I Love You Since 1892 (UndeniablyGorgeous)

46 1 0
                                    

"Hindi magandang solusyon sa pusong sawi ang pag hahanap ng iba para mag hilom ito."

"Hindi mo iniisip na may nasasaktang ibang tao dahil yung gusto mo lang lagi ang nasusunod"

"Ang pag kamit ng tagumpay ay hindi madali, tulad ng pag pitas ng rosas, minsan kailangang may mag sakripisyo at dumanak ang dugo bago mo ito makuha."

"Minsan ang tubig ay nagiging mas matimbang sa sariling kadugo."

"Lagi mong pahahalagahan ang pag-kain dahil hindi tayo sigurado kung iyon na ba ang huli."

"Hindi naman ibig sabihin na kapag pinalaya nyo ang isa't-isa ay hindi nyo na mahal ang isa't-isa, minsan ang pagpapalaya sa minamahal upang hindi na mahirapan ay isang sakripisyong tanging labis na pag-ibig lang ang nakakagawa."

"Hindi mo iniisip na may nasasaktan ng ibang tao dahil yung gusto ko lang lagi ang nasusunod"

"Walang taong kayang mabuhay mag-isa"

"Pinipigil ng mga lalaki ang pag-iyak lalo na sa harapan ng ibang tao pero tao lang din sila, nasasaktan at nahihirapan, sa oras na nag-iisa na sila, doon nila ibinubuhos ang mga luhang matagal nilang inipon at pilit na itinatago sa kanilang mga mata."

"Narito ako sa panahon kung saan ang mga nasakatungkulan at may kapangyarihan ang may hawak ng buhay ng mga mahihirap at ng mga walang kalaban-laban na mga mamamayan."

"Ang pagbago ng tadhana ay hindi natin inaasahan, kung minsan bigla-bigla na lang tayo magigising sa katotohanan na unti unti na palang nag babago ang lahat nang hindi natin namamalayan."

"Kadalasan mas dapat tayong mag-ingat at umiwas sa mga taong nananahimik lamang, dahil sila kung minsan ang mga taong hindi man magsalita, ang mga kilos at utak nila ang may kakayahang gumawa ng mga kataksilang pambihira."

"Ang pinaka masakit pala na bahagi ng buhay ay ang pag papaalam."

"Kahit anong mangyari, kahit mahirap, hindi kita bibitawan."

"Ang tunay na pag-ibig ay kayang malagpasan ang lahat ng problema kahit gaano man ito kabigat."

"Sa oras na hindi natin nilabasan ang takot natin patuloy itong mag hahari sa buhay natin."

"Ang mga makasalanan ay binibigyan pa rin ng Diyos ng pagkakataon na magbagong buhay, ang mga maling gawa ay binibigyan din ng Diyos ng ikalawang pagkakataon upang ituwid ito."

"Ang mga bagay na hindi ko nakukuha ay itinatapon ko lang na parang basura."

"Nasa sarili ngang bayan alipin naman ng mga dayuhan."

"Mas mahalaga pa rin ang mga bagay na pinaghihirapan, dahil kapag pinaghihirapan mo ang isang bagay pahahalagahan mo ito."

"Kahit mahirap nagtutulungan... isang kaugaliang pinoy na dapat nating ipagmalaki."

"Tama ka, maraming tao ang takot magpaalam dahil ang pamamaaalam ay tanda ng pagwawakas, pero kung iisipin, mas mabuti nang makapagpaalam tayo ng maayos sa mga taong mahal natin kaysa habambuhay nating pagsisihan na hindi man lang natin nasabi sa kanila ang mga gusto nating sabihin... hindi ba?"

"Hindi natin mapipigilan ang pagtakbo ng oras at ang pag-usad ng panahon... may mga bagay na maiiwan natin sa nakaraan pero hindi ibig sabihin nito ay mababaon na rin ang lahat sa limot."

"Natural na dumadaan sa mabibigat na pagsubok ang lahat ng tao, pero nasa sa iyo iyon kung paano mo haharapin ang problema, walang pagsubok na binigay ang Diyos sa ating buhay na hindi natin kaya, kung tutuusin nga maraming pang tao ang dumadanas ng mas mabibigat na pagsubok pero nagawa naman nila itong malagpasan, nagawa nilang mapagtagumpayan ang unos dahil naniniwala sila na habang may buhay may pag-asa"


ISINULAT NG TALA

"Ako'y sayo at ika'y akin
Iyan ang nakasulat sa mga bituin,
Balutin man ng mga ulap ang langit
Wala pa ring makapipigil sa atin.

Sa paglubog at pagsikat ng araw
Pinapangarap ko ay ikaw
Sa gitna ng gutom at pagkauhaw
Inaasam ko ay ikaw

Pangakong sayo'y binitiwan
Na kailanma'y hindi ka iiwan,
Asahan mong puso ko'y tapat
Pagmamahal ko sayo'y higit pa sa sapat"


I WAS NOT WHEN YOU WERE BORN, YOU WERE OLD WHEN I WAS BORN

I was not when you were born,
You were old when I was born,
You regret that I was late born,
I regret that you were early born.

I was not when you were born,
You were old when I was born,
I wished we have been born together,
We could enjoy our time together.

You were not when I was born,
I was old when you were born,
I was so far away from you,
You were so distant from me.

You were not when I was born,
I was old when you were born,
I'd become a flower seeking butterfly,
And sleep on the fragrant grass every night.

I was born on 1996.
And he was born on 1871.

Favorite Wattpad LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon