Prologue

982 14 5
                                    

*"Magpapasukan na naman... Ha Ha Ha..."May nakakapangilabot na tawa na sabi ng isang tao. Nilalaro nito ang isang kutsilyo habang nakangisi sa isang litrato na nakadikit sa isang pader.

*"Mukhang magiging maganda ang school year na toh... Mwuahahaha!" Sabi ng misteryosong tao habang tumawa muli ng nakakatakot at sabay bato ng kutsilyong nilalaro nito sa titrato. Tumama ang kutsilyo sa noo ng taong nasa litrato. Saktong sakto lang ang pagkakatusok nito sa noo ng isang taong nasa litrato.

Tumayo bigla ang misteryosong tao sabay kuha ng baril na nasa lamesa lang...

*"Huwag kasing maging pakielamera sa plano ko! Mwuahaha! Sa susunod... wag mangialam sa mga bagay na hindi sayo!" sigaw ng misteryosong tao sa isang babaeng nakagapos sa upuan at puno ng dugo.

"Nag-iba ka na! Hindi ikaw ang kilala kong kaibigan! Paano mo toh nagawa?! Paano?! Hindi ka ba nakokonsensya sa mga ginawa mo?! Ganyan na ba ang nagawa ng pagi----"

BANG!

Binaril ng misteryosong tao ang babaeng nakagapos. Hindi nagustuhan ng misteryosong tao ang pinagsasasabi ng babae. Hindi pa nakuntento ang misteryosong tao at binaril pa nito ang babae ng marami pang beses...

*"Mwuahahaha! Hinding hindi ko pagsisisihan ang mga ginawa ko! Hinding hindi!"Nanlalaking mata at may nakakalokong ngisi na sabi ng misteryosong tao habang patuloy pa rin sa pagbaril sa dalaga.

*"Humanda na kayo mga taga 406! Hinding hindi ko kayo tatantanan hanggang sa mamatay kayong lahat! Mwuahaha!" Malakas na sigaw ng misteryosong tao na parang wala na sarili. Tumawa lang ito ng tumawa na nakakapangilabot habang walang tigil sa pagputok ng baril ang misteryosong tao...

Punong puno na ng dugo ng dalaga ang sahig. Nang maubos na ang bala ng baril ng misteryosong tao, tinitigan ng taimtim ng misteryosong tao ang dalagang wala ng buhay.

Makikita mo ang awa sa mukha nito. Hindi naman ito maiiwasan dahil matagal din silang naging magkaibigan. Ang dalaga lang ang laging nariyan sa tabi niya oag siya ay malungkot. Pero nagbago ito bigla at tumawa ng nakakapangilabot. Nag-iba ang ekspresyon nito at napalitan ng ngising mukhang wala sa sarili.

*"Students of Room 406! I will hunt you until my last breath! Mwuahaha! Habang nabubuhay ako, hinding hindi ko kayo titigilan! Mwuahahaha!" parang wala sa sariling sabi ng literyosong tao habang nakatingin sa labas ng bintana.

Kitang-kita dito ang labas ng paaralan... ang paaralan na napagsasabihang, ang isang room daw ay may dalang kamalasan sa estudyante... may dalang masamang pangyayari sa mga estudyante... at ang nagsasabing... may dalang kamatayan sa estudyante....

Sacred Crest Academy... ang paaralan na napagsabihang maraming nakakapangilabot na pangyayari ang nangyayari....

Room 406... ang room na napagbansagang.... "cursed room"...

-----------------

A/N

Hello sa inyo! Beginner here! First time kong gumawa ng story na ganito ang genre! (>人<;) Kaya, forgive me if it looks ugly or something...

Ang story po na toh ay dedicated sa isang author ng isa sa mga favorite books ko! Ang ganda talaga pero nakakatakot rin ang story niya! Kaya parang ang story na toh ay parang yung sa kanya rin. Hehehe. Ang ganda kasi kaya nainspire ako! |( ̄3 ̄)| Pero chill. I'll try to be original! hahaha!

Trending po ang story niya sa classroom namin hahaha! Kaya naisipan ko, at ng ibang kaklase ko na gumawa rin. Hahaha! Baliw na baliw sila. Pinaghandaan pa nga nila ang role nila eh!

Hahaha so pls... kindly support and keep on reading this story! *\(^o^)/*

OTHER STORY: (isisiksik ko lang xD)

•Romance In Tropang Tangkad -MAGKAIBA ANG "ANGELINE", "ANGEL", AT "ALBERT" DITO AT DOON.

•Wag Kang Lilingon- chill. Di siya pareho ng genre nito... hehehe.. HINDI RIN IISA ANG "JANNA" NG STORY NA TOH AT YUN! MAGKAIBANG "JANNA" PO SILA!
-Thankieee!

VOTE
COMMENT
SUPPORT &READ!

Room 406Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon