MAKALIPAS ANG DALAWANG LINGGO HINDI PA RIN NAGPAPARAMDAM SI TROY KAY TRINA.UMAASA KASI SIYA NA DUMATING ANG ARAW NA MAGTEXT MAN LANG ITO.GUSTO NIYANG MALAMAN ANG BUONG KATOTOHANAN MULA MISMO KAY TROY.
LABIS SIYANG NAAPEKTUHAN SA MGA NALAMAN NIYA PATI TRABAHO NIYA NADAMAY DIN.ANG DATING TRINA NA DEDICATED SA KANYANG TRABAHO NGAYON HINDI NA.MADALAS NA SIYANG UMABSENT.KATULAD NGAYON LAGI NALANG SIYANG NAGKUKULONG MAG-ISA SA KWARTO.HANGGANG SA MAY KUMATOK SA PINTO.
** KNOCK....KNOCK...KNOCK..**
" GIRL , PWEDE BA AKONG PUMASOK?"- ANI PERLA.
" PASOK KA, HINDI YAN NAKALOCK." MATAMLAY NA SAGOT NITO.
" BAKIT UMABSENT KA NA NAMAN? INIISIP MO PA RIN BA YUNG SINASABI NG BRUHANG JOSIE NA YUN? "
" KUNG PAPASOK AKO PAPAGALITAN LANG AKO KASI LAGI AKONG NAKATULALA DUN."
" SO, IBIG SABIHIN INIISIP MO PA RIN YUN? HAY NAKU TRINA BAKA NGA SINISIRAAN LANG NG BABAENG YUN SI TROY .SIYANGA PALA, HINDI PA RIN BA NAGPAPARAMDAM SAYO SI TROY? "
" YUN NGA PERLA EH! HINDI KO MAIWASANG MAG-IISIP NA TOTOO LAHAT YUNG SINASABI NI JOSIE KASI KAHIT ISANG TEXT MESSAGE WALA!" NAIIYAK NA SAAD NITO.
" SINUBUKAN MO BANG TAWAGAN?"
" HINDI PA..PERO ALAM MO NAMAN NA HANGGA'T MAAARI AYOKONG AKO YUNG UNANG TATAWAG."
" NAKU TRINA! HINDI NA USO YANG PRIDE MO SA GANITONG SITWASYON.HINDI LANG NAMAN LALAKI DAPAT ANG MAG-EEFORT TAYO RING MGA BABAE."
" O SIGE SUSUBUKAN KO SIYANG TAWAGAN TAPOS IBABABA KO KAAGAD PAG NAGRIRING NA SAKA KO SIYA ITEXT."
" BAKIT IBABABA MO? DAPAT MAKAPAG-USAP KAYO PARA MALAMAN MO KUNG ANO TALAGA ANG TOTOO.SIGE, MAIWAN NA MUNA KITA.PAPASOK PA AKO SA AKING TRABAHO.KUMAIN KA DIYAN, NANGANGAYAYAT KA NA OH?"
" AYOKO! MAS MABUTI NA YUNG SA TEXT KO LANG MALAMAN PARA HINDI MASYADONG MASAKIT ATSAKA AYOKONG MALAMAN NIYA NA NASASAKTAN AKO."
" NAKU TALAGANG HINDI MAWALA-WALA YANG PRIDE MO.SIGE MAKAALIS NA NGA AKO.BASTA YUNG BILIN KO SAYO.BYE GIRL." SABAY BESO-BESO KAY TRINA.
" SIGE PERLA.INGAT KA." TIPID NITONG SAGOT.
NUNG MAKAALIS NA SI PERLA.SINUBUKAN NGA NIYANG TAWAGAN ITO.NANG MARINIG ANG PAGRING NITO, DALI-DALI NIYANG BINABA AT NAGCOMPOSE NG TEXT MESSAGE PARA KAY TROY.ITO YUNG TINEXT NIYA.
TO: DADHIE
** Troy bakit hindi ka na nagparamdam sa akin? Hindi ako sanay na ganito tayo.Sinanay mo kasi ako na lagi kang tumatawag eh.Alam mo troy? May sinabi sa akin si Josie tungkol sayo.Pero huwag kang mag-aalala hindi naman ako naniniwala sa kanya eh.Di ba sinabi mo sa akin na ikaw lang ang paniniwalaan ko? Kaya lang mag-iisang buwan ka ng hindi nagparamdam sa akin kahit isang text mo lang wala eh.Gusto kong isipin na totoo lahat yung nalaman ko mula kay josie kaya lang mas nangingibabaw yung pagmamahal ko sayo eh.Please Troy prove it to me na nagsisinungaling lang sakin si Josie, na sinisiraan ka lang niya sa akin.Mahal na mahal kita Troy.Hindi ko alam paano ako mabubuhay pag nawala ka sa akin.Please text me back.I'm waiting.
** SENDING................
...Message Sent...
NAGHINTAY SIYA NG 1,2,3,4,5,6,7,8,9 MINUTES HANGGANG UMABOT SA KALAHATING ORAS WALA PA DING REPLY MULA KAY TROY KAYA TINEXT NIYA ITO ULIT.
TO:DADHIE
** Bakit di ka makapagreply sa akin Troy? ibig bang sabihin niyan totoo lahat ang sinabi sakin ni Josie? Pero bakit troy? Bakit mo nagawa sa akin ito?Ginawa ko naman ang lahat para maiparamdam ko sayo ang pagmamahal ko kahit alam kong mali ginawa ko pa din kasi akala ko minahal mo din ako.Pero nagkakamali pala ako .Pagkatapos kong ibigay sayo ang sarili ko?Itatapon mo nalang ako na parang basura?Hindi naman ako basura troy! Tao ako na may puso at marunong masaktan
...... MESSAGE SENT....
UMIIYAK SI TRINA HABANG TINATYPE NIYA ANG MGA MENSAHENG YUN PARA KAY TROY.NASASAKTAN SIYA AT NANLUMO.
" AKALA KO TROY IKAW NA ANG LALAKING BINIGAY SA AKIN NG DIYOS PERO HINDI PALA KASI MAY IBA NA PALANG NAGMAMAY-ARI SAYO." WIKA NI TRINA SA KANYANG SARILI.
MGA ILANG ORAS ANG NAKALIPAS NAKATULOG SI TRINA NA MAY BAKAS NG LUHA SA KANYANG MGA MATA HANGGANG SA BIGLA SIYANG NAGISING SA TUNOG NA NAGMUMULA SA KANYANG CELLPHONE.MAY MESSAGE NA DUMATING KAYA KAAGAD NIYANG BINUKSAN ANG KANYANG CELLPHONE.PAGKABASA NIYA GALING KAY TROY.
FROM: DADHIE
** Can you please stop texting me right now? I have a problem to solve.Don't worry I will call you if everything will be fine.Pasensiya ka na.
NASAKTAN SI TRINA SA MESSAGE NITO.PARANG NAHIHINUHA NIYANG MAY ITINATAGO ITO SA KANYA.KAYA NIREPLAYAN NIYA ITO.
TO:DADHIE
** Bakit di mo sabihin sa akin? May karapatan naman siguro ako di ba? O baka naman totoo lahat yun Troy?
.......... MESSAGE SENT......
NAG-ANTAY SIYA NG ILANG MINUTO.SA HALIP NA REPLY SA TEXT TUMAWAG ITO SA KANYA.
" HELLO? TROY? TOTOO BA YUN TROY? TOTOO BA LAHAT ANG SINABI SA AKIN NI JOSIE? SUMAGOT KA TROY!"
" S-SORRY TRINA." ANITO SA KABILANG LINYA.
" HINDI YAN ANG GUSTO KONG MARINIG TROY! SABIHIN MO SA AKIN, TOTOO BA NA MAY ASAWA'T ANAK KA NA?"
" OO TRINA.PERO IKAW ANG MAHAL KO TRINA.SORRY KONG NILIHIM KO SAYO ITO.AYOKO KO KASING MAWALA KA SA BUHAY KO."
" BAKIT TROY? BAKIT MO NAGAWA SA AKIN ITO? BAKIT AKO PA? TROY! BAKIT MO HINAYAANG MAGKAGANITO ANG LAHAT? SANA NAMAN TROY INIISIP MO DIN ANG KAPAKANAN NG ANAK MO! HINDI KA NA NAKUNTENTO SA KANILA.TAPOS AKO PA ANG NAPILI MONG PAGLARUAN? MARAMI NAMANG IBA DIYAN TROY! BAKIT AKO PA NA INOSENTE ANG NAPILI MO? SABAGAY SANAY NA SANAY KA NA EH.NAPAIBIG MO AKO SA IKLI NG PANAHON NA NAGKAKILALA TAYO. YOU'RE SO UNFAIR TROY!"
" WALA NAMAN AKONG INTENSIYON NA SAKTAN KA TRINA.AT MAS LALONG HINDI KITA PINAGLALARUAN.IKAW LANG NAMAN NAGSABI NUN DI BA? TSAKA HINDI KITA ITINAPON NA PARANG BASURA KAYA KO NGA NAGAWA ITO DAHIL SA PAGMAMAHAL KO SAYO.HINDI NAMAN KASALANANG MAGMAHAL.NAGMAHAL LANG NAMAN AKO EH. SANA NAMAN PANIWALAAN MO YUN! KAHIT YUN LANG TRINA."
" TAMA KA TROY !NAGMAHAL KA LANG PERO ALAM MO NAMAN SA SIMULA PA LANG NA HINDI KA NA PWEDENG MAGMAHAL NG IBA KASI MAY PAMILYA KA NA! PERO TINULOY MO PA RIN.HINDI LANG NAMAN AKO ANG NASASAKTAN DITO EH! PATI NA YUNG ASAWA'T ANAK MO.!" PATULOY PA RIN ANG PAG-IYAK NI TRINA.
" PERO PWEDE NAMAN NATING IPAGPAPATULOY ANG RELASYON NATIN EH.FAKE NAMAN YUNG KASAL NAMIN.PLEASE TRINA SANA MAGIGING OK PA RIN TAYO."
" PAANO MO NASASABI YAN TROY? ALAM MONG MALI ANG RELASYON NATIN.ITO LANG NAMAN ANG HINIHINTAY KO EH, ANG MALAMAN KUNG ANO TALAGA ANG TOTOO.ALAM MO TROY? ANG SAKIT-SAKIT DITO OH? SABAY TURO SA KALIWANG DIBDIB.GUSTUHIN KO MAN NA IPAGPAPATULOY NATIN ITO KASI MAHAL NA MAHAL KITA EH PERO HINDI PWEDE KASI MALING-MALI ITO.HINDI KO ALAM KUNG MAKAKAYA KO BANG MAWALA KA SA AKIN GAYUNG NAIBIGAY KO NA SAYO ANG SARILI KO .PERO KAILANGAN NATING GAWIN KONG ANO ANG TAMA.
" PERO ANG SABI MO SA AKIN NOON IPAGLALABAN NATIN ANG ISA'T ISA?"
" TAMA KA TROY! PERO IBA NA KASI NGAYON TROY MAY NAKASALALAY NA BATA DITO."
" HINDI KO NAMAN PABABAYAAN ANG ANAK KO TRINA.PLEASE NAMAN OH? "
" HINDI KO ALAM TROY.ALAM MONG MASAKIT DIN SA AKIN ANG BITAWAN KA KASI MAHAL NA MAHAL KITA PERO AYOKO DIN NAMAN NA MAKASAKIT NG KAPWA KO BABAE."
" PLEASE TRINA.AYOKONG MAWALA KA!"
" PAG-IISIPAN KO TROY PERO HINDI AKO NANGANGAKO.."
KANINA PA NIYA BINABA ANG KANYANG CELLPHONE PERO PARANG HINDI PA RIN SIYA MAKAPANIWALA NA TOTOONG NAKAUSAP NIYA SI TROY.HINDI KASI NIYA INAAKALANG TATAWAGAN SIYA NITO.ANG SA KANYA LANG NAMAN MALAMAN NIYA ANG KATOTOHANAN KAHIT IPAALAM LANG SA KANYA THROUGH TEXT.
HANGGANG SA MAKATULOG SIYANG MUGTONG-MUGTO ANG MGA MATA SA KAIIYAK NA HINDI MALAMAN KUNG ANO ANG DAPAT NIYANG GAWIN.
BINABASA MO ANG
ONE WORD WITH FOUR LETTERS( COMPLETED)
RomanceTHIS IS A STORY OF A GIRL NAMED TRINA MENDEZ WHO FALL INLOVE WITH HER TEXTMATE.A GUY NAMED AFTER TROY VALDEZ, 25 YEARS OLD, TALL, DARK AND HANDSOME. WHO WOULD HAVE THOUGHTS THAT SHE WOULD FALL FOR HIM WITHIN JUST A FEW WEEKS WITHOUT KNOWING HIS BACK...