A/N: Long time, no update. So, here we go. A two-parter High School AU. Na-stuck ako dito for days. Sana magustuhan nyo. :)
-----
Alipin (Shamrock)
Di ko man maamin
Ikaw ay mahalaga sa akin
"Jeushl, tulala ka na naman." Sabi ni Kevin kay Wensh habang palapit nang palapit ang mukha sa kanya. Hindi pa rin sya pinapansin. "Hoy!"
Tinulak ni Jeric si Wensh palapit kay Kevin at muntik na magdikit ang mukha nila.
"Jeric naman!" Reklamo ni Wensh, sabay hampas kay Jeric.
"Tulala ka na naman kasi." Sabat ni Aljon. "Anong problema mo?"
"Ah ... wala." Sabay iling ni Wensh sa kanila. "Kayo? Anong problema nyo?"
"Naasikaso mo na ba yung forms na kailangan para sa USTET?" Tanong ni Kevin sa kanya habang hinahalungkat ang backpack nito. "Nasaan yung certificate of candidacy for graduation?"
"Hi - hindi ko alam. Di ko pa yata nakukuha sa Guidance Office."
Napansin naman ng tatlo na parang aligaga si Wensh at wala na naman sa sarili. Normal yun, oo. Pero parang may bago. Mukhang nag-aalala pa ito at nalilito.
*kriiiiiiiiiiing!*
Napatingin silang lahat sa telepono.
"Sinong sasagot?" Tanong ni Aljon.
"Ako na. Bahay naman namin 'to." Sagot ni Wensh at sinagot ang tawag sa telepono.
Habang nakikipag-usap sa telepono si Wensh, tumabi si Kevin kay Jeric para kausapin.
"Ako lang ba o parang nasa outerspace na naman utak ni Wensh?" Panimula ni Kevin, halatang nag-aalala sa kinikilos ni Wensh.
"Lagi namang lipad ang utak nyan eh." Comment ni Jeric. "Di pa ba kayo sanay?"
"Hindi. Parang may iba eh." Singit naman ni Aljon sa usapan ng dalawa.
"Sus. Baka tungkol lang dun sa boyfriend nya." Masungit na sagot ni Jeric habang nakacross arms. "Alam nyo naman yan."
"Wag kang pahalata, bro. Selos ka na naman eh." Tukso ni Kevin kay Jeric, poking his sides to tickle him pero wala man lang karea-reaksyon si Jeric kundi isang masamang tingin. "Okay. Sabi ko nga. Tigil na."
Bumalik na si Wensh sa sala pagkatapos nyang makipag-usap.
"Sino yun?" Aljon asked. "Si Robin?"
Tumango lang si Wensh at ngumiti.
"Ah ..." Nagfrown si Kevin at nagsideways glance kay Jeric. "May problema ba kayo?"
Umiling si Wensh. "Tinanong nya lang ako kung pwede daw akong maging date nya sa prom."
"He asked you over the phone?" Jeric asked, smirking in disbelief. "Cheap."
Wensh rolled her eyes. Alam nya kasing hindi approve kay Jeric ang friendship nya with Robin dahil, kahit team mates, rivals ang tingin nila sa isa't isa pagdating sa basketball.
"Malapit na nga pala ang JS prom, guys." Kevin reminded them, trying to lighten the mood. "May mga date na ba kayo?"
Di ko man maisip
Sa pagtulog ikaw ang panaginip
"I asked Pam pero she turned me down eh. Ganun din si Aly." Aljon sighed. "Maghahanap pa ko ng iba."
BINABASA MO ANG
JerWensh One-Shots
FanfictionA collection of JerWensh oneshots inspired by different songs.