Password

62 3 2
                                    

"Gwen, password?" tanong sakin ng besfriend ko, si Roi.

"Akin na ta-type ko." sagot ko.

"Sabihin mo nalang kasi." -Roi

"Eh? Kaya nga may password eh. Naimbento ang password para may privacy. Tas sasabihin ko lang sayo password ko. Nasan ang privacy ko dun, eh di wala na." ang oa ko di ba?

"OA ka. Para password ipagdadamot." -Roi

Ako nga pala si Gwendolyn Rain Garcia. Gwen for short. 16 years ng humihinga sa mundo. Nag-aaral ako sa Chuva Academy. Maganda, mabait, medyo curly ang hair, maputi, matalino at mahilig maglagay ng password. Ang kwarto ko bago ka makapasok may password, ang cp ko bago mo mabuksan may dalawang password, ang locker ko sa school may password, pati cabinet ko may password eh. Ang password ko ay ang pangalan ng pinakamamahal ko pero hanggang bestfriend lang ako na si Rovic Steve de la Cruz. Kaya nga hindi ko sinasabi sa kanya eh.

"Ano ba kasi ang password mo? Ha? Huhulaan ko" tanong ni Roi.

"Hay naku wag na !! Ayaw kong nahihirapan ka." oh di ba double meaning.

"Okay lang. Dali describe mo lang" -Roi

"Eh pangalan lang yun ng mahal ko." kung alam mo lang na ikaw yun

"Eh? May mahal ka ba ?? Lalaki o babae??"

"Syempre lalaki. Hindi naman ako tomboy no!!" sagot ko.

"Ah.. magaling ba siyang magvolleyball, maggitara,umakting,sumayaw at kumanta? Talented ba? Kagaya ko?" hays ikaw na nga yun.

"Ang kulit mo naman eh!!" baka kasi madulas ako at masabi kong siya nga yun. "Tara na nga pasok na tayo." pag-aya niya.

Roi POV

Ako nga pala si Rovic Steve de la Cruz. Bestfriend ni Gwen pero mahal ko na siya more than bestfriend. Siguro nafall na ako sa kanya kasi 3years na kaming magbestfriend eh kaya siguro mahal ko na siya. But anyways yang mahal kong yan este besfriend kong yan ang hilig maglagay ng password. Pangalan daw ng mahal niya? Eh wala naman akong nabalitaan na may mahal siya eh. SANA ako na lang yun. Malabo namang mangyari yun noh ASA naman ako.

"Hoy bestfriend!" aray ang sakit naman nung bestfriend hanggang dun lang talaga.

"Oh bakit?" tanong ko.

"Tara na excuse daw tayo. Excuse daw ang cheerdancers at volleyball & basketball players."

"Okay sige." pumunta kami ng gym. Yun nga naglaro ng naglaro lang kami dun. Natapos agad ang training namin at nanuod nalang kami ng sayaw. Napansin ko si Gwen parang namumutla tas mayamaya hindi siya makahinga at natumba siya. Dinala siya ng mga tao sa clinic at ako naman ay tumakbo papuntang locker niya para kunin ang gamot niya. Alam ko kasi marami siya dung gamot eh bestfriend nga di ba. Nung nasa locker na niya ako naisip ko may password nga pala ang locker niya. Kaya ang ginawa ko nanghula ako ng mga pangalang nasasabi niya sakin dati. Rafael,Lester,Mark,Andrew,Nathaniel at kung ano ano pang pangalan pero ni isa walang tumama.

"Try mo kayang pangalan mo"sabi ng puso ko.

"Pero imposible na ako ang mahal niya" protesta ng isip ko.

Pero nagtagumpay parin ang puso ko. Ti-try ko ang pangalan ko at laking gulat ko na bumukas ang locker niya. Ako ang mahal niya? Siguro hanggang bestfriend lang.

"Nabukasan mo?" nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko. Si Gwen.

"Bakit pangalan ko? Ako ang mahal mo?" tanong ko. Nakakacurious kaya.

"Manhid ka talaga no !!!!" naging manhid pa ako.

"MALAMANG IKAW ANG MAHAL KO. MAHAL KITA GAGO KA MAHAL NA MAHAL KITA !!! ANG MANHID MO GAGO KA ANG MANHID MANHID M---!!!!"

Hindi ko siya pinatapos magsalita kasi hinalikan ko siya tapos sabi ko "MAHAL NA MAHAL DIN KAYA KITA MATAGAL NA"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PasswordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon