CHAPTER TWENTY-FOUR✅

921 21 0
                                    

CHAPTER 24









            NAPASABUNOT ako sa buhok ko at saka mariin na hinawakan ang sulat. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. Kung nagsasabi ba siya ng totoo o patuloy pa ring nagsisinungaling?









Hey baby,


       I'll be out, babalik ako bukas. I promise. Busy lang talaga sa banda at sa kumpanya. Keep safe.









          Nilakumos ko ang sulat at bumaling sa ibang direksyon. How could he leave me after what happened to us? Gaano ba kaimportante ang pupuntahan niya? At nakuha niya pa talagang magsinungaling?







            Napasandal ako sa head rest ng kama. Kipkip ko pa rin ang kumot na tumatakpan sa kahubaran ko. Last night we made love and I expect to see him first thing in the morning. Pero ano? Humabi naman siya ng kasinungalingan at iniwanan ako. Tapos ang masaklap pa bukas pa siya babalik?






    

        Gaano ba kaimportante ang lakad niya at mas importante pa talaga sa akin at iwanan na lang ako basta?







         Napangiwi ako ng igalaw ko ang binti ko. Bawat galaw ko ay napapangiwi ako sa hapdi na nararamdaman ko sa ibaba ko. Now great! He left me wincing in pain of what we've done last night.








           Hindi ko naman inakala na seseryosuhin niya na hindi talaga ako makakalakad. Although, makakalakad naman pero paika-ika at pakapit-kapit sa makakapitan. Tumungo ako sa banyo para maglinis. Laking gulat ko na lang ng makita ang sariling repleksiyon sa salamin na nasa banyo.







          May mga pulang marka na nagmukhang pantal-pantal sa leeg ko maging sa dibdib, braso, tiyan at hita ko. Napangiwi ako, bakit hindi ko man lang naramdaman ito kagabi? I rolled my eyes it's because I was too blinded with the sensation that Calvin is giving to my body.








             Matiwasay akong naligo. Gusto ko sanang gapangin na lang papuntang closet, sobrang hapdi talaga. Wala akong choice kundi paika-ika na tumungo sa walk in closet. Kung hindi lang talaga ako mabait at pag nagkataon na kampi ako kay Satanas. Papatayin ko talaga si Calvin!







       Diyos ko, patawarin nawa niyo po ako sa aking karahasan sa salita.







      Nagtatampo na talaga ako sa kanya. Alam niya naman siguro na kinabukasan ay mararanasan ko ang ganitong hapdi sa ibaba ko at mahihirapan ako. Iniwan niya pa rin ako.







         Nung umagang iyon ay hindi ako kumain man lang. Nawalan ako ng gana sa pagkain kahit hindi ko gawain ang magskip ng agahan. Bihira lang akong mawalan ng gana at nakakawalang gana ang pagsisinungaling at pag-iwan ni Calvin sa akin.









        Nakarinig ako ng katok sa pinto. Hindi ko na sana papansin kasi hindi naman ko naman kilala kung sino ang nasa labas. Malay ko bang masamang tao iyan. Pero hindi naman papasukin ni Manong Guard ang kung sino man sa labas diba?








        Wala akong inaasahan na panauhin ngayong araw. Dahil kung mga Mondejar ang nasa labas hindi na sila kakatok pa. Diretso lang sila paloob na para bang pagmamay-ari nila ang lugar kahit man sila magpunta.









     I've been into parties with the family and the clan of the Mondejars. Kahit sino man ang makakasalubong ng mga ito ay naiintimidate sa presensiya ng bawat isa sa pamilya. May kung ano sa kanila na nahahatak nila ang atensiyon ng bawat tao na madadaanan nila. Kahit sa mall sa tuwing kasama ako ni Lola para mag grocery ay palaging sumasama si Rise at Ate Calla. Kahit bata pa man kami noon ay hindi basehan ang edad nila para hindi mahatak ang atensiyon ng mga tao.








Into You : MONDEJAR SERIES 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon