Canada - Tuesday, 2 in the afternoon.
-______-
Ang sakit ng ulo ko, salamat sa alak. :| Tatlong araw ko na siyang kadamay sa pagluluksa. Namatayan kasi ako. -_- Namatayan ang puso ko. Shit, korni ko na. Eto talaga epekto ni Ki-- niya sa akin. Nagiging korni na gwapo na ako.
Naupo sa gilid ng kama. Ang kalat na nung kwarto, kawawa naman yung taga-linis. Tsk. Tatayo na sana ako pero nakaramdam ako nang pagsakit ng ulo. Hangover, nice. Pakamatay na lang kaya ako, sa tingin niyo?
'Sage Hale calling...'
Kinuha ko yung cellphone ko na nakapatong sa side table. Si Sage tumatawag na naman sa akin. Hindi ba niya nararamdaman na ayoko munang makipag-usap sa kanila? Wala ako sa mood na ikwento ang mapait na buhay ko. Na ako, si Clarence Perez, ay iniwan nang tuluyan ni Kimberly Miranda.
Hinayaan ko lang na mamatay yung tawag niya. Inihagis ko na lang yun kung saan. Masira man siya, wala na akong pake. Mayaman naman ako eh, kaya kong bumili ng madaming cellphone. Kung may itinitinda ring Kimberly Miranda - baka bumili rin ako.
Sinabi ko kay Santos na dadalawin ko ang anak ko. Oo, si baby Cla ang dadalawin ko at hindi siya. Ang anak ko naman talaga yung pakay ko sa pagpunta dito sa Canada eh. Siya nga lang ba talaga?
Tumayo na ako at nagdiretso sa banyo. I need to look good infront of my daughter, kahit na hindi naman niya mapupuri ang itsura ko dahil baby pa siya. Tsaka, dapat ipakita ko rin na mas gwapo ako kay Santos. Alam niyo na, baka magbago bigla yung isip niya at bumalik sa akin.