CHAPTER 12: LOVE OR SACRIFICE?

12 2 0
                                    

A/N: Sa wakas nakapagUD na rin ako.Pasensiya na mga readers kasi busy lang po ako alam niyo naman ulirang nanny ako eh.Kapag may spare time lang ako nakakasulat.

Guys siguro marami sa inyo ang nagtataka kung bakit caps lock lahat ang ginamit kong font.Ganito po kasi yun, nung isinulat ko po kasi ang unang chapter nito tablet ang gamit ko tapos nagluko yung mga font kaya ayun caps lock nalang lahat ang ginamit ko.

And I thank to Ms.Aliyah for that.

So for this chapter until the end I will use the normal font.

Thank you.

Please read,vote and comment.

Enjoy reading guys...

Lumipas ang isang linggo na hindi man lang nag-abalang pumasok si trina.Hindi siya makapag-isip kung ano ang dapat niyang isaalang-alang.Pati tuloy ang trabaho niya naapektuhan ng dahil sa nangyari.

Isang araw naabutan siya ni Perla na nakatalukbong ng kumot .

" Girl hindi ka pa rin ba pumasok? Mag-iisang linggo na yatang ganyan ka.Siyanga pala nagtext ang mama mo sakin hindi ka daw nila makontak."

" Wala akong ganang pumasok eh.Ano sabi ni mama?" tanong niya sa matamlay na boses.

" Nangangamusta sayo kelan ka daw uuwi dun sa inyo? Teka bakit nga ba hindi ka nila makontak?" Nagtatakang tanong nito kay Trina.

"I turned off my phone.Gusto ko kasing makapag-isip ng maayos eh pero until now wala pa rin akong naisip na desisyon.Tulungan mo naman ako oh? "

" Tungkol pa rin ba yan kay Troy? Bakit ka ba nahihirapang magdesisyon? Simple lang naman yan eh, papipiliin mo siya either you or his family kasi if i know hindi naman sila kasal ."

" Oo hindi nga sila kasal Perla kaso wala akong laban du'n kahit na ako ang pipiliin ni Troy hindi pa rin ako matatahimik kasi alam kong may nasasaktan.Hindi kakayanin ng konsensiya ko yun!"

" Eh si Troy ba makakaya mong mawala siya lalo pa at may nangyari na sa inyo? Alam mo Trina sometimes you should know how to be selfish just to be with someone you love lalo pa at alam mong mahal ka niya.Pero hindi ko sinasabing gawin mo yun nasasa'yo pa rin naman ang desisyon.Ang sa'kin lang naman give yourself a chance to be happy." Mahabang saad nito.

" Ano ba yan Perla ! Hindi ko alam kung makakaya kong maging masaya habang may nasasaktan sa paligid ko.Pero pag-iisipan ko yang sinasabi mo.Salamat sa payo mo Perla."

" Ano ka ba girl! Wala yun! Sino pa ba ang magdadamayan eh di tayo lang di ba? O s'ya papasok na ako sa trabaho basta pag-isipan mong mabuti ang pinapayo ko sa'yo tsaka magtext ka sa mama mo para naman hindi sila mag-aalala sa'yo."Sabay tayo at yakap kay Trina.

" Sige Perla itetext ko si mama mamaya.Salamat ulit, mag-ingat ka." Sagot niya kay Perla.

Matagal ng nakaalis si Perla pero hindi pa rin kumilos si Trina .Nanatili pa rin siyang nakahiga at nakatalukbong ng kumot ng walang anu-ano'y may naramdaman siyang pumihit ng seradura sa kanyang kwarto.Noong una'y inisip niya na baka si Perla pero naramdaman niyang palakad-lakad ito sa kwarto niya du'n na siya biglang natakot sa pangambang may ibang taong nakapasok sa loob pa mismo ng kwarto niya.Pinakikiramdaman niya kung ano ang gagawin nito sa kanya.Hinanda niya ang sarili sa posibleng mangyari ng bigla itong umupo sa tabi ng hinihigaan niya at nagsalita.

" Mhie pasensiya ka na at di na ako nag-abala pang kumatok.Nakasalubong ko si Perla kaya ako nakapasok dito sa loob .Mhie namiss kita.Walang araw na hindi kita naiisip.Naguguluhan din ako sa ngayon Mhie iniisip ko kaya kong ipagpalit ang pamilya ko just to be with you but I know it's hard for you to accept me kasi iniisip mo ang mararamdaman ng anak ko kung saka-sakaling iiwanan ko sila .Pero alam mo Mhie ? mas lalo kitang minahal kasi you're willing to sacrifice your own happiness para lang huwag makasakit ng ibang tao.Mahal na mahal kita Mhie.Nagawa ko mang itago sa'yo ang tungkol sa pamilya ko hindi ibig sabihin niluko kita, yun ay dahil ayokong mawala ka sa'kin." Mangiyak-ngiyak na saad ni Troy habang mahigpit na hawak nito ang kanyang mga kamay.

Habang naririnig ni Trina si Troy nararamdaman niyang tumulo ang kanyang luha kaya hindi na niya napigilang humikbi.Bumangon siya at niyakap si Troy.Nagulat si Troy nung una kasi akala niya tulog ito pero hindi rin niya napigilang mapangiti sa mga sinabi ni Trina sa kanya.

" Mahal na mahal din kita Dhie.Pwede naman sigurong maging selfish kahit ngayon lang di ba? Pumapayag na ako Troy kahit pangalawa lang ako sayo atleast alam ko ako ang mahal mo.Hindi ko alam kung ano ang magiging kahihinatnan ng relasyon natin basta sa ngayon ang tanging gusto ko ay maging masaya sa piling mo." Humihikbi pa ring saad ni Trina habang yakap-yakap ni Troy.

" Salamat Mhie.Mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko.Ikaw lang at wala ng iba pa." Anito habang kinintalan siya ng halik sa noo.

" Pero paano ang asawa't anak mo ? Alam ba ng asawa mo ito? Natatakot ako Dhie baka kapag nalaman ng asawa mo ito ilalayo ka niya sa'kin." Tanong no Trina habang pinupunasan ang kanyang mga luha.

" Huwag kang mag-alala Mhie wala siyang alam at kung dumating man ang araw na malaman niya ang tungkol sa'tin hinding-hindi niya tayo mapaghihiwalay pangako ko yan sa'yo Mhie." Sagot ni Troy habang hinaplos-haplos ang buhok ni Trina.

" Salamat Dhie sana tuparin mo ang pangako mong yan kasi ayokong pagsisihan ang desisyon kong ito .Sa totoo lang handa naman akong magsakripisyo para lang sa ikakatahimik ng lahat yun nga lang mabigat sa loob ko na mawala ka sa'kin kasi mahal na mahal kita .Hindi naman ako ganito dati pero nang dumating ka sa buhay ko biglang nagbago ang lahat.You changed my life a lot ." Ika ni Trina habang nakahilig sa balikat ni Troy.

" Don't you worry Mhie may isang salita ako.I will never give up on you sana ikaw din whatever happens huwag na huwag kang bibitaw sa'kin kasi kung mangyari yun ibig sabihin hindi ganun kalalim ang pagmamahal mo sa'kin."Sabi ni Troy habang hinalik-halikan ang buhok ni Trina.

" Ofcourse Dhie I'll do everything just to make sure na lagi akong nakakapit sa mga kamay mo." Ika ni Trina kay Troy habang nilalaro ang mga balahibo na nasa binti ni Troy.

" Promise? "Tanong ni Troy kay Trina

" Promise Dhie!"

Sabay halik nito sa mga labi ni Troy na tila ba wala ng bukas hanggang sa lumalim at humantong sa kanilang pagniniig.Pareho silang nakatulog na magkayakap sa isa't isa at may bakas na ngiti sa mga labi.

AUTHOR'S NOTE:

Nakakabitin po ba? Pasensiya na hindi ganun kahaba ang chapter na ito kasi minamadali ko itong tinype .Nakihiram lang kasi ako ng Ipod para makapag-update nito medyo matagal na yung last update ko because of a short story contest.I'm one of the contestants kasi kaya naging busy ako and idagdag pa dun ang pagiging ulirang nanny ko.

Pero sana nagustuhan niyo pa rin ito.Hayaan niyo babawi ako sa susunod pang chapter . I will focus this story kasi ito yung pinakaunang novel na ginawa ko eversince na nagstart akong magsulat.

Please support this story of mine.

Your comment is very much appreciated

Thank you

ONE WORD WITH FOUR LETTERS( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon