CHAPTER 18
●PRINCESS POV●
Nandito kami sa loob ng cafeteria kumakain. Napansin kong wala si marktin kaya napagdesisyonan kong tanongin sila.
"Ahhh guyssss." tawag pansin ko sakanila. Kaya lumingon naman sila sakin. Mga nagtatanong na mukha.
"Alam niyo ba kung nasaan si marktin?" tanong ko sakanila.
"Ahh absent siya kanina pa siya wala sa klase so absent siya." ricky.
Tumango ako sa sinabi niya. Pero may tanong pa rin ako.
"Alam niyo ba kung bakit siya absent?" tanong ko ulit.
"Di ko alam ehh.." ricky.
"For the first time umabsent si marktin ha. Bago yun ahh." karl john.
"Ehhh." yun lamang ang nasabi ko.
Pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako at nagpaalam sakanila na pupunta na ako sa classroom ko. Wala akong gana ngayon kase wala si itlog ko. Mas gusto ko pa na nandito siya kesa wala. Di ako sanay. Pagdating ko sa loob ng classroom ay wala pang mga estudyante dito kundi ako palang. Pumunta na ako sa upuan ko at naupo. Tinignan ko ang relo ko may 30 min pa bago magsimula ang klase. Dumokdok ako sa sarili kong mesa. Naramdaman kong may biglang pumasok pero hindi ko pinansin yun bagkus ay nanatili pa rin ako sa posisyon ko. Naramdaman ko ulit na papunta siya sa direksyon ko. Pero inantay ko lang na magsalita.
"Ahhmm mon. Ok ka lang ba?" tanong ni.......? Umangat ako ng ulo at si marco lang pala. Ngumite ako ng bahagya sakanya.
"Oo naman ok lang ako. Bakit mo natanong ?" tanong ko sakanya.
"Wala lang napansin ko kasing ang lungkot ng mga mata mo." dahil sa sinabi niya ay lumihis ako ng tingin. Hindi ako makapagsalita.
"Namiss mo siya nohh. Yieeeee." sabi niya ulit. Pero sinundot sundot niya ang tagiliran ko.
"Pwede ba wag mo kong sundotin may kiliti ako jan ehh. Atsaka isa pa hindi ko siya namiss nohh." sabi ko. At inikutan ko siya ng mata. Tinawanan lang naman ako ng baliw na lalaki nato.
"Magsinungaling pa ehh." marco.
"Tssss. Oo na namiss ko siya. Ok na." inis na sabi ko sakanya.
"Yan ang gusto ko ang umamin." marco. Dahil sa kanina pa ako naiinis sakanya ay binatukan ko siya ng di niya namamalayan.
"Aray naman bat mo ko binatukan?" marco. Nagtatanong pa eh. Alam naman niya kung bakit.
"Matalino ka nga tanga naman." sabi ko sakanya.
"Binatukan kita kasi nakakinis ka. INTINDI." diniinan ko talaga ang salitang intindi. Para dama niya.
Nakita ko naman siyang sumimangot sa sinabi ko. Dumating na ang ilang mga kaklase ko panghuli kong kaklase na pumasok ay kasabay niya ang guro namin kaya.
"Magandang umaga sa inyong lahat." nakangiteng bati niya saamin. Ngumite din kami sakanya at..
"Magandang umaga din po." nakangite naming bati sakanya.
"Okay makinig kayong lahat." tawag pansin samin ni ma'am kaya lahat ng atensyon namin ay nakatuon sakanya.
"Ano po yun ma'am?" tanong ng isa kong kaklaseng lalaki.
"Sa darating na susunod na martes ay may singing contest na magaganap. At bawat classroom dapat may represintative. Kaya naging bawat klasrom ang kukunin na represintative ay kailangan pakantahin isa isa at kung sino ang may magandang boses ay siya ang pipiliin at ilalaban sa darating na singing contest." sabi ng guro namin.
BINABASA MO ANG
My Real Family Is A Billionaire Slash Mafia
AçãoKrissy Maine Monica Gutierrez - Princess Ash Monica Villafuente Raven Dark Villafuente Clark Grae Villafuente Drake Ashley Villafuente Blake Ashton Villafuente Sean Ramael Villafuente Brianna Myca Villafuente Marktin Fuentabella Mark Lacjente Sky Gi...