A/N: Hi. Kailangan nyo ng huge imagination for this oneshot. It's totally AU and please wag nyo na isipin kung anong age gaps nila kasi kahit ako nalito. Hahaha. But I hope this is still worth reading for you all. Kung alam nyo lang yung frustration ko matapos ko lang this oneshot. Naghang pa yung MSWord kung kailan naka-25 pages na ko! Wtf! So I had to rewrite it all over again dahil di ko nasave at di ko narecover. :)))
Okay. Here we go. #JerWensh #JeLy #Miefer #ThomAra
-----
Neon Lights (by Natasha Bedingfield)
Everyday there's a thousand things
That somehow pass us by,
Gotta cut through the noise
So you can know what love sounds like
Nakakulong sya sa kwarto at sinusubukang magfocus sa pag-aaral pero wala pa yatang five minutes na nagbabasa ay napapatingin na naman sya sa posters na nakadikit sa kanyang pader. Nakakadistract pero she’s letting herself be distracted. Ayaw nya rin kasi ng pinag-aaralan nya.
“Wensh, mag-aral ka dyan ha!” Narinig nyang sigaw ng mama nya outside her room. Napabalik ang atensyon nya sa librong nasa harap nya. Nandun pa rin sya sa page kung nasaan sya thirty minutes ago. “Pag hindi ka nakapasa sa finals mo, hindi ka na ulit makakapunta sa concert concert na yan.”
“Nag-aaral naman po ako.” Sagot naman nya pero nakatingala pa rin sa posters habang nakapangalumbaba.
“Sinasabi ko sayo, ako mismo ang pupunit ng ticket mo. Mag-aral ka dyan!” Dagdag pa ng mama nya. Alam na alam nya talaga ang nangyayari sa kwarto nya kahit hindi nakikita. Minsan napapapaisip na lang sya na baka may kinabit itong CCTV sa loob ng kwarto nya nang hindi nya alam.
Dahil natakot sa sinabi ng mama nya, tumayo sya sa pagkakahiga at ni-lock muna ang pinto bago lumipat sa study table nya para mag-aral. Hindi mapakali, pinatay nya ang ilaw at binuksan lang ang maliit na ilaw na nakakabit sa table nya para nakafocus ang liwanag sa binabasa.
Bwisit kasi na calculus ‘to eh hindi naman gagamitin sa tunay na buhay, sabi na lang nya sa sarili habang tinititigan ang mga problems sa libro. Gusto na nyang i-crumple ang lahat ng pages pero hindi pwede dahil hindi naman kanya yung libro.
Dalawang oras syang nagmuni-muni, nagtry nang nagtry na intindihin ang topics na ieexam bukas. Sya na lang ang gising sa buong bahay so she decided na bukas na lang sya magpapaturo ng mga topics na hindi nya pa maintindihan sa pinakamatalino nyang kaibigan na si Alyssa. Sigurado namang tutulungan sya nito dahil sila ang pinakaclose sa barkada.
Sinara nya ang libro at nilagay na ito sa bag para hindi makalimutan bukas. Nilagay na din nya sa loob ang scratch papers nya kung saan sya nagsolve. Then binuksan nya ulit ang ilaw sa kwarto. Tumayo sya sa kama at kiniss ang picture ng favorite band member nya sa posters hanging above her headboard. Binulungan pa nya ito ng good night. Bumaba sya at pinatay na muli ang mga ilaw at humiga na sa kama para matulog.
Kinabukasan, maaga syang gumising. Hindi na nag-aksaya pa ng oras. Dali-dali syang naligo at nagbihis into her uniform. Kinuha na din nya ang bag at dumiretso sa baba. Nasa dining room na ang pamilya nya at nagsisimula ng kumain ng breakfast. Hindi naman sya nasurprise na late pa rin sya sa breakfast kahit mas maaga sa usual ang paggayak nya.
“Hindi ka ba sasabay sa amin today? Nagmamadali ka ba?” Tanong ng mama nya pagkatapos nyang kumain at magtoothbrush.
“Hindi na ko sasabay, ma. Magcocommute na lang po ako.” Sagot ni Wensh at bumeso sa mga magulang at nagba-bye sa kapatid bago umalis at tumawag ng taxi papunta sa university na pinapasukan nya.
BINABASA MO ANG
JerWensh One-Shots
FanficA collection of JerWensh oneshots inspired by different songs.