Chapter 17

360 14 0
                                    

Rye Samantha Arthur

Nagulat ako sa sinabi ni Lio. Sa San Juanico ba kami unang nagkita? Ang natatandaan ko lang ay 'yong binigyan niya ko ng panyo habang nakaharap ako sa isang cliff.

Doon ko na siya unang nagustuhan at hindi na tinigilan.

"From the style of your hair, to your outfit, the expression in your face, the way you stand and the way you look at me that time, Rye. Alam ko na sa sarili ko na gusto na kita at wala ng iba."

Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya. Natutuwa ang puso ko sa mga sinasabi niya.

Nagulat kami ng may mag salita sa likuran naming dalawa.

"Wag kang maniwala diyan, Samantha. Ginawa kang pan-SAMANTHA-lang girlfriend niyan." Sabi ni Niko.

Imbes na ma-offend ay natawa ako sa sinabi niya. Hindi na talaga nagbabago ang lalaking 'to.

Si Niko pa rin ang Nikong nakilala ko noon at walang pinagbago.

"Nangsisira ka na naman ng moment, Niko. Umalis ka na nga!" Sabi naman ni Lio.

Tinignan lang siya ni Niko at nagpacute pa siya harapan namin. Nagulat ako ng biglang takpan ni Lio ang mga mata ko para hindi ko makita ang ginagawa ni Niko.

"Rated SPG. Bawal makita ng mga mata mong para sa akin lang." Sabi ni Lio.

Hindi ko alam pero kinikilig ako sa sinabi niya. Sana laging SPG ginagawa ni Niko para ganito ang nagiging reaction ni Lio lagi.

Oo na, maharot na kung maharot. Minsan lang naman.

"Umalis ka na nga, Niko!" Taboy sa kanya ni Lio.

Lihim akong napangiti dahil sa inaasal niya.

"Kung biglang iwan ka man nitong si Lio, Samantha. Mag sabi ka lang sa akin." Sabi nito.

Tinanggal na ni Lio ang pagkakatakip sa mata ko kaya nakita ko na si Niko sa maayos na ayos.

"Bakit? Anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya.

Tumawa siya ng mahina bago nagsalita.

"Tatawanan ka." Sabi niya sabay halakhak.

Natawa na lang rin ako sa inakto niya dahil makikita mo sa kanya na punong-puno siya ng kalokohan pero may humor pa rin naman.

"Sinabihan na kita, hindi ka pa naniwala." Sabi nito.

Ngumiti na lang ako sa kanya at tinalikuran na kami pero bago man pa siya tuluyang umalis ay nag salita pa siya.

"Kung ayaw mong masaktan, 'wag mong balewalain yong mga bagay na nasa mismong harapan muna." Sabi niya sabay alis.

Hindi ako nakagalaw agad dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya o natamaan lang talaga ako sa sinabi niya.

"Wag mo ng pansinin ang mga pinagsasabi niya, kung anu-ano lang sinasabi niyan kaya minsan malilito ka kung may meaning ba talaga mga pinagsasabi niya." Sabi ni Lio.

Tumango na lang ako pero nanatili pa rin sa utak ko ang sinabi niya kanina.

'Wag mong balewalain ang alam mong nasa harapan muna. Ano ba ibig niyang sabihin doon? Maraming pwedeng maging ibig sabihin pero hindi ko alam kung ano talaga ang punto.

***

Buong hapon namin nilibot ang resort kasama ang iba pa niyang mga pinsan.

Kasalukuyan na kaming nagpapahinga ngayon at nakahiga na kami ni Lio sa parehong kama sa cabin namin dito.

Si Kuya Ryu ay buong hapon kong hindi nakita at ang tanging alam ko lang ay kasama siya ni August.

Tinignan ko si Lio na may hawak na libro at nagbabasa. Nakasandal siya sa may dashboard ng kama habang ako ay nakahiga na at nakatingala sa kanya.

Her ang title ng libro. Sinulat siya ni --- hindi ko makita ang author dahil natabunan na ito ng kamay niya. Ayoko naman magtanong dahil masyado siyang focus.

Bigla niyang sinirado ito at nilagay sa bedside table at nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa forehead ko.

"Hindi ka ba na pagod kanina?" Tanong niya.

Pagod na pagod ako pero ayoko pang matulog. Ayokong wakasan ang araw na ito dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko.

"Pagod." Sagot ko.

Ngumuso lang siya sa akin kaya hindi ko mapigilan na hindi mapangiti dahil sa ginawa niya.

Mas lalo kitang minamahal, Lio. Hindi kita kayang bitawan, lalo na ngayon at hawak na kita.

"Kailangan mo ng magpahinga kasi bukas na tayo uuwi. You need to gain energy." Sabi nito.

Isa pa 'yon na inaalala ko, bukas na magtatapos ang ipinakiusap niya sa akin. Hindi ko alam kung magiging ganito pa rin ba ang trato niya sa akin kapag bumalik na kami. Ayokong bumalik, dahil baka mawala na si Lio sa akin.

"Matutulog ka man ngayon, sayo pa rin ako. Pag gising mo, sayo pa rin ako." Sabi nito.

Lumilipad ang mga paru-paro sa tiyan ko sa sobrang kilig dahil sa mga pinagsasabi niya.

"Pero pag balik natin? Sa akin ka pa rin ba?" Tanong ko.

Doon ko nakita ang pag-iba ng expression sa mukha niya. Hindi siya agad nakapagsalita kaya hinintay ko siyang magsalita.

"Lahat ng mangyayari sa pag balik natin, Rye. Lahat 'yon ay naka-depende na sa mga desisyon mo. Your decision, to stay or to stay away." Sabi nito.

Tumingin ako sa ceiling at hindi ma-process ng utak ko ang mga sinabi niya.

To stay or to stay away.

To stay for my happiness or to stay away from my favorite pain.

"Alam kong marami akong pagkakamali, Rye. Marami akong nagawang kasalanan sayo pero sa lahat ng nagawa ko sa mundong 'to, yong mahalin ka ang tama sa lahat."

It melts my heart. Ikaw rin ang tamang nangyari sa buhay ko, Lio.

Bumangon ako at hinarap ko siya then I slowly kissed him.

Ayoko ng mag-isip ng kung anu-ano. Ang mahalaga na lang sa akin ngayon ay wakasan ito ng may ngiti sa labi.

This night, I gave everything to him.

To the man I love, forever and always.

The man I need,

The man who saves me,

The man who is an angel that have been sent by God,

The man who always amaze me,

The man who will going to be my husband,

And a man who will going to be the father of my children.

***

Author's Note:

Hanggang ngayon ay masakit pa rin para sa akin ang pagkawala ni Hanbin sa iKON. I'm still rooting for them hanggang sa tumanda na ako.

I'll be a forever OT7 stan, I'll be forever an iKONICS.

Still wishing for another love scenarios for my boys.

So ayon, walang connect dito sa update ko. HAHAHAHA, parang sa amin lang kahit anong gawin, walang string attach, walang connection at walang relationship sa isa't isa. Sobrang layo di ba? Sobrang layo ko kasi sa babaeng magugustuhan niya.

HAHAHAHAHA, happy reading everyone!

-JustForeenJeo

All I Ever NeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon