CHAPTER EIGHT

8.7K 219 6
                                    

"JESTER, nakita mo ba si Sumi?" tanong ni Miguel sa pinsan. Kadarating lang niya ng mga oras na iyon galing sa presinto, nang tumingin siya sa suot niyang relo ay mag-aalas otso na ng gabi.

"Kanina napansin ko, nandoon yata sa back garden." Sagot nito.

"Bakit malungkot 'yon? Nag-away ba kayo?" tanong pa ni Marisse.

"Hindi ah!" mabilis niyang sagot.

"Puntahan mo na kaya, pagdating n'ya kanina malungkot na siya. Mugto pa nga ang mata eh." Sabi pa ni Mark.

"Hindi ka ba pumasok sa opisina?" tanong pa niya dito.

"Pumasok, maaga lang akong umuwi."

"Mamaya ka na magkipag-tsikahan diyan. Puntahan mo na 'yong Irog mo!" ani Marisse, pagkatapos ay tinulak siya nito papunta sa back garden.

Pagdating niya doon, nakita niyang nakaupo ito sa duyan. Agad niya itong nilapitan nang makita niyang umiiyak ito.

"Bakit ka umiiyak?" tanong niya agad dito. Maingat na hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito. Saka tinuyo niya ng daliri ang luha nito.

"Sinabi ko na ang totoo kay Nanay, tungkol sa dati kong ginagawa. Sinampal niya ako." Kuwento pa nito. "Pinatawad naman niya ako. Pero hindi maalis sa isip ko 'yung sinabi niya. Galing sa masama ang pinangbuhay ko sa kanila noon.

Nakakahiya. Lalo na sa'yo."

"Sumi,"

"Miguel, sorry ha? Kung sinubukan kitang pagnakawan noon." Sabi pa nito.

"Shhh! Nag-usap na tayo tungkol diyan. Kinalimutan ko na 'yon, at naiintindihan ko kung bakit mo nagawa 'yon." Sagot pa niya.

"Pero..."

"Ayokong nakikitang umiiyak ka, Sumi. Nasasaktan ako. Gusto ko, palagi kitang nakikitang masaya. Hayaan mong maging bahagi ako ng bagong buhay na binubuo mo."

"Miguel,"

Tinitigan niya sa mata ang dalaga. Naroon ang lungkot. Ngunit naroon din ang emosyon nito. And it makes him wonder, what kind of magic does her eyes had? Noong gabing makita niya ang lungkot sa magagandang mga mata nito, pinangako na niya sa sarili na siya ang maghahatid ng saya doon. Na isang araw, makikita niyang muling nakangiti ito.

"Tahan na. Sabi mo nga, maayos na naman kayo ng Nanay mo."

"Nagi-guilty lang kasi ako."

"Ang importante, nagsisimula ka na ulit ng bago at magandang buhay."

"Utang ko sa'yo lahat ng iyon." Anito.

Umiling siya. "Wala kang utang sa akin. Ginawa ko 'yon dahil iyon ang tamang gawin."

Parang may humaplos na puso niya ng sa wakas ay ngumiti na ito. Gaya ng ginawa niya, hinawakan din nito ang magkabilang pisngi.

"Hindi ako magsasawang magpasalamat sa Diyos, dahil nagpadala siya ng Anghel. Isang napakaguwapong anghel." Nakangiting wika nito.

Sa isip ni Miguel nagtatatalon na siya sa papuring tinanggap niya mula dito.

"Puwede na ba akong manligaw sa'yo?" tanong pa niya.

Natawa ito. "Sira! Tigilan mo nga ako!"

"Seryoso kaya ako."

"Huwag mo nga akong bibiruin ng ganyan. Hindi tayo bagay." Sagot nito.

"Bakit naman? Ikaw na nagsabi, guwapo ako. Maganda ka naman. Anong problema doon?" tanong niya.

"Malaki ang agwat ng buhay natin." Anito.

Car Wash Boys Series 2: Miguel Dustine DespuigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon