CHAPTER THIRTY-SIX FINALE✅

1.1K 19 2
                                    


FINALE







               MAHIGPIT na napakapit ako sa braso ni Calvin. Sa oras na ito ay wala akong ibang makakapitan kundi ang Diyos at si Calvin. Kahit pa kinamumuhian ko siya.







           Kaharap ko ang kanyang asawa. The legal wife. Nakakatawa akala ko sa mga teleserye lang nagaganap ang mga ganitong eksena.









        Kaya pala iba ang kutob ko kay Beauty noon. May nalalaman ito na hindi ko alam. Parehas sila ng ginagalawang mundo ni Calvin. Masakit na niloko ako ni Calvin, hindi ko alam kung dapat ko pa ba siyang pagkatiwalaan. Masama siyang tao. Nagbebenta ng droga at pumapatay. Tama ako, hindi ko lubusang kilala si Calvin hindi siya gaya ng inaasahan ko o pagkakakilala ko sa kanya.








     He has deep dark secrets that I couldn't imagine him doing those kinds of stuff. Yes, tahimik siya, walang kaemosyon ang mukha pero personality na niya iyon kahit noon pa man. Hindi talaga ako makapaniwala, paano siya naging ganto? Does Tita Cler knew about this?









       Mabuti ang kanyang pamilya hindi sila gumagawa ng illegal kaya paanong lilihis si Calvin? He was always been the good son of Zackiro Aiko Mondejar. Bakit siya naging ganito? Naging masamang tao siya.









"C-calvin." napasinghap ako ng tutukan ako ng baril noong matandang lalaki. Nakita ko na siya kanina pa. He's very old but still strong. Mukha talagang masamang tao with his beard and mustache.







"Whose your mother?" malalim ang boses na tanong niya. Saakin siya nakatingin nakakatutok pa rin sa akin ang baril kaya tinago ako ni Calvin sa kanyang likod.








"I d-don't know." nanginginig ang boses na sagot ko.







          It's true I don't know her. Ang tanging iniwan niya sa akin ay iyong kwintas na may krus na sinusuot ko noon tapos papel kung saan nakasulat ang pangalan ko. Tanging iyon lang iniwan niya sa akin. Nanikip ang dibdib ko.








"What's the use of asking her De Guzman? Sa dami ng babae mo maalala mo ang babaeng ina ng anak mo?" singit ni Calvin. Kumibot naman ang labi nung matanda tila naasar ito sa sinabi ni Calvin. Calvin smirk.





      May kinuha si Calvin sa likuran niya ganun ang gulat ko ng tutukan niya ang matanda ng baril. Naalerto naman si Beauty at itinutok ang baril kay Calvin. Ngunit inilapat ni Calvin ang baril kay Beauty.









"Shoot me, mamamatay ang minamahal mong anak De Guzman." mariin na wika ni Calvin. 










        Napahawak ako sa braso ni Calvin ng unti-unting lumalapit sa amin ang mga armadong lalaki. Wala naman akong ginawa pero habol ko na ang hininga ko. Naiiyak ako sa takot, nanginginig ang mga tuhod ko sa kaba. Napahawak ako sa tiyan ko ng kumirot iyon.







"Nakalimutan mo na yata ang kasunduan natin Mondejar?" nakangising sabi ni Mondejar.









"Ikaw ang unang bumuwag sa kasunduan natin De Guzman! Ninakaw mo ang itim na diyamanteng nagsisimbolo sa Emperyo!" sigaw ni Calvin.






"Ako ang tunay na nagmamay-ari ng diyamante!"








"Hindi lang ikaw ang may-ari noon! You were too greedy! Kaya ka pinatalsik ng emperyo!"








Into You : MONDEJAR SERIES 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon