-CHAPTER 1-

70 13 0
                                    


-Jane's POV-

"Ano pong ginagawa niyo?" Tanong ko kay manang isang katulong namin,Siya ang parati kong kasama satuwing nagtratrabaho ang mga magulang ko.

"Gumagawa ako pancake diba paborito mo ito?" Napangiti naman ako ng sambitin niya yun 17 na ako pero parang may kulang sa buhay ko.

Gustong gusto kong lumabas kahit saglit man lang oo nakakalabas ako pero hanggang hardin lang namin see? This is how boring my life is.

Humakbang ako mula sa bintana ng kitchen namin..

"Alam kong gustong gusto mong lumabas iha pero patawad pag sinuway mo ang mga magulang mo ikaw rin ang masasaktan" sabay hawak niya sa balikat ko napabusangot nalang ako at bumuntong hininga.

"Bakit po ganun manang?wala naman sigurong masama pag lumabas ako eh" tinitigan niya lang ako saglit tumawa.

"Mahal na mahal ka lang ng mga magulang mo,unica ija ka kaya kunting galos mo lang nagaalala na sila"

tss..bakit hindi nalang kaya sila gumawa ng kasunod ko?

Nagiisa nga rin akong anak kaya ang boring boring ng buhay ko.Sana balang araw makalabas na ako sa bahay na to.

Kailan ko kaya yun magagawa?

Pumunta ako sa library ng mansiyon namin at kumuha ng isang libro tsaka ako lumabas at umupo sa mahabang bangko dito sa hardin namin,bigla namang humangin ng malakas saglit ko tong dinama..napakasariwang hangin..napangiti nalang ako at nagumpisang basahin yung aklat na kinuha ko pa sa library ng mansiyon namin..

Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko may eroplanong papel na napadpad  sa libro ko kaya agad ko tong kinuha napalingon naman ako sa pinanggalingan nito kanino kaya to?

"Hala! Napunta sa malaking mansyon na yun yung eroplano ko!"

"Paano natin yun kukunin?!"

"Gumawa nalang kaya tayo ng isa pa"

"Eee paano yun,wala na akong papel"

Natawa nalang ako ng marinig ko ang paguusap ng tatlong bata na sa labas ng gate namin.

Naglakad ako papalapit sa gate namin

"Mang Berto pwede pong pakibukas yang gate?" Tumango naman siya.

"Pero ipangako mong dika lalabas young lady" sabay tawa niya tss akala niya siguro tatakas ako sa dami nila tingin nila makakalabas ako?

"Hindi po ibibigay ko lang po ito sa mga bata" tinanguan niya ako at binuksan yung maliit na pintuan na bahagi pa ng malaking gate namin

"Mga bata hali kayo rito" nakangiti kong saad bigla namang lumapit saakin yung batang babae

"Bakit po ate?"

Ipinakita ko naman yung eroplanong papel na kanina ko pang hawak,"sainiyo ba 'to?" Bigla namang nagningning yung mata ng bata nginitian ako ng malawak hahaha ang kukyut nila.

"Salamat po ate"

"Ang ganda ganda niya noh?"

"Oo nga" napangiti nalang ako sa bulong bulungan nila.

"Ate bago pa po ba kayo rito?"

"Matagal na akong nakatira dito" sabay turo ko sa  bahay namin

"Ang yaman niyo naman po"

"Hindi po kasi namin kayo nakikitang lumalabas ng bahay"

"Bakit hindi po kayo lumalabas?"

"May sakit kasi ang ate niyo kaya bawal akong lumabas"

"Eh ano pong sakit niyo" hayy ang kukulit naman nila hahaha

"May sakit ako sa puso" nakita ko kung papaano sila nagulat ng sambitin ko yun..

"Ahhh" sabay sabay nilang sagot mayat maya pa ay nagpaalam na sila sakin tsaka ulit sila naglaro ang saya lang nila tignan..yan yung mga panahong di uso sakanila ang problema yung paglalaro lang ang alam nila yung ang inosente pa nila.

Bumalik naman na ako sa pwesto ko kanina at pinagpatuloy ang pagbabasa.

"Young lady ito na po yung meryenda niyo" tsaka niya nilapag sa tabi ko yung pagkain amoy palang natatakam na ako kaya saglit kong itinikom yung aklat at nagfocus ako sa pagkain ko hahahaha

"Salamat" sabi ko sakaniya nagbow lang to sa harap ko at umalis.

Mmnn~ sabay subo ko sa maliit na pirasong pancake na hiniwa ko ang sarap talaga magluto ni manang Lina! ^_^!!!

Napalingon naman ako sa gate ng may marinig akong busina si Papa.

Napaayos ako ng upo at nginitian ko si papa habang pababa sa kotse niya.

"Goodmorning my Princess" tumakbo naman ako sakaniya at niyakap siya "good morning papa bakit di niyo po kasabay umuwi si mama?"

Pagtatanong ko kadalasan kasi sabay silang umuuwi eh nagtataka lang ako ngayon di sila magkasabay.

"May inaasikaso pa si mama mo" nginitian niya naman ako at nagpatuloy na siya sa paglalakad papasok sa mansiyon namin.

Hindi naman sila nagkulang sa atensyon eh..

Masaya ako sa pamilya pero pakiramdam ko para talagang may kulang..

----

Gralack_Rose

My Dearest JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon