Chapter 16

320 12 0
                                    

Samantha Rye Arthur

Hindi ko pa man alam ang totoong nangyari ay may hula na ako pero hindi ko kayang paniwalaan. Ayaw sabihin ng buo ni Lio ang totoong nanayari saka niya na lang raw sasabihin kapag tapos na ang tatlong araw na hinihingi niya.

Hinahanda ko na ang sarili ko sa maaring mangyari dahil alam ko na mas masasaktan ako lalo at alam ko mismo sa sarili ko na mababago ng revelation na 'yon ang lahat ng meron ako ngayon.

Nirespeto ko si Lio at hindi ko na siya pinilit pa sa gusto kong mangyari at malaman dahil alam ko na kahit iyakan ko pa siya ay hindi niya pa rin sasabihin sa akin 'yon.

Natatakot ako at the same time ay kinakabahan dahil baka magalit ako sa kanya at hindi tanggapin ang sasabihin niya lalo na ngayon at magiging maayos na kaming dalawa.

"Kumain ka na, Rye." Sabi niya,

Kasalukuyan kami ngayong nandito sa isang restaurant para mag breakfast pero hindi ko alam kung bakit wala akong ganang kumain.

"Iniisip mo pa rin ba 'yong tungkol sa kagabi?" Tanong niya.

Tinignan ko siya at nakikita ko sa mata niya na nahihirapan siya. Hindi ko alam pero sa itsura niyang ito ngayon ay hindi ko na kinakaya, nasasaktan ako.

"Lio, hahabulin mo ba ako kapag hindi ko matanggap ang sasabihin mo?" Tanong ko.

Nakita ko kung paano siya natigilan sa sinabi ko. Nakita ko sa reaction niya na ayaw niyang sagutin ang tanong ko.

"Rye, ang gusto ko lang ay ang maging masaya ka. So please, habang maayos pa ang lahat. Be happy with me." Sabi nito.

Doon na ko mapait na napangiti sa sinabi niya. Magiging masaya tayo ng panandalian pero masasaktan tayo ng pangmatagalan?

Ayokong isisi lahat 'to sa tadhana pero bakit parang ang unfair? Ipinagtatagpo tayo sa isang tao na hindi naman natin makakatuluyan.

Kumain na lang ako dahil wala naman akong magagawa kung hindi ang maging masaya habang kasama ko pa siya, habang okay pa ang lahat.

Kumain na lang rin siya hanggang sa sabay rin kaming natapos. Pareho na kami ngayong nagpapahinga.

"Anong gagawin na natin?" Tanong ko sa kanya.

Sa halip na tignan ako ay nakatitig lang siya sa labas ng restaurant kung saan may mga turistang naglalakad habang ang iba naman ay naliligo sa dagat.

Tinignan ko ang tinitignan niya at nadako 'yon sa parang isang pamilya.

Isang lalaki at babae kasama ang dalawa nilang anak na parehong lalaki.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Lio at mariin pa rin siyang nakatingin sa kanila. Hindi ko mahulaan sa mga mata niya ang nararamdaman at naiisip niya.

"Siguro kung hindi mo ko iniwan sa simbahan baka may anak na rin tayo ngayon. Sana ay mag-asawa na tayo ngayon. I'll be a husband and a father."

Natigilan ako sa bigla niyang sinabi. Nakaramdam ako ng guilt sa sinabi niya. Ganoon ba kalaki ang epekto ng nagawa ko sa kanya? Nasaktan ko ba talaga siya? Kasi kung, Oo. Sising-sisi na ko.

"Kung katulad lang siguro ako ng ibang lalaki, Rye. I won't ask you to come back."

Doon na ako nakaramdam ng sakit dahil sa sinabi niya. May parte sa akin na nasasaktan at may parte na naniniwala na tama naman siya sa sinabi niya dahil may kasalanan at mali rin naman ako.

If only I could go back to those days, babalik ako para hindi ko na siya masaktan.

Bigla siyang tumingin sa akin at sinalubong ang mga matang kanina pa nakatingin sa kanya.

"Never in my whole life I was scared to that moment you stopped from moving towards me, to that moment you said those words that really cut deeper in my chest."

Hindi ako nakasalita agad sa sinabi niya. Sa bawat salita na lumalabas sa bibig niya ay nahihimigan ko ang sakit na meron siya.

Kung sana sinabi mo agad na may nararamdaman ka sa akin, Lio. Sana naisalba natin ang maling nagawa ko.

"But I'm so fool that I treated you that way. Hindi ko pinaramdam sayo na enough ka but I did the opposite."

Hinawakan ko ang kamay niya para maramdaman niyang okay lang at naiintindihan ko, na makikinig ako.

"It was a nightmare and a daydream coming true."

Doon na siya mapait na napangiti.

"But despite of that, you're still my favorite pain, Rye."

Napangiti ako sa hindi inaasahang pagkakataon at sa hindi ko maintindihan na dahilan.

I'm his favorite pain.

"Lio, I'm sorry."

Iyon na lamang ang tanging nasabi ko dahil hindi ko alam kung anong mga salita ba ang makakapagpagaan ng nararamdaman niya.

"Don't be, Rye. It was God's plan na mangyari 'yon. Let's just enjoy our stay here. Tara? Libutin natin ang buong resort."

Tumango na lang ako sa kanya at nagpatianod sa paghila niya sa kamay ko.

You holding my hands, Lio. For me, this is the safest place that I could be.

All I ever need is your love, your care, your wisdoms, your surname. Because you're the one who saves me from dying.

You gave me the purpose to live again for the second time.

Hindi na ko nag dalawang isip na mahalin ka sa maraming dahilan at nag focus na ako sa isang dahilan at 'yon ang mahalin ka dahil sa ikaw at hindi bilang isang Perez, hindi bilang isang Lio.

Gusto kong maging masaya na kasama ka pero hindi tayo pinapayagan ng panahon, Lio.

Hindi sang-ayon ang tadhana sa ating dalawa.

"Alam mo ba na kadugtong ng pamilya namin ang mga Isla dito sa Pilipinas?" Tanong niya.

Umiling ako at hinayaan ko siyang magsalita.

"Kasi lahat kami ay konektado sa sinasabi ng kalikasan."

Hindi ko siya maintindihan sa point na 'yon pero nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko habang nakatingin sa dagat na nasa harapan namin at nakatigil kaming dalawa sa ilalim ng isang coconut tree.

"Sa resort, nagkita ulit si Ryne at si Aero na tatay ng triplets. Si Miko naman at Gabriel ay konektado rin sa mga dagat. Si Max at Jade ay parehong hilig ang surfing. Si Ate Shellene ay ginagawa ng sanctuary ang bawat resort at Isla dito sa Pilipinas."

"Alam mo ba kung anong pinagkaiba ko sa mga naging buhay nila?" Tanong nito.

Nagtaka ako sa sinabi niya pero hinayaan ko siya.

"Kasi 'yong kasiyahan nila nakita nila sa dagat habang ang sa akin, nakita ko sa isang tulay."

"I saw you in San Juanico Bridge, Rye. Doon tayo unang nagkita."

***

Author's Note:

Sana ol may lovelife. Kamusta kayo? Namiss niyo ko? Here's an update para sa papalapit kong midterm exam. HAHAHA, sorry sa matagal-tagal na paghihintay. Mahal na mahal ko kayo!

-JustForeenJeo

All I Ever NeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon