A/N: I know. I know. Tagal kong di nagupdate. Walang inspiration eh. So here it is. Pambawi man lang. Wag nyo tawanan yung straight tagalog sentences please. Tinatry ko lang kung keri ko pa formal na Filipino. :))
Teenage years AU.
-----
The One That Got Away (Boyce Avenue)
Summer after high school when we first met
We'd make out in my Mustang to Radiohead
And on your 18th birthday we got matching tattoos
Nasa labas lahat ng mga kaibigan nya at nasa loob naman ang pamilya nya, naghihintay na imulat ang kanyang mga mata. Halos isang buwan na rin syang walang malay at sabi ng kanyang kapatid, nag-attempt daw itong magsalita kanina kahit nakapikit pa rin ang mga mata. Pinisil din nya ang kamay nito, which immediately gave hope sa mga may pakelam sa kanya. Malaki daw ang chance na magising na sya ngayon.
“Hindi dapat yung anak ko ang nandito. Ikaw dapat! Ikaw!” Sigaw ng tatay ni Wensh sa boyfriend ng anak habang pinipigilan sya ng misis nya. “Ikaw ang may kasalanan nito!”
Hindi naman makapagsalita si Jeric at makapagdahilan dahil alam nya ang mali nya. Sya ang may kasalanan. Sya ang dapat sisihin. Dapat hindi na lang nya tinakas si Wensh, edi sana hindi nangyari sa kanya ito. O kung hindi talaga maiwasan, dapat sya na lang ang nakahiga sa kama, walang malay at puro sugat ang mukha at katawan. Pero hindi. Ito sya at galos at bali lang ang inabot.
Inawat ng nurse at ng mga pulis na nag-iimbestiga ng banggaan ang tatay ni Wensh sa walang tigil na pagsisi nito kay Jeric. Napagod na rin siguro sa kasisigaw, nagpaawat na rin ang tatay ni Wensh at pumasok na silang lahat sa kwarto, maliban kay Jeric na iniinterview pa ng mga pulis tungkol sa nangyaring aksidenteng kinasasangkutan nila at ng isang truck.
Halos hindi naman makapagsalita si Jeric dahil sa trauma na sinapit nito sa mga nangyari pero kailangan dahil kung hindi, baka i-detain sya sa presinto kahit 17 years old pa lang sya. Matapos kausapin, tinawagan na ang kanyang mga magulang para sunduin sya.
Pag-uwi sa bahay, isang mahabang sermon ang narinig nya sa magulang pero hindi nya ito inintindi. Lipad ang isip nya. Gustuhin man nyang humingi ng tawad sa magulang, wala na syang nagawa kundi umiyak sa mga ito.
Used to steal your parents' liquor and climb to the roof
Talk about our future like we had a clue
Never planned that one day I'd be losing you
Naramdaman nyang may humagod sa likod at napaangat ang ulo nya para tignan ito. Si Aby, isa sa mga kaibigan ni Wensh sa school. Ngumiti ito sa kanya. “Okay ka lang?”
Tumango lang si Jeric habang nakapoker face.
“Hindi mo kasalanan yung nangyari ha.” Sabi ni Aby sa kanya at sumandal sa upuan. “Hindi mo naman ginustong mangyari yun.”
“Hindi ibig sabihin hindi ko ginusto, hindi ko na kasalanan.”
Napabuntong hininga na lang silang dalawa at patuloy na naghintay ng balita sa loob. Maraming naghihintay na mga kaibigan ni Wensh sa labas ng kwarto. Mostly, mga kaibigan nya sa varsity team.
Sabay-sabay silang napatayo nang magbukas ang pinto ng kwarto ni Wensh at lumabas ang doktor nya.
In another life you would be my girl
We keep all our promises, be us against the world
“Nagising na sya.” Nakangiting sabi ng doktor sa kanila. Napaiyak naman ang ilan sa tuwa at yung iba ay nagyakapan pa.
BINABASA MO ANG
JerWensh One-Shots
FanfictionA collection of JerWensh oneshots inspired by different songs.