CHAPTER 20: Peanut Butter
PRINCESS POV
Bumangon na ako sa pagkakahiga atsaka nag unat unat. Bigla kong naalala na sabado pala ngayon at ito yung araw na sasayaw na si marktin ng dalagang pilipina hahaha. Bigla nalang akong napangite sa naisip ko.Agad na akong tumayo at pumasok sa banyo ko. Agad na akong naligo at pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako suot ko ngayon is kulay purple na tube at kulay purple ding short oh diba paborito ko din kasing kulay to. Pinakulot ko ang dulo ng buhok ko.
Pumunta na ako ng kusina nakita ko sila dun na kumakain. Kaya umupo ako at binati sila ng magandang umaga. Binati din naman nila ako pabalik. Sinabayan ko na silang kumain.
Hmm,.
"Mom okay lang po ba sa inyo na pumunta muna ako kina jaycee?" ako. Wala akong magawa dito sa mansion. Mabobored lang ako.
"Hm okay lang naman sakin princess." nakangiteng sabi ni mom sakin kaya napangite ako. Pero kailangan ko pa rin ang desisyon nina kuya at dad.
"Ehh okay lang din ba sa inyo mga kuya at dad?" ako. Tinignan naman nila ako at parang nag iisip sila.
"Okay lang sakin." nakangiteng sabi ni dad.
"Thank you dad." nakangite ko sabi sakanya.
"Hm sa akin okay lang din." sabay na sabi nina kuya drake, clark at blake.
Inantay ko ang desisyon ni kuya. Nilunok muna niya ang kinakain niya tapos nagsalita.
"Hm pumayag din naman sila. Papayag din ako pero dapat may kasama ka." napangite ako sa sinabi ni kuya. Pero kailangan daw may kasama ako.
"Hm sige kuya. Salamat sa inyo. Si marco nalang ang isasama ko okay lang ba?" ako.
"Okay lang kaibigan naman natin siya." kuya dark.
"Sige alis na po ako. Puntahan ko po muna si marco sa kwarto nila. Tapos naman din po ako kumain ehh." nagmamadali kong paalam sakanila. Natawa naman sila sa inakto ko.
Umakyat na ako sa ikatlong palapag at pinuntahan ang kwarto nina marco kung saan sila natutulog.
Pagdating ko dun ay kumatok ako. Matagal bago binuksan ang pinto. Pagbukas ng linto ay papikit pikit na mata ni marco ang nasilayan ko. Minulat niya ng mabuti ang mata niya at nagulat pa siya ng makita ako.
"I-ikaw pala p-pasensya na kung n-natagalan ko ang pagbukas ng pinto." humihinging pasensya ni marco. Alam ko naman na hindi niya yun inaasahan ehh. Kaya okay lang.
"Hahah okay lang hindi mo kasi inaasahan na kakatok ako. Sorry kung sinira ko ang masarap mong tulog. Gusto ko lang kasi sana na magpasama sayo kina jaycee. Okay lang ba sayo?" nakangite kong sabi sakanya.
"A-ahh o-oo naman. Antayin mo lang ako sa baba. Maliligo muna ako." marco. Kaya tumango ako sa sinabi niya.
Sinara na niya ang pinto at ako bumaba na rin. Pagdating ko sa baba ay hinanap ko sa likod ng bahay ang mama ni marco ipapaalam ko sakanya na magpapasama ako sa anak niya kina jaycee.
Agad naman nakita ng dalawang mata ko si aling bernadeth na nagwawalis ng mga tuyong dahon. Kasama niya ang asawa niya na pinapaganda ang halaman inaayos ng maigi. Ang garden kasi namin ay nasa likod ng bahay sobrang laki ng garden namin. Lumapit ako sakanila kasi nakita nila akong nakatingin sakanila.
"Ahm pwede ko po bang isama si marco papunta kina jaycee. Kung okay lang po sa inyo?" hinging permiso ko sakanila.
"Ahh oo naman ija pwedeng pwede." nakangiteng sabi ni aling bernadeth pati na din sa ama ni marco. Okay lang din.
BINABASA MO ANG
My Real Family Is A Billionaire Slash Mafia
ActionKrissy Maine Monica Gutierrez - Princess Ash Monica Villafuente Raven Dark Villafuente Clark Grae Villafuente Drake Ashley Villafuente Blake Ashton Villafuente Sean Ramael Villafuente Brianna Myca Villafuente Marktin Fuentabella Mark Lacjente Sky Gi...