Breathless

1.6K 43 2
                                    

A/N: The song is originally performed by Better Than Ezra but I prefer Taylor's version. Search nyo na lang yung song sa youtube if you like. :)

-----

Breathless (by Taylor Swift)

Here you are now
Fresh from your war
Back from the edge of time

Sa ospital na naman sya natulog. Halos isang buwan na din syang nagpapalipas ng gabi dun. Kulang na lang ay magtayo sya ng tent sa labas ng kwarto ng pasyenteng binabantayan nya.

“Hi, Ate Wensh.” bati ni Jeron kay Wensh na nakaupo at naka-ub-ob sa tabi ng kama.

Napatunghay si Wensh. “H – hi, Jeron.” sabi nya at nag-ayos ng hitsura. Isang araw na kasi sya dito pero hindi pa sya nakakaligo at ang suot nyang damit ay ang suot pa rin nito kahapon.

“Kami na ang magbabantay dito, Ate Wensh. Umuwi ka na muna.”

“Wala naman akong gagawin eh. Ako na lang.”

“You’ve been here for days. Magpahinga ka na muna.”

“I’d rather stay here.”

“Ate Wensh, kahapon ka pa nandito. Magpahinga ka na muna. Go home.” sabi ni Jeron. “Kami na ni dichi ang magbabantay kay ahia.”

Go home, his voice echoed to her head. Would you be able to call an empty and lonely house a home?

She sighed. Pero tama rin naman si Jeron. Siguro nga kailangan nya na munang magpahinga at matulog sa bahay. Ilang araw na din kasi ang nakalipas nung huli nyang matinong tulog na nakahiga sa kama. “Sige, uuwi muna ko. I’ll be back tomorrow.”

“If you need to rest for days, maiintindihan naman namin, Ate Wensh.” sabi ni Jeron na naaawa na sa sister-in-law nya. “Hindi mo naman kailangang bantayan si ahia lalo na’t hindi pa natin sure kung kailan nga sya magigising. May sariling buhay ka din.”

Tumango na lang si Wensh. Ano pa bang sasabihin nya? Tama na naman si Jeron. Instead, she planted a kiss on Jeric’s bandaged forehead. Sandali nya itong tinitigan habang hawak ang kamay nyang walang nakakabit na dextrose. “Gumising ka na please.” bulong nya dito then pinisil ang kamay, somehow hoping that she’ll get a response but all she ever got was the heartache of getting nothing.

Tinanggal nya ang mahigpit na pagkakahawak nya sa kamay ng asawa nang bigla nyang naramdamang gumalaw ito. “Jeric?” She held his hand harder. “Je?”

And all that you were
Stripped to the bone
I thought you'd want to know

“Mr. Teng is now fine.” The doctor declared after checking Jeric. Halos lahat sila nakahinga na nang maluwag nang marinig yung sinabi ng doctor. Pero si Wensh may takot pa rin na nararamdaman. Hindi nya maipaliwanag. She’s just scared. “He knows what year it is and he knows his family and himself. I don’t think we should worry about any brain damage.”

That statement was what made Wensh’s heartbeat go back to normal. Siguro yun ang dahilan ng natitirang takot sa kanya.

“Sige po. Thank you so much.” sabi ni Susan sa family doctor nila.

“You’re welcome.” the doctor replied. “Your family is blessed, Mrs. Teng. Usually people in coma for more than two weeks have a low chances of waking up.”

“Miracles happen.” sagot naman ni Alvin nang nakangiti.

“Indeed.”

Binuksan ni Almira ang pinto at pinapasok ang Teng family sa loob ng kwarto ni Jeric. “Wensh, halika na.” tawag ni Almira.

JerWensh One-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon