CHAPTER TWENTY-ONE✅

916 21 1
                                    

CHAPTER 21








          BAD MOOD pa rin si Calvin mapahanggang ngayon. Kahit nasa hapag kainan kaming lahat. And when I mean lahat, nandito ang buong Mondejar except Cleiton Cloud na nagmamasteral pa rin sa ibang bansa.







         Sobrang tahimik ng hapag kainan. Hindi rin ako kumportable sa kinauupuan ko hindi rin ako makakain ng maayos. Ang tahimik kasi, hindi ko ito ang nakasanayan ko sa tuwing sasabay kami ni Lola ng umagahan sa magpamilya.









      Maingay kasi ang lahat, pwera na lang kay Calvin at Clive na dati ng tahimik pero pag nagbabangayan na ang magkapatid ay nagiging maingay na rin sila.









       Hindi nakasama si Lola papunta rito dahil sinusumpong naman ng athritis nito. Lihim na nagnakaw ako ng tingin kay Tita Cler seryoso lang siyang kumakain. Mukhang ganado dahil sunod-sunod ang pagsubo ng pagkain.








        Si Tito Zack naman ay halos nakatingin lang kay Tita Cler. Nahuhuli ko pang sumisilay ang isang ngiti sa mga labi niya saka lamang susubo.









      Kung may maingay man sa hapag na ito ay si Ate Calla at Rise na nagbubungisngisan. Si Kuya Martin naman ay tahimik lang kumakain. Nasa yaya si Baby Belle sa may salas at tulog pa.







"Rise may na-meet akong nerd na kaibigan rin ni Martin irereto ko sa iyo." bulong ni Ate Calla sa kapatid.









"Ate hindi ako nerd attacker, wag mo akong itulad sayo."








"Gwapo iyon ano ka ba? Di ka na lugi roon. Mas lugi ka pa nga dun!"








"Anong lugi? Haler? Itong ganda ko? Kabogness ko pa si Anne Curtis ate!"








"Taas naman pero mas mataas pa ako sayo. Kabogness ko ang beautyness ni Pia at ni Catriona Gray!"








"Ays ewan ko sayo pag ako lang talaga nasali sa Miss Universe kakabugin ko iyang ganda mo!"








"Dream on sister dear! Libre mangarap. Walang kakabog sa isang Goddess na katulad ko."







"Aish, Ireto mo na nga lang ako sa ponciong pilatong iyon!" sumusukong wika ni Rise. Lihim naman akong natawa. Medyo magulo rin ang buhok nilang dalawa, kulang sa suklay. Maayos naman iyon kanina pero nung lumabas na ako ganyan na itsura nila.






"First Blood!"







       We were interrupted by that sound. Napatingin ako kay Clive na katabi ko. He was playing.










"Clive what did I told you? No playing games in front of the food." sita ni Tita Cler kay Clive. Sandali siyang tumitig sa ina.








"But, Nay the game just started." he scratched his nose bagay na napansin ko sa kanya, mannerism yata.









"Rules are rules Clive."








"It's a rank game Nay please." tinaasan naman ni Tita Cler ang anak.






"Eh' kung ikaw kaya ang i-first blood ko? Ikaw na bata ka, pag nagreklamo ka ulit na masakit iyang mata mo, ibubudbud ko iyong efficacent sa mata mo." mukhang natakot naman  si Clive at kaagad na tinago ang Cellphone at sunod-sunod na sumubo. Napaka hardcore naman ni Tita.







Into You : MONDEJAR SERIES 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon