CHAPTER FIVE✅

1.3K 28 1
                                    

CHAPTER 5


            KANINA pa ako naiinis pero wala akong magawa kundi tumunganga. Inaantok na nga ako, pano ba naman kasi iniwan ulit ako ni Kuya Calvin! Tapos pinapabantay sa akin yung gitara niya. Kala niya naman aalis mag-isa itong gitara niya.


      Hanep mukhang pinagsisihan ko na ang pagsama rito naging instant alalay ako for two days! Sana nasa bahay na lang ako at nag memorize ng mga verse sa bible para pang ready lang naman sa pagpasok ko sa kumbento. 

         Nasa bench ako at hinihintay ang kamahalan na bumalik. Ang alam ko ay pinuntahan niya ang mga kabanda niya sa hotel room ng mga ito, at hindi ko kasalanang mag eavesdrop sa katawagan niya habang kumakain kami kanina ng lunch. Ka-video call niya iyong mga bandmates niya at may pinag-uusapan ang mga ito tungkol sa mga upcoming concert nila dito sa Pilipinas.

    Muntik ko na ngang paliguin si Calvin ng Holy Water at ang kabandmates niya dahil panay ang mura nila, kaso wala pala akong holy water kaya wag na lang. Patawarin nawa sila ng Panginoon. Taimtim na panalangin ko kay Papa God, turuan ko kayang manalangin si Kuya para naman mabawas-bawasan ang kasalanan niya? Not a bad idea.

     Kararating lang ng apat pa niyang kasama sa banda, mga alas quatro ng hapon. Pero hindi ko sila nakita dahil mas abala ako sa pag arrange ng gamit ni kuya Calvin.

     Magdadalawang araw na kami rito tapos hindi niya pa din naayos ang mga gamit niya. Ang kama niya kay gulo! Parang dinaanan ng bagyo. Nandiri pa nga ako ng may makapa akong condom. Napa sign of the cross ako ng wala sa lugar. Oh! Juicecolored may kababalaghang nangyari sa kamang ito!

         Hindi ko napansin kagabi na may isinama pala siya sa kwarto niya. Nasa iisang suite kami pero hiwalay ang kwarto. Bali may tatlong kwarto, dalawang bedroom saka isang Master's bedroom. Sa Master's bedroom ang tinutuluyan ni Kuya Calvin habang ako ay inuukupa ang isa sa mga bedroom.

      Malay ko bang may ginagawa silang kababalaghan at saka ano bang pakialam ko? Hindi kasi ako makatulog noong gabing iyon kaya nag rosary ako.

       Hinampas ko ang kaliwang binti ko ng makitang may lamok roon. Dumudugo pa iyon  kaya pinahid ko iyon sa katapat kong upuan malas na lang kung sino mang uupo roon.

      Ngising-ngisi ako habang ginagala ang paningin, ang dami na ng tao siguro nabalitaan ng mga ito na ang bandang kinabibilangan ni Kuya Calvin ay ang mismong tutugtog ngayong gabi. Karamihan sa mga nandito ay mga babae. At hindi lang mga bastang mga babae, mga nagseseksihang mga babae. May mga lalaki rin naman ngunit hindi natin alam kung lalaki ba talaga. Napailing na lamang ako.

Fangirls wew.

         Sabagay hindi ko naman  masisisi sila dahil napaka-yummy naman kasi ng bandang ito. Mga naggagwapuhang mga binata and mind you lahat sila ay single. Paniguradong magwawala ang mga kababaihan at mga feeling babae mamaya sa nakakalaglag panty na performance ng Di'bell Aspetto Band.

     Bawat isa sa mag kakaibigan ay may iba't-ibang ugali. Nasagap ko lang naman sa mga kaklase ko noon. Pero tanging katangian ni Calvin lang ang alam ko. Konti lang kasi ang nalalaman ko sa banda. Si Calvin ang lead vocalist nila, sometimes pag trip niya nagpapalitan sila ng drummer nilang may asul na buhok. Sabi naman ng iba lahat naman sila marunong kumanta at lahat sila marunong humawak ng iba't- ibang instrumento.

      Si Calvin yung tipong laging seryoso, walang emosyon, lumalabas lamang ang emosyon nito sa tuwing nasa stage na ito at kumakanta o tumutugtog ng instrumento. He is the cold distant boy.

      Ayaw niyang may lumalapit rito lalo na kung paghinahawakan siya. Only his trusted friends and family gets close to him. And only if, ito na ang kusang lumapit sayo or he's into you. Sabi-sabi lang naman ito ng mga kaibigan ko sa kolehiya.


Into You : MONDEJAR SERIES 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon