'Mother knows best', yan ang pinaniniwalaan ng mommy ko. Palagi niya sa aking sinasabi na wala siyang ginawa, nagawa at gagawin na ikasasama ko at alam ko naman na totoo ang mga sinabi niya eh. Pinalaki niya akong mabuti, hindi siya nagkulang sa paalala sa akin, hindi rin siya nagkulang sa pagbibigay ng pagmamahal na kailangan ko. Kung ano man ako ngayon ay dahil sa sariling desisyon. Pinili ko kung anong path ang tatahakin ko sa buhay.
Ang sabi nila kapag naging nanay na ang isang babae nagbabago ang perspective nila sa buhay. Siguro nga totoo yun kasi ngayong alam kong magiging nanay na talaga ako may mga bagay na akong gusto para sa magiging anak ko. I want all the best things in the world for my baby. Kasama na rin dun ang kagustuhan kong mabigyan ng buong pamilya ang anak ko.
Whole family. Meaning, may nanay, may anak at may tatay. Posible naman yun, di ba? I mean, oo nga't iniwan ko si Clarence pero tatanggapin naman niya ako uli kung malaman niyang buntis uli ako. Tsaka hindi ko naman ginusto na iwanan siya eh.
Yes, I may be be a stupid, reckless bitch for making him cry but I did all those things for him. I have reasons kung bakit pinalaya ko siya, mga reason na sumira sa buhay ko, Na nagpapahirap sa akin ngayon, na pinagsisisihan ko.
Akala ko may cancer ako, yun pala wala. That's the most bullshit thing in this world. Mga letseng doktor na yan, pinahirapan ako ng lubos. How could they do that? Professionals sila di ba, pero bakit nila ginawa yun? Bakit nila ako pinaniwala na mamamatay ako?
Kung hindi pa ako pumunta dito sa Canada edi hindi ko rin malalaman na wala pala akong sakit, na hindi ako mamamatay. Ang laki tuloy ng regrets ko dahil nagawa kong pakawalan ang taong mahal ko ng sobra. Nag-away pa tuloy kami, nagalit siya sa akin at nagawan niya ako ng masama. Hindi naman ako nagagalit dahil he forced me to have sex with him, I'm just hurt. I'm hurting for him. Alam kong hindi niya gusto ang nagawa niya sa akin, alam kong nadala lang siya ng galit.
Pero on the brighter side, kung hindi niya ginawa yun edi sana hindi ako buntis ngayon. Siguro eto na lang yung pambawi ni God dahil medyo mahirap at masakit ang buhay na binigay niya sa akin.
"Hindi ka ba nabobored dito sa bahay?"
Napatingin ako kay Bryle na nakatayo sa may pinto habang may hawak na shopping bags. Nag-grocery siguro siya.
Tinanggal ko yung suot kong eye glasses tapos ay pinatay ko na yung laptop. Ngumiti ako sa kanya bago nagsalita, "Hindi naman."
Pumasok siya sa kwarto ko at inilapag sa kama yung mga pinamili niya tapos lumapit sa akin at inalalayan akong tumayo. "Nagugutom ka na ba? Gusto mo bang ipagluto na kita?"
Umiling ako at niyakap siya, "Bryle thank you, ha? Thank you for everything. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung wala ka sa tabi ko." bulong ko sa kanya.
Naramdaman ko ang pagyakap rin sa akin ni Bryle, "Hindi mo naman kailangang mag 'thank you' eh. Sapat na sa akin yung alam kong wala kang sakit."
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Sabi ni Vash natural lang daw sa akin na maging emotional dahil parte raw yun nang pagbubuntis.