Neon Lights | Part 2

1.7K 43 17
                                    

A/N: So by now, alam nyo na ba meaning nung TRT? Kung hindi pa, sasabihin ko na nga: Teng-Ravena-Torres. Anyway oh eto na po part 2! Enjoy reading. :)

-----

Oh it feels like...

Fireflies

Day and night

Can you feel my love?

"Manong, please naman oh. May nakalimutan lang po talaga ako!" Pagmamakaawa ni Wensh sa guard a few minutes pagkalabas nila ng mga kaibigan nya sa gate ng arena. "Parang awa nyo na po, manong. Mahalaga po yung CD na yun sakin."

"Ineng, hindi na pwedeng pumasok eh. Nagliligpit na sila sa loob." Sagot ni Manong guard sa kanya.

Napapadyak na si Wensh at napapaluha na. Sinipa nya yung gate. "Manong naman. Mahalaga yun eh. Yung CD ko nawawala!"

"Manong, parang awa nyo na po oh." Lumuhod na si Alyssa sa tabi ni Wensh habang hinihila ang laylayan ng pantalon nung guard. "Wala naman po kaming gagawing masama. Hahanapin lang namin yung CD ng kaibigan ko."

Lumuhod din sina Mika at Ara at nagmakaawa. "Oo nga, manong guard. Please na." Sabay pacute nilang dalawa pero waepek pa rin.

"Pasensya na talaga, mga ineng, kung pwede lang talaga ay kanina ko pa kayong hinayaang pumasok pero kabilin-bilinan sa amin na hindi na pwedeng magpapasok ngayon. Umuwi na lang kayo at gabi na."

With that, natuluyan ng umiyak si Wensh at napasandal na lang sa gate sa frustration. Iniwan naman sila ng guard at bumalik sa loob ng guard house.

"Lecheng buhay naman 'to oh." Sabay hampas ni Wensh sa gate.

Ni-rub ni Alyssa ang likod ni Wensh para mapatahan ito. Mga ilang minuto pa ang tinagal nila dun hanggang sa bumalik yung guard para sabihan silang umalis at sumunod na lang sila dahil wala na naman silang iba pang magagawa.

Dahil nga sakit ng isa, sakit ng lahat, napagpasyahan nilang maglakad-lakad muna hanggang sa kung saan sila makarating. Yun kasi ang ginagawa ni Wensh para maging okay pag may dinaramdam sya. Maglalakad-lakad lang sya pauwi o kung hanggang saan sya abutin. Hindi naman sya maiwan ng mga kaibigan nya kasi baka kung ano ang mangyari sa kanya since gabi na.

Sa isang van naman, nakasakay ang anim na lalaki, ang miyembro ng TRT Alliance. Pauwi na sa condo units nila. Nagkakasiyahan sila at walang humpay ang pagpapatugtog ng malakas na music sa loob ng van.

"Oy! Di ba sila yun?" Sabi ni Kiefer nang madaanan nila ang isang grupo ng babae na namukhaan nya agad.

Nilapit ni Jeron ang mukha nya sa bintana para makita ang tinuturo ni Kiefer. "Sino ba - ? Bro, si pick-up line girl oh!" Hinila nya ang kapatid malapit sa bintana.

Pumiglas naman si Jeric sa pagkakahila ng kapatid at kusang tumingin sa bintana. Sya nga. "Thirdy, itigil mo nga yung sasakyan sandali."

"Ha? Bakit, bro? May problema ba?" Tanong ni Thirdy sa kanya pero sumunod pa rin sa utos ng bandmate nya. Tinigil nya ang sasakyan sa tapat ng isang poste. "Oh yan na."

Binuksan ni Jeric ang pinto ng van at bumaba.

"Hoy! San ka pupunta?" Sigaw ni Thomas pagkababa ni Jeric pero hindi naman sya nakakuha ng sagot dahil nagtaklob ito ng hood sa ulo at tumakbo palayo. Tinignan lamang sya ng mga bandmates nya habang nakadungaw sa bintana ng van. Since medyo madilim na ay hindi naman gaanong tanaw ang mukha nila para pagkaguluhan ng mga tao.

Nag-slow down sa pagtakbo si Jeric nang papalapit na sya sa isang grupo ng mga babae. Nagulat din ang mga ito at medyo natakot kaya pare-parehas silang napahinto.

JerWensh One-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon