CHAPTER FOUR✅

1.4K 27 0
                                    

CHAPTER 4


         NAGISING ako kinaumagahan na nahulog sa kama. Great! A great way to start my day!


"Aw."



      Ginalaw-galaw ko ang balikat ko, ito kasi ang sumalo sa kabigatan ko. Napapaaray na lamang ako dahil kumirot iyon. Humikab ako at hinawi ang mahaba kong buhok na nakatabon sa mukha.



       Balak ko sanang putulan pero wag na may balak kasi akong kulayan ng ash gray ang ilalim na parte ng buhok. At sa tingin ko ay gusto ko pang matulog kaya humiga ako ulit sa kama, ang isang paa ay sumasayad sa sahig. Pinabayaan ko ang buhok ko na mapunta sa mukha ko.



    Tinatamad talaga ako ngayon. Kinapa ko yung unan ko at niyakap iyon. Heaven! Sige tulog pa Fran! You deserve it! Matutulog na sana ako ng may kumatok. Napasimangot tuloy ako lalo ng kumatok ito ng tuloy-tuloy.


"Lola. Maawa ka naman please patulugin mo muna ako!" Sigaw ko. Sinigawan ko na dahil alam niyo na, matanda na hindi na masyadong nakakarinig.



"Lola!" Sigaw ko ulit ng kumakatok pa rin ito. Kahit kasi may duplicate key ay hindi pa rin makakapasok si Lola dahil doble lock. Kaya safe na safe.


Pinabayaan ko na lang ito kahit kumakatok pa rin siya sa labas. Iba talaga trip nitong si Lola. Bala ka diyan lola!



"Don't make me knock again Francine."



       Sa hindi inaasahan ay nahulog ako ulit sa kama. For the second time! Mabuti na lang nauna ang pwet ko kundi baka bali na yung kamay ko.



"Francine." tawag ulit ng taong nasa labas ng pinto.

"Sandali lang kuya!" Hinihimas ko ang pwet ko habang naglalakad patungo sa pinto.



      Ke-aga-aga niya namang mambwiset. Saan ba kasi si Lola? Kahit kailan ay hindi naman gumagawi dito si Kuya Calvin. Si Ate Calla ang mas madalas dito.




I opened the door. And wallahh! The angry bird, I mean the angry face of the ever serious Kuya Calvin.



"Morning Kuya!" Humikab pa ako niyan ha, tapos kinusot ko yung mata kong may morning star pa.



      Akala ko mandididri siya sa akin like Ate Calla always do, I always do it infront of her every morning just to pissed off ate Calla na lubos naman nitong kinaiinis sa akin kasi wala daw akong manners. Samantalang itong si Calvin ni hindi man lang nandiri sa akin. He didn't even move an inch, he just stared at me blankly. Lagyan ko kaya ng hot sauce ang mata niya para naman magka emosyon siya?



Nakatitig lang siya sa akin at tango lamang ang sinagot niya sa bati ko. Hmp. Sobra naman nitong seryoso pakainin ko kaya ito ng sweets or chocolates? Para naman magkahyper cells naman siya.



"Start packing pupunta tayo sa Palawan." tinalikuran niya ako at lumabas ng bahay. Disoriented akong napatitig sa kawalan habang unti-unting nag sink in sa bulok kong utak ang sinabi ni Kuya kanina.


      Napatalon ako sa tuwa! Maraming images na pumapasok sa isip ko omigosh! Oh my, Palawan here I come! Sa sobrang excited ko para akong si Flash sa sobrang bilis mag-impake. Wala man lang ten minutes ay tapos na ako, nakaligo na at nakaayos. I wore a simple black short shorts and paired it with an adidas black shirt.



     Kulay white na highcut converse shoes naman ang sapin ko sa paa. Sinuot ko rin yung cap na baymax na kulay puti. Napahagikhik ako ng makita sa full length mirror ang sarili ko, mukha akong hiphop sa suot ko.


Into You : MONDEJAR SERIES 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon