Chapter 18

301 9 3
                                    

Lio Maxwell Perez

After ng nangyari sa amin ni Rye kagabi ay maaga akong nagising para kausapin si Max.

Alam ng mga pinsan ko ang tunay na nangyari noon lalo na si Max dahil siya ang kasama ko sa araw na 'yon.

Sa araw na pinagsisihan ko ng sobra dahil sa wala akong nagawa and I need to choose where and who I am going to choose.

"Lio." Tawag niya sa akin.

Tumingin ako sa kanya habang nakapasok ang dalawang kamay ko sa parehong bulsa ng shorts ko.

"Uuwi na tayo at kailangan mo ng sabihin sa kanya dito ang totoo." Sabi pa nito.

I think that's not a good idea. Pinuno namin ng masasayang memories ang pag stay namin dito, ayokong haluan ng masakit na alaala.

"No, pagbalik natin saka ko sa kanya sasabihin. I don't want to put bad memories in here, Max. Masayang alaala lang ang gusto kong maalala naming dalawa dito." Sabi ko sa kanya.

Tumango naman siya at tumingin sa relo niya.

"3 more hours at aalis na tayo. Suit yourself, bro. Pagbalik natin, hindi natin alam kong mag s-stay pa rin siya sayo o hindi na, you don't have any assurance right now. Just be ready." Sabi pa nito.

Tumango ako sa sinabi niya dahil tama siya. Wala akong panghahawakan kapag nalaman niya ang totoo. Kahit na sabihin niya pa sa akin na mahal niya ako, I can't take that as an assurance na hindi niya ako iiwan.

Nag paalam na sa akin si Max para bumalik sa asawa niya habang ako ay naisipan kong maglakad-lakad na lang muna sa tabi ng dagat.

Natatakot ako na baka sa sunod na balik namin dito ay hindi ko na siya kasama.

Ang tanging meron na lang ako ay ang alaala naming dalawa dito.

Nagulat naman ako ng biglang may yumakap sa akin sa likuran ko at nakita ko si Ate Shellene na nakangiti sa akin kaya niyakap ko rin siya pabalik.

Humiwalay na siya sa yakap ko saka siya tumabi sa akin.

"Losing everything is the only way to figure out what's worth finding. Iyan ang sabi ng isang priest sa isang homily niya ng minsan akong nag simba sa simbahan na 'yon." Sabi nito.

"But for me, Lio. You need to lose something to see if you can continue your life without them." Dagdag nito.

Nakatingin lang ako sa kanya na may pagtatanong sa mata. Nakita ko ang malungkot na ngiti sa mukha ni Ate Shellene.

"Ilang taon pa ang kailangan kong gugulin para mahanap ulit ang anak ko? Nabuhay ako ng ilang taong wala siya at hindi ko alam if I can still continue living more years without knowing how is he right now?" Naiiyak nitong sabi.

Niyakap ko siya ng patagilid para mabawasan man lang kahit papaano ang nararamdaman niya.

"Hindi ko alam kung tinatago ba ni Christoph sa akin ang anak ko o wala talaga sa kanya. Wala ng mas may isasakit pa sa isang ina na wala man lang akong clue kung saan ko siya hahanapin." Sabi pa nito.

Hinahagod ko ang likuran niya para tumahan na siya sa kakaiyak. She struggled enough para sa anak niya at halos lahat kami ay nakikita 'yon sa kanya. Ang gusto niya lang naman ay ang makasama ang anak niya pero ba't hindi pa rin sila pinagkikita?

We even went to Davao para hanapin ang anak niya.

"Lio, ayusin mo ang buhay mo kasama si Rye. Ayokong matulad ang buhay niyo sa buhay namin ni Ryne." Sabi pa nito.

Tama nga siya, sa amin lahat silang dalawang babae sa amin magpipinsan ang nakaranas ng matinding pagsubok.

"It would never be that easy to lose someone you really love. The one that has a value and has a part in your life. Para kang nabubuhay lang na hindi masaya." Sabi pa nito.

Nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman ni Ate Shellene at hindi ko kakayanin kapag ito ang makikita ko kay Rye kapag sinabi ko na sa kanya ang totoo.

"Sabihin mo na sa kanya ang totoo after natin makabalik. Rye deserves the truth, Lio." Dagdag pa nito.

"Masyado mong tinago ng matagal ang lihim na 'yan without knowing na baka kapag nalaman niya yan ay mas masasaktan pa siya lalo. Years won't erase the truth, it will never fades." Sabi nito saka ako hinalikan sa pisngi ko.

"Think outside the box." Sabi nito at iniwan na ako.

Matagal akong napatitig sa dagat na hindi inaalintana ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

Masyado yata akong pre-occupied para hindi mapansin ang oras.

Tinalikuran ko na ang dagat at nagtuloy-tuloy sa paglalakad pabalik sa cabin namin ni Rye.

This would be not that easy pero kailangan ko pa rin gawin.

Kung ang katotohanan ang nakasalalay dito, handa akong isuko ang pagmamahal ko sa kanya para lang sa hustisya na kailangan niya.

Pagbalik ko doon ay nandoon na si Ryu at nagtatawanan silang dalawa. Napangiti ako ng lihim ng makita kong tumatawag siya.

Iyan lang ang gusto kong makita, Rye. Iyong tawa at ngiti mo lang.

"Lio." Tawag niya sa akin.

Tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap ako. Hinalikan niya pa ako sa pisngi ko na mas ikinatuwa ko.

Simula noon hanggang ngayon, siya pa rin talaga. Si Rye pa rin.

"Good morning." Sabi nito.

Niyakap ko siya ng mahigpit dahil baka ito na ang huling yakap na mararamdaman ko na galing sa kanya.

"Good morning." Halos pabulong ko ng sabi sa kanya.

Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko na parang hinahati 'yon at pilit na pinaghihiwalay.

I want to remain strong for myself and for Rye pero hindi ko kinakaya ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Pain is overflowing here in my chest. Nalulunod ako sa sakit na mismong kasiyahan ko lang rin ang nagbibigay.

"I love you." Sabi nito.

Doon ako na tigilan at napatingin sa kanya. Napatitig ako sa mukha niya at sinigurado kong mamememorize ko ang bawat angle ng mukha niya.

"I will stay no matter how hard it is, Lio. Kung ano man ang katotohanan na nakatago dito." Sabi nito sabay turo pa sa dibdib ko.

A tear escape in my eyes while I'm still looking at her.

"Let's stop counting mistakes, let's start counting sacrifices. Be my Happiness and I'll be your Joy."

***

Author's Note:

After a long years of not updating. Ito na ang update ko, people. Medyo na busy ako sa paggawa ng magiging story ni Shellene at ni August.

Tapos nag-iisip na ako ng magiging story ni Niko.

Tatapusin ko 'to, people. Hindi man ngayong month na to but I promise matatapos ko to ngayong taon.

Stay tuned!

-JustForeenJeo

All I Ever NeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon