Chapter 6

482 13 0
                                    

Samantha Rye Arthur

Si Kuya Anton ang una kong nakita papasok ng dining room habang ang kasunod naman nito ay si Kuya. Hinihintay ko siyang pumasok pero lumipas ang ilang minuto ay wala akong nakitang Lio.

He left.

Ngumiti ako kay Kuya ng mag tama ang paningin naming dalawa. Ayokong mag-alala siya sa akin ng dahil sa nagkita na kami ni Lio.

Habang kumakain ay wala kaming imikan. Kahit na si Elisse ay alam kong napapansin niyang masyadong awkward ang sitwasyon.

"Ikaw ba nagluto nito, Rye?" Tanong ni Kuya Anton.

Mabuti naman at binasag niya ang katahimikan dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula kung sakaling ako man.

"Oo." Maikli kong sagot na ikinatango naman niya.

"I can say na gumaling ka ng magluto. It doesn't taste the same before." Sabi nito at sumubo na naman ng panibago.

Natuwa naman ako dahil nagustuhan niya. Ginantihan ko lang siya ng ngiti at nagpatuloy ako sa pagkain.

Nang matapos kaming lahat ay tumayo na si Kuya Anton.

"Mauna na ako. Nag stay lang ako ng konti rito para matikman ulit ang luto mo. I missed it." Paalam nito.

"Salamat, Kuya." Sagot ko.

Nakipag-fist bump naman siya kay Kuya at iniwan na nito kami. Narinig ko naman ang malalim na pag buntong hininga ni Kuya saka siya tumingin sa akin.

"He already know." Sabi nito pero nakuha ko agad ang ibig niyang sabihin.

Ano naman ang gagawin ko? Magtatago sa kanya at magpapakalayo kung ang tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para magkita ulit kaming dalawa. Wala na kong pagpipilian kung hindi ang harapin siya at ang galit nito sa akin.

"Malalaman at malalaman niya, Kuya. Hayaan na nating panahon ang mag dikta sa mangyayari. I can handle myself." Sabi ko.

Humalik na ko sa pisngi niya at hinila si Elisse papunta sa kwarto ko.

Binigyan ko siya ng towel at ng damit na susuotin niya.

"Wash yourself first bago tayo mag-usap." Sabi ko sa kanya ng may ngiti sa labi.

She was there in my upside down and I'm going to be here too in her heartbreak.

---

Pareho na kaming nakahiga sa kama ng magsimula siyang magsalita. Nanatili lang akong nakikinig sa kanya.

"I met her sister earlier in the Department store. She greeted me. Tinanong niya ko kung kailan pa ba kami naghiwalay ni Maccoy. I'm clueless, Rye."

May tumutulo ng luha sa mata niya habang nagsisimula pa lang siya.

"Para akong ignorante kanina na walang alam."

Tuluyan na siyang humikbi pagkatapos niyang sabihin 'yon. I can feel her pain.

"5 months ng buntis si Ara at siya ang ama."

Natutop ko ang bibig ko sa narinig. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko para ma-comfort siya ng dahil sa narinig. Wala akong mahanap na tamang salita.

"That's the reason why he don't want us to get married yet. It is because he's bound to marry someone else."

Doon ko na siya niyakap dahil sa sakit na alam kong nararamdaman niya ngayon. Alam ko kung gaano niya kamahal si Maccoy because I was there witnessing how they conquer everything.

"He betrayed me. He cheated. He broke me." Sabi niya at pareho kaming bumangon.

Sunod-sunod ang tulo ng luha sa mata niya at wala akong magawa doon kung hindi ang panoorin siyang umiyak at ilabas lahat ng sakit na nararamadaman niya.

"Akala ko kasi siya na 'yong para sa akin. Iyong magiging asawa ko at magiging tatay ng mga anak ko. We already planned about our future, Rye. Nasa kay Maccoy na 'yong future ko."

Humagulhol na siya ng iyak habang nakayakap sa akin. I cant judge Maccoy that easily dahil alam kong mahal niya rin si Elisse. Nagkataon lang na may bata ng madadamay kaya kailangan niyang pumili.

"Gusto kong ako ang piliin niya. Ako ang pakasalan niya. But Rye, may bata ng madadamay at 'yon ang mas masakit."

Hinagod ko ang likuran niya para kumalma siya.

"They stole my happiness."

Natigilan naman ako ng marinig ko sa kanya 'yon. The same situation where I stole someone's happiness. I stole Lio from Coleen. Ara stole Maccoy from Elisse.

"Si Maccoy na lang ang meron ako, Rye. You know about that."

Tumango ako kahit alam ko naman na hindi niya ko makikita. Ngayon, alam ko na kung anong pinagdaanan ni Coleen sa ginawa ko.

Alam kong sa aming dalawa, siya itong mas nasaktan dahil siya ang inagawan at wala na kong magagawa doon dahil nagawa ko na.

Nang-agaw at nanakit ako ng iba.

"They have their own reasons, Elisse." Sabi ko.

Nagpatuloy pa rin siya sa pag-iyak habang nakayakap sa akin.

"Nasasaktan ako sa mga personal nilang dahilan."

Hindi ko na alam kung ano pa ba ang sasabihin ko para mapagaan ang nararamdaman niya dahil alam kong ganoon rin ako. Ginawa ko sa iba ang ginawa nila sa kaibigan ko.

"I just want to wake up with amnesia." Sabi nito.

Nanatili lang akong nakikinig sa kanya.

"But even I have this amnesia and I can forget about this stupid little things. My heart can remember it. What the mind can forget is what the heart remembers. I don't have any choice but to endure it."

Para akong sinaksak sa sinabi niya dahil alam kong tama siya at alam kong kahit ako ay nakaka-relate sa sinabi niya.

"Kung papipiliin man ako kung buburahin o hindi ang alaala na meron ako sa kanya ay hindi ko ipapabura. You know why? Kahit sinaktan at masasaktan ako sa mga memories na 'yon, alam ko sa sarili ko na kahit papaano naging masaya ako kasama ang lalaking mahal ko pero sobrang sakit lang talaga."

Hinahagod-hagod ko ang likuran niya dahil kanina pa siya umiiyak.

"Kahit sobrang nasaktan niya na ko ngayon bakit siya pa rin ang hinahanap ng puso ko? My heart still looking for its owner."

A tear escape in my eyes. My heart still looking for its owner too.

"Let's cry for the man that we can't have."

"Let's get wasted for the future that will no longer be us."

---

Author's Note:

Hello to all the 5SOS fan there! Happy Reading!

-JustForeenJeo

All I Ever NeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon