman ako."bakit naman gusto mong mamasyal?"

"namimiss ko lang po kasi yung tatay ko..dati po kasi sa tuwing umuuwi siya galing trabaho palagi niya akong pinapasyal.."

Saglit akong natigilan..
bigla kong naalala yung sinabi ni lolo na namatay ang mga magulang ni Asyang sa malakas na bagyo..

Naaalala ko sakaniya ang sarili ko nong mga panahong namatay ang ama ko..

"ganun ba?" malungkot siyang tumango. "sige,magbihis ka ng maganda mong damit at ipapasyal kita"

Bigla naman siyang napangiti ng malawak. Hahaha "salamat kuya!" sabay yakap niya sakin.

"bilis na para di tayo magabihan at marami tayong mapasyalan" natatawa kong saad ng makita kong nagapura itong bumaba sa kinauupuan niya at sinuot ang kaniyang medyo luma na tsinelas.

My Dearest JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon