-CHAPTER 15-

39 10 0
                                    


MARCUS POV

Hindi na talaga ako lalabas ng bahay!

>__<

ANG DAMING PALAKA!!!

"HAHAHAHA!!" tawa ni lola

--,--!!

psh! matapos kong dalhin tong balde sa kubeta nila lumabas ako saglit ng bahay para bumili ng Coke namiss ko lang kasi uminom.

Sa ngayon NAGDALA NA AKO NG FLASHLIGHT!!!

>__<!!
baka kasi mamatay matay ako sa takot sa mga palaka rito.taena

Hindi na ako nagisip ng kung ano ano at binilisan ko nalang maglakad tsaka na ako bumili ng dapat na bilihin..Medyo malayo rin pala tong tindahan mula bahay nila Lolo.

Nang madatnan ko yung inupuan ko rati ng una kong makilala si Jane natawa nalang ako. Umupo ako saglit doon at inilapag yung mga pinamili ko sa tindahan ni Aleng Pura. Nang biglang may mga kamay na tumakip sa mga mata ko napalunok ako saglit..

Sino to?? hinawakan ko naman yung kamay na yun..at napagtanto kong..payat to at makinis---t-teka! hinahaplos ko na ah!

"Jane??"
utas ko.

"yiee nahulaan niya!"

--__-- sabi na eh!

"anong ginagawa mo rito Marcus?" sabay upo niya sa tabi ko.
"bumili lang ako,napagod ako kaya naupo ako saglit" humalukipkip naman ito sa harap ko.

"Ganun ba?"

"bakit ngayon ka lang."

sumimangot naman siya. "muntik na akong mahuling tumatakas kaya natagalan akong lumabas",wika niya.

Napatango nalang ako at niyaya na siyang bumalik sa bahay.

Tahimik lang siyang naglalakad kasabay ko ng bigla siyang napatigil kaya napalingon naman agad ako sakaniya at doon napagtanto kong lumapit siya sa isang punong puno ng mga alitaptap..

"Ang gandaaa" manghang mangha niyang sabi.Nakatayo lang ako rito at pinagmamasdan siyang masayang sumasayaw kasabay ng mga alitaptap na siyang nagbibigay ng ilaw sa paligid dahilan para masilayan ko ang matatamis niyang mga ngiti.. medyo natawa nalang ako dahil para siyang baliw..

Ngayon ko lang siyang nakitang ngumiti ng ganiyan..Para siguro akong Sira na ngingiti ngiti dito

>__<!!!

bakit ko ba to nararamdaman?!

Bigla naman niya akong hinila kaya nailapag ko ng wala sa oras ang mga pinamili ko. "tara Marcus! ang gaganda ng mga alitaptap"

Napangiti nalang ako sakaniya "ano bang trip mo?" saad ko ng bigla niyang ilagay ang kaliwa kong kamay sa bewang niya at kaliwang kamay niya sa balikat ko habang ang pareho naming kanang kamay ay pinagsiklop niya..

Gulat akong napamasid sakaniya..

"Magsayaw tayo Marcus"

Nakangiti niyang wika..Kaya sinabayan ko nalang siya sa bawat pag sayaw niya..Napakaganda niyang pagmasdan..bigla nalang bumagal ang pagikot ng mundo ko at tanging siya lang ang nakikita ko..isang Jane na nagsasayaw at nakangiti saakin..Hindi ko namalayang napahinto pala ako..

"Marcus?"

sabay hawak niya sa dibdib niya sabay hinga niya ng malalim

"okay kalang Jane?."

"oo...okay ako.." naramdaman kong inilapat niya ang kamay niya sa dibdib ko at tinignan niya ako mula sa mga mata ko..pababa sa kamay niyang nakadapo sa dibdib ko..

My Dearest JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon