"ATE, sino po siya?" tanong ng sampung taong gulang na kapatid ni Sumi.
Ngumiti siya sa kapatid. Saka sinulyapan niya si Miguel na nasa tabi niya. Naroon sila sa Pederico Medical Center. Ilang araw na rin ang nakakalipas simula ng ilipat sa ospital na iyon ang kapatid niya. Sa ngayon, naka-schedule na ang operasyon ni Jepoy.
"Siya si Kuya Miguel." Sagot niya.
"Boyfriend mo ba siya?" tanong ulit nito sa nanghihinang tinig.
Natawa siya, sabay sulyap sa katabi niya.
"Bakit? Boto ka ba sa akin kung sakaling boyfriend ako ng Ate mo?" balik-tanong naman ni Miguel dito.
"Guwapo ka naman po, Kuya. Maganda ang Ate ko. Mukha kang mabait. Sige, pasado ka na sa akin para sa Ate ko." Sagot pa nito.
Humagalpak sila ng tawa sa naging sagot ng kapatid niya. Kung makapagsalita kasi ito ay parang malaking tao. Pagkatapos ay binalingan siya nito.
"Ate, gagaling pa ba ako?"
Nangilid ang luha niya. Hindi sa kalungkutan, kung hindi sa saya. Dahil sa tulong ng kaibigang Doctor ni Miguel ma-ooperahan na ito at malaki ang tsansa nitong umayos ang kalagayan kapag naging matagumpay ang operasyon.
"Huwag kang mag-alala, malapit ka ng gumaling. Tinulungan tayo ni Kuya Miguel. Kaibigan n'ya yung Doctor mo." Sagot niya.
"Ate, kapag magaling na ako. Gusto kong bumalik sa school. Tapos kapag malaki na ako, gusto kong mag-pulis. Para ako ang magtatanggol sa inyo ni Nanay." Anang Kapatid.
"Alam mo ba? Pulis siya." Sabi niya dito, sabay turo kay Miguel.
"Talaga po? Kuya, kapag nakalabas ako dito. Turuan mo ako kung paano maging Pulis ah." Baling kay Miguel nito, bigla ay tila sumigla ang boses nito.
"Oo ba! Basta kailangan magpagaling ka agad ah." Sabi pa ni Miguel.
"Opo."
Napangiti si Sumi. Hindi niya alam kung dapat bang ipagpasalamat ang gabing nakilala niya si Miguel. Nagmistula itong anghel. Binago nito ang takbo ng buhay niya, maging ang tibok ng puso niya.
HABANG tahimik na nakaupo sa mahabang silya sa labas ng pinto ng operating room. Walang patid ang pagdadasal ni Sumi. Iyon ang araw ng operasyon ni Jepoy, ang Nanay naman niya ay nasa chapel at nagdadasal din. Ilang oras na ang lumipas nang ipasok doon ang kapatid niya. Ngunit hanggang ngayon, tila hindi pa rin yata tapos ang operasyon.
Lalo siyang kinakabahan at natatakot para sa kapatid sa pagdaan ng mga oras. Isa lang ang dalangin ni Sumi, na sana'y makaligtas ang kapatid niya. Napatingin siya sa katabi niya ng hawakan nito ang kamay niya.
"Hey, are you okay?" tanong ni Miguel.
Pilit siyang ngumiti. "Hindi ko alam. Kinakabahan ako." Sagot niya.
Ngumiti ito sa kanya, isang ngiti na may hatid na lakas ng loob at pag-asa. "Huwag kang mag-alala, matapang na bata si Jepoy. Alam kong kakayanin niya ang operasyon." Sabi pa nito.
"Salamat ah," sabi niya.
Bumuntong hininga ito. "Hay naku, ayan ka na naman sa pagpapasalamat mo. Hindi na natapos 'yan. Dalawang linggo mahigit na simula ng magkakilala tayo. Ganoon katagal ka na rin nagpapasalamat sa akin."
"Hindi ako magsasawang magpasalamat sa'yo. Hindi ko nga alam kung paano ko mababayaran lahat ng kabutihan mo."
Bahagya itong pumihit paharap sa kanya, saka siya tinitigan sa mukha. May nakikita siyang hindi maipaliwanag na emosyon sa mga mata nito. Nahigit niya ang hininga ng bigla nitong gagapin ang pisngi niya. Pinag-aralan niya ang mukha nito. Tila may gusto itong sabihin sa kanya. Ngunit nanatili lang itong tahimik sa sumunod na ilang segundo.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 2: Miguel Dustine Despuig
RomanceTEASER: Nang dahil matinding pangangailangan sa pera. Napilitan si Sumi na balikan ang isang gawain na matagal na niyang tinalikuran at pinangako na hindi na muling babalikan pa. At ang naging target niya, ay ang guwapo at mayaman na si Miguel Dust...