-CHAPTER 30-

59 7 0
                                    

MARCUS  POV

Unti unti akong humakbang papalapit sakaniya na kasalukuyang nakatalikod itong nakaupo ngayon sa isang malaking bato dito sa burol.

Dahan dahan akong humakbang papalapit sakaniya ng hindi niya napapansin,hinahangin ang mahaba at blonde-an nitong buhok.

Nang tuluyan akong makalapit sakaniya dahan dahan kong ipinulupot ang bisig ko sa bewang niya at hinalikan ko ng dalawang beses ang kaniyang pisngi.

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ha" pagwiwika ko.

"Iniisip ko lang na baka sa mga oras na ito pinaghahanap na ako." Bigla akong nagiti.

"Sigurado akong hinahanap kana nila Jane,mahal na mahal ka ng papa mo at kaisa isa kanilang anak,wala naman sigurong magulang na gustong mawala ang anak.

"anong ibig mong sabihin?"naguguluhan niyang tanong.

Mahigpit kong hinawakan ang mga kamay niya bumuntong hininga.

"bumalik na tayo Jane" bigla itong napamasid sakin at nakita ko mismo kung papaano siya magulat.

"Pero.."

"Jane--"

Bigla niya akong siniil ng halik kaya hindi ko na naituloy pa ang sinasabi ko.

"Jane!!!" Pareho kaming napalingon sa sumigaw at gulat na gulat na napatayo..

Ang mama ni Jane..

"Dito lang pala kayo nagtatago!dakipin! Sila!" Utos niya sa mga armadong lalaki.

"Anong gagawin natin?" Naguguluhan niyang tanong maski ako hindi ko alam ang gagawin isa lang ang alam ko.

>_<!!

Hinila ko siya at tumakbo.

"Takbo Jane!!"

Magkahawak kamay kaming tumatakbo papuntang kawalan..

"W-wala na tayong mapupuntahan!" Hinihingal niyang sambit kaya napahinto kami.

"Papasanin na kita" agad naman siyang sumakay sa likuran ko.

At binilisan ko ang takbo habang pasan ko si Jane..

Kailangan naming mkalayo!

Arghh!!! Naguguluhan na ako.

Ang sabi ko babalik na kami bakit patuloy parin kami sa pagtakbo papalayo? Ito ba talaga ang gusto ko?

Gusto ko lang naman siyang makasama at masulit itong araw na to.

Pero pakiramdam ko talagang may mali..

"Kailangan natin silang mailigaw!"

"Pa-paano?" Hinihingal niyang sambit. Napansin ko ang suot niyang sapatos kaya hinubad ko ito at binato sa kabilang direksyon.Sana gumana at saglit kaming nagtago sa mahalaman na parte nitong gubat.

"Kamusta pakiramdam mo Jane?"

Bakit ngayon ko lang naalala na may sakit siya sa puso at bawal siyang mapagod!

>_<!!!

Arghh!! "O-okay ako..huwag mo kong i-intindihin.."

Mabibigat ang paghinga nito at labis akong nagaalala..

Sa taranta ko hindi ko na alam ang gagawin..

Pinasan ko ulit siya at nagpatuloy sa pagtakbo hindi ko alam kung saang parte na to ng burol..Pinabayaan ko lang ang mga paa kong tumakbo sa dapat namin pagtakbuhan..

My Dearest JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon