Chapter 9: Happiness

19 5 0
                                    


Happiness... accepting what is and letting go of what you cannot control. Sounds simple pero bakit ba minsan hindi tayo masaya? Because what looks easy is often difficult to apply in real life. Madaling sabihin na masaya yung isang tao in outside by means of showing it. You can fake it. Tatawa ka, ngingiti ka, you shared your happiness with them yet they didn't even notice that your not happy inside. You holdin even though it kills you slowly.


Louise P.O.V

Hayss... mahaba nanaman tong kwento ko at isa lang masasabi ko "ANSAYA" Hahaha siyempre simulan natin nung nasa school pa. Pagsapit ng English subject namin lumabas kami para magpractice hanggang last subject namin. Naisipan ng tropa namin na kumain. May dala yung isa naming kasama na adobong manok so yun naishare niya samin. Ansaya talaga kapag kasama mo tropa mo na kumakain sa isang plato hahaha ang daming kamay na nakasalo. Pagkatapos namin kumain niyaya ako ni Kim bumili ng choc-o, niyaya ko naman si Chris hahaha. Lagi kong katabi si Chris hanggang sa napagtripan nilang dalawa ni Meg yung buhok ko. Hinahawakan nila parang mga bakla nilalagay nila sa kanilang ulo parang wig lang. "Ano bang amoy ng buhok ko?" tanong ko kahit naman alam ko na mabango yun hahaha. Syempre. "Mabango" sagot ni Meg, si Chris naman inamoy sabay sabing "Nakakaadik nga e..." Eto namang si ako tuwang tuwa sa sinabi nila. Hahaha nagprapractice yung iba ng mga lines nila habang kaming tropa kwentuhan muna. Bonding ganun hahaha.


Pagkatapos nun. Uwian na. Maglalakad nalang daw sina Meg. May continuation kasi ng practice sa covered court sa lugar namin. Ako sabi ko sakay na kami ng tricycle dahil may lakad kami ng mama ko. So yun sumakay na ako sa loob kasama si Melinda at Danya. Nasa likod ko silang dalawa, nadaanan namin si Chris, Mark at Meg na naglalakad. Syempre nagpaalam si Melinda "Bye guys! " sigaw nito ng masakto ang tricycle sa kanila. Tumingin ako sa kanila ngumiti naman ako, pag tingin ko kay Chris yung nagpapacute na mukha hahahha nakakaasar! Bigla akong kinilig nanaman. Bwiset hahaha >_< Nasa isip ko, nakita kaya ni Danya? hahahaha :P

Pagkatapos namin umalis ni mama agad naman ako nagpababa sa lugar kung asan sila. At that time, nagbabasketball siya nun kasama tropa. Break. Practice. Practice. Practice. Break. May dumaan na nagbebenta ng kung ano anong kakanin like puto, biko ganun at may mga pansit malabon din. Pinuntahan namin kasabay ko si Catche at si Chris. " Dun tayo bumili kina Louise may bopis" sabi ni Chris. Nagtitinda kasi mama ko ng mga ulam if may free time sya. "Edi dun ka" sabi ko sabay ngiti at ngumiti lang din sya. Ending bumili nalang kami pancit sa naglalako. Hindi siya bumili. Abangers lang kasi yun, nambuburaot lang hahahaha "Pahinge!" panimula niya habang pabalik na kami sa mga kasama namin. "Mamaya na" sabi ko. Di pa man lang kami nakakaupo nanghihinge na agad kakaasar hahaha pero ginugusto ko din naman kasi napapansin niya ako >.< Nung makaupo na kami ni Catche habang kumakain mga 10 minutes nagpaalam ako na puntahan ko muna tropa ko baka akalain ang damot ko so inalok ko sila isa isa hahaha syempre target ko lang si Chris. Inalok ko siya "Ayoko" sabi niya. " Aayaw ayaw ka jan e ikaw kanina pa nangungulit" matawa tawa kong sabi tapos kinuha niya hahaha isusubo nalang niya ng mapatingin ako sa pwesto nina Danya, nakita kong bumubulong si Azel yung bestfriend niya kay Danya siguro sabi niya na yun nga binigyan ko si Chris hahahaha . Sinabi ko agad kay Chris, "Uy nakatingin dito sina Danya" siya tuloy lang sa pagkaen. I'm very sure nagseselos yun hahaha. Meron din ako inumin. May gagawin ako hinawakan niya muna... that feeling ko na parang boyfriend ko na siya... assuming ako e hahaha


Dahil gumagabi nadin, naisipang lumipat ng pwesto. Pumunta na kina Danya, maluwag kasi yung bahay ng tita niya bakante din naman kaya dun kami nakapagpractice at nakapaggawa ng profs para sa mga characters. Konti lang yung naiwan para gumawa nun, samantalang ako, Kim, Chris, Mark, Meg, Jecho, and Melinda may mga sariling mundo. Kwentuhan dito tawanan dun. Mundo ng kalibugan. Yes! Oh bakit? Maselan ka? Sus. Ibahin niyo yung tropa ko. We used to be open minded with a color of green. Ano daw hahaha hindi kasi kami yung maaarte na gaya ng iba na may marinig lang ng mga ganung words nagagalit na. Kuno ang bastos daw ganun, sowss nasa tao naman kasi yun e. Just accept the fact na hindi tayo pare parehas ng perspective sa mga ganung usapin. Hanggang sa napagkwentuhan yung kalokohan ng bawat isa nung bata pa. Hahahaha masaya lang. Daming napag-usapan. Natripan pa namin ni Chris na magtitigan magkatapat kami ng upuan. Sila kinikilig samin. Sows ako din namin. hahahaha maya maya naiiba pwesto niya, nasa kalapit kona. Sakto nun tumitingin banda samin si Danya at dahil may sa mood kaming asarin siya. Napagtipan naming  pagselosin siya hahaha. Saktong dumaan sa pwesto namin si Danya, biglang umakbay sakin si Chris at Mark bali nasa gitna nila ako. "Wag na ako alam kong siya lang gusto mo" sabi ni Mark na kunyari pinaparinig kay Chris. Simpleng ngiti naman ako. Ang tagal bago alisin yung pagkakaakbay niya sa akin. :) First time kong maakbayan ng taong gusto ko. Hihi ^_^

The Great PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon