Chapter 1

832 20 0
                                    

Samantha Rye Arthur

Nandito ako ngayon nakatayo sa isang simbahan na kahit minsan ay hindi ko na pinasukan. 3 taon na ang nakakaraan ng mangyari ang isang bagay na hindi ko pinagsisihang ginawa.

"Nandito ka na naman." Sabi ni Elisse.

She's my bestfriend. Tinignan ko lang siya at ibinalik ulit ang tingin ko sa simbahan na nasa harapan ko.

"Akala ko ba 'di ka nagsisisi sa desisyon na ginawa mo? Bakit nandito ka at binabalik-balikan ang nakaraan?" Tanong niya.

Isang tanong na hindi ko rin alam ang sagot. Napangiti na lang ako ng mapakla at tinalikuran ko ang simbahan.

"Tara na." Aya ko sa kanya.

Sumakay na kami sa kotse niya. Sa 3 taong nakalipas ay nabuhay ako ng mag-isa. Lahat ng nakilala ko sa araw na 'yon ay kinalimutan ko at kasali na siya roon.

Nakita ko naman si Maccoy na nasa driver seat. Si Maccoy ang boyfriend ni Elisse. Nagkakilala sila 3 years ago at ngayon ay ito na sila at nagbabalak ng ikasal.

There's a part in me na nasasaktan sa tuwing naririnig ko ang salitang kasal pero gusto kong maging masaya para sa best friend ko kaya susuportahan ko siya.

"Ilang beses ka ba bumibisita sa simbahan na 'yan, Rye?" Tanong ni Maccoy.

Tinignan ako ni Elisse na kahit ito ay naghihintay sa isasagot ko.

"Once a month." Maikli kong sagot.

Itinutok ko ang atensyon ko sa labas ng kotse habang umaandar ito.

"Kung ganoon? Bakit nasa labas ka lang lagi? Bakit 'di ka pumapasok?" Tanong nito.

Narinig ko naman ang paghampas ni Elisse sa kanya. Ngumiti na lang ako ng mapakla.

"Naiwan ko sa loob ng simbahang 'yon ang lalaking mahal na mahal ko. Isang bagay na hindi ko alam kung makukuha ko pa kapag pumasok ako." Sagot ko.

Huminto naman ang kotse sa isang building kaya bumaba na agad ako at ganoon rin ang ginawa nilang dalawa.

"Papasok pa ba kami?" Tanong ni Maccoy.

Umiling naman ako.

"Wag na para naman makapagpahinga pa kayong dalawa." Sabi ko.

Sabay silang tumango sa sinabi ko at niyakap ko na lang silang dalawa. Ngumiti ako sa kanila habang bumabalik na sila sa kotse.

Kararating ko lang kanina galing sa Japan dahil sa may convention akong kailangan na puntahan at nandito si Maccoy at Elisse para sunduin ako pero mas pinilit kong dumiretso sa simbahan.

It's October 22 right now. The day where I runaway from my happiness.

Pumasok na ako sa isang building kung na saan nandoon ang condo ko. Wala na kong balita sa kanilang lahat at hindi na ako nag-aksaya pa ng oras para hanapin sila at alamin kung ano na ang buhay nila ngayon.

Nagkasalubong naman kami ni Zeus. Isa sa mga kapitbahay ko. 2 unit ang layo namin sa isa't isa pero masasabi ko na close kaming dalawa. Mag-isa na lang rin siyang nabubuhay dahil nasa ibang bansa ang pamilya niya at siya na lang ang hinihintay na pumunta roon pero nagkataon na nagkakilala kami kaya ayaw niya ng umalis.

"How's the Japan girl?' Sabi nito.

Natawa naman ako sa sinabi niya. Japan girl? Iba ang pumapasok sa isip ko pero natatawa ako.

"Ibang klase ka rin talaga magbigay ng pangalan, ano?" Natatawa kong sabi.

Ginulo niya ang buhok ko habang nakangiti.

"I guess, ayos ka naman." Sabi nito.

Tumango lang ako sa sinabi niya.

"May bago ka pa lang kapitbahay." Sabi nito.

Nilingon ko siya sa sinabi niya.

"Talaga? Saan naman banda?" Tanong ko.

"Sa mismong harap ng unit mo." Sabi nito.

Nagtaka naman ako dahil may kumuha ng unit na 'yon. Sa pagkakatanda ko ay walang kumukuha nun dahil meron ng may-ari nun. Hindi kaya 'yong mismong may-ari na ng unit na 'yon ang titira doon?

"Wow. Buti naman at naisipan niya ng tirhan 'yon." Sabi ko na ikinatawa niya naman.

Si Zeus ang nagiging karamay ko sa tuwing may problema ako at isa na rin siya sa may alam ng ugali ko.

Bumukas naman ang pintuan ng elevator na hudyat na nakarating na kami sa floor kung na saan ang unit naming dalawa. Unit ko ang una naming nadaanan dahil sa mas malapit lang ito sa elevator.

Kinuha ko na ang card ko at swinipe ne 'yon habang si Zeus naman ay hinihintay na makapasok ako.

"So see you tomorrow?" Sabi nito at tumango ako.

Nagmumukhang taga-hatid at taga-sundo ko na siya at isa sa mga dahilan na 'yon ay ang pareho kami ng lugar na tinitirahan at inuuwian.

"Goodnight, Rye." Sabi nito na ikinangiti ko saka ako nag wave sa kanya at dahan-dahan ko ng sinirado ang pintuan at nakita ko naman ang likod ni Zeus habang naglalakad na ito.

Tinignan ko ang pintuan na nasa harapan ng unit ko. Sino ang may-ari ng unit na ito?

Tuluyan ko na siyang sinirado at dumiretso sa kusina para magluto ng kakainin ko.

Nag ring naman ang phone ko kaya mabilis ko 'tong kinuha sa bulsa ko.

"Hello." Bungad ko.

"Rye." Tawag niya.

Mabilis na kumabog ang puso ko ng marinig ko ang boses niya.

"Ryu?" Tanong ko kahit alam ko naman na siya 'to.

"Ako nga, Rye. Hindi mo ba namiss ang Kuya mo?" Sabi nito.

Natigilan ako ng makumpirmang siya nga ito. Sa loob ng 3 taon ay nagtatago ako sa kanya dahil isa siya sa mga dahilan kong bakit ko nakilala ang lalaking mahal ko.

"Paano mo nalaman ang number ko?" Matapang kong sabi.

Narinig ko naman ang tawa niya sa kabilang linya.

"It doesn't matter anymore. You need to go home now." Sabi nito.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Alam mo na gusto ko na lang mabuhay ng mag-isa." Sabi ko sa kanya.

Narinig ko ang buntong hininga niya. May problema ba?

"I'm sick, Rye."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.

"I need you, please? Bumalik ka na sa Kuya mo."

After he said those words my tears are keep on falling.

---

Author's Note:

Lio's story is now here! Again, walang pilitan sa pag basa nito. Also, I'm muting readers na lalabag sa gusto ko. Godbless!

-JustForeenJeo

All I Ever NeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon