CHAPTER TWO✅

1.8K 41 0
                                    

Chapter Two



GRABE ang pawis ko sa noo dahil sa mga inuutos sa akin ng mga guro. Punta roon, punta rito. Hindi naman ako ang presidente ng room bakit ako gumagawa nito? Hindi rin naman ako kasali sa officers.




Feeling ko mamamayat ako sa pinanggagawa ko. Tapos ang layo pa ng mga department, buti sana kung magkakapit-bahay lang ang mga department, hindi sana ako mamawis ng ganito. Dagdag mo pa ang init ng araw at wala pa akong dalang payong.



Ba't ba kasi ang laki ng public school na ito? Yung TLE department dadaanin mo pa ang field. Pag papunta ka naman sa English department dadaan ka sa field tapos didiretso ka sa fourth floor. Takte! Para akong pinaparusahan! Ayun tuloy todo kapit ako sa railings sa hagdan.


Pagkarating ko sa english department ay kumatok ako sa pinto. Niready ko na ang sarili ko sa pag-eenglish, aba sinong hindi kakabahan? May note pa nga sa pinto na nakalagay ng 'Talk in english' lang raw, gusto ko sanang punitin kaso baka pagalitan ako kaya wag na.



"Come in." bumungad sa akin ang malamig na hangin na nanggaling sa aircon.




Ngumiti ako at bumati sa mga teacher's in english. I went straight to Ms. Cabucos table. Busy ito sa laptop nito at may mga nakatambak na papers na nakapile sa table. Hindi ko maiwasang mamangha maganda kasi si Ma'am and she's brainy kaya siya ang Ms. DepEd namin. She's our school role model. Single pa kasi si ma'am, trabaho daw muna.



"Goodmorning Ma'am. Here are the reports from the TLE department." Masayang bati ko sa guro. Tumingala siya sa akin at matamis ngumiti.



"Goodmorning to you also Ms. Diado. Thanks a lot for bringing it here. I really need it." Napangiti naman ako.


Hay sa wakas, makakapagpahinga na rin ako. Papatayin ko talaga iyong president namin. Wala naman kasi ako palagi tuwing mag-eelect ng classroom officers kasi may practice ako palagi ng drumcorp. Busy ako tuwing unang month ng classes.


Nagpaalam na ako at tatalikod na sana ng tawagin ako ni Sir Davis.



"Yes Sir?"


"I have a favor to ask Francine. Could you please lend this to the Principal's office." nakangiting sabi nito habang inaayos ang ang files na ipapadala niya sa akin.


"S-sir?" nauutal na sabi ko.



"Wala na kasi akong mapag-utusan kaya tutal narito ka na ikaw na lang Fran, okey?" pakikiusap ni Sir Davis.



Wala akong choice kundi kunin na lamang yung mga files. Like hello! Dadaan pa ako sa field tapos liliko sa may science lab tapos liliko ulit sa may Mapeh Department tapos dadaanin ko pa ang heroes park litse! Kung minamalas ka nga oh!



Kunting tiis na lang Fran uwian na maya-maya habain mo pa ang pasensya mo. Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad ay narating ko sa wakas ang principals office. Napangiwi ako dahil nasa second floor pa iyon kaya dahan-dahan akong umakyat dahil marami-rami rin ang bitbit kung files, si Sir naman kasi eh! Pagkatapos kung ihatid ay bumaba na ako. Pagkarating sa room ay naabutan kong nagsipagkuha na ng bag ang mga kaklase ko.





"Huy Lucia! Diba tungkulin mo ang ihatid yung mga papers? Bakit ako yung tinuro mo alam mo ba kung anong pinagdaanan ko?" sigaw ko sa kanya. Ngunit niyakap lang niya ako at hinalikan sa pisngi.


"Babye Fran I love you sige bye!" nag flying kiss pa siya.



"H-hoy! Bumalik ka rito. Walangya kang babae ka!" Habol ko sa kanya, napahinto na lamang ako sa pintuan ng room namin. Kumaway-kaway pa siya sa akin habang naglalakad, inirapan ko na lamang siya.



Into You : MONDEJAR SERIES 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon