"ANG taray naman talaga! Anong sabi ng mga artista natin sa ganda mo?" nakangiting puri ni Cristy kay Sumi.
"Heh! Huwag ka na ngang mangbola diyan!" saway niya sa kaibigan.
"Sus! Ikaw talaga, imbes na magpasalamat ka dahil pinupuri ka." Maktol nito. "Actually, nagpapatawa lang ako. Dahil sa totoo lang, kinakabahan din ako. My gulay! Pagkatapos ng ilang siglo kong pagbabalik loob sa Diyos, bigla kong babalikan ang ganitong gawain. Ang alam ko na lang ngayon ay tumipa ng keyboard at makipagtitigan sa monitor ng computer." Sabi pa ni Cristy.
Malungkot siyang napangiti. Sabay gagap sa isang kamay ng kaibigan. "Pasensiya ka na ha? Alam kong nangako na tayo pareho noon na wala ng balikan sa ganitong trabaho. Pero, nandito ka. Kinalimutan ang pangako sa sarili mo para lang matulungan ako." Naiiyak niyang wika.
"Ay ano ba 'yan? Huwag ka ng umiyak! Okay lang 'yun. Naiintindihan ko naman eh. Kung ako siguro ang nasa kalagayan mo, baka ganoon din ang gawin ko." Pag-aalo pa nito sa kanya.
"Maraming Salamat," sabi pa niya.
"Walang anuman, 'to naman! Parang hindi tayo mag-bestfriend." Sagot nito.
"Teka nga, ano? Okay na ba ang ayos ko?" tanong pa niya. Naroon sila sa loob ng kuwarto ng bahay ni Cristy at nag-aayos para sa lakad nila ng gabing iyon.
"Oo nga! Kung tama ang bilang ko, pang limang beses mo nang tinatanong sa akin 'yan. Ang arte mo, parang first time mong gawin 'to ah!" sagot pa ni Cristy.
Muli ay pinakatitigan niya ang sarili sa malaking salamin. Iyon ang araw na kailangan niyang balikan ang isang bagay na matagal na niyang pilit kinalimutan at talikuran. Ang pagiging ConArtist. Ang panloloko ng mga tao, para lang magkaroon ng malaking pera. Bakit nga ba niya ginagawa iyon? Simple lang ang sagot. Dahil sa pera, para maisalba ang buhay ng kapatid niya. Magaling kasi siyang impersonator. Matandang babae, Executive and Career Woman, College Student, Ladyguard, Pulis, Siga sa kanto, tomboy at maging isang GRO ay kaya niyang gayahin. Iyan si Sumi noon. Trabaho niya dati ang gayahin ang mga iba't ibang klase ng tao. Trabaho niya na manloko ng tao para sa malaking halaga ng pera. Simple lang naman ang kailangan niyang gawin. Kakaibiganin niya ang biktima, nang makuha na niya ang tiwala nito saka niya ito kukuhanan ng pera. Kapit sa patalim sabi nga nila. Ganoon nga siguro kapag hindi mataas ang pinag-aralan. Kahit anong klase ng trabaho ay papasukin, may maipakain lang sa pamilya. Hindi kasi siya nakatapos ng highschool. Nasa third year highschool na siya noon, nang mapilitan siyang tumigil para magtrabaho sa batang edad niya. Iyon ang mga panahon na iniwan sila ng Tatay nila para sumama sa ibang babae. Naiwan silang mag-iina na halos walang makain. At dahil menor de edad, wala siyang mapasukan na matinong trabaho. Lahat na yata ng klaseng trabaho napasukan na niya.
Tindera sa palengke, kasambahay, labandera, kusinera. At dahil sa squatter's area sila nakatira. Isang kapitbahay nila ang nagturo sa kanya kung paano kumita ng mas malaking pera. Ang pagiging ConArtist. Sa trabahong ito niya nakilala si Cristy. Mas propesyunal ito kumpara sa kanya. Ayon na rin kay Cristy, bata pa lang ito ay iyon na ang gawain nito. Ito halos ang nagturo sa kanya ng lahat na modus operandi na alam niya. Nang mga panahon na iyon ay mag-iisang taon pa lang si Jepoy, pero napaka-sakitin nito. Kaya para sa kapatid ay pikit-mata niyang tinanggap ang alok ng kapitbahay niya. Gustuhin man ng Nanay niyang tulungan siya sa pagta-trabaho ay hindi rin pwede. Naging sakitin ito nung mga panahon na pinagbu-buntis nito si Jepoy. Kaya ng lumabas ang kapatid niya ay naging mahina din ang katawan nito. Ngayon, ito lang tanging magbabantay kay Jepoy. Kaya siya ang nagsisilbing Padre de Pamilya.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 2: Miguel Dustine Despuig
RomanceTEASER: Nang dahil matinding pangangailangan sa pera. Napilitan si Sumi na balikan ang isang gawain na matagal na niyang tinalikuran at pinangako na hindi na muling babalikan pa. At ang naging target niya, ay ang guwapo at mayaman na si Miguel Dust...