CHAPTER 10: Bye Bye

158 1 0
                                    

CHAPTER 10: Bye bye

-※◇◈∞

●PRINCESS POV●

Maaga akong nagising kaya agad na akong nagbihis ng uniporme. Kasi lilipat na ako bukas sa paaralan na pinapasukan nina kuya. Katapusan na kasi ngayon ng june so bukas lilipat na ako at kailangan ko na ding magpaalam sa kaibigan kong si joyce. Inasikaso na ni mama lahat ng paglipat ko sa paaralan ni kuya dark. Sana lang sana lang talaga maganda ang trato ng mga studyante sakin doon.

Pero alam ko naman na hindi kasi kahit nga sa public binubully ako nilalait ang itsura ko. Tsss nasanay naman din ako. Noon iiyak ako pero ngayon hindi na. Kasi alam ko naman sa sarili ko na talagang pangit ako. Kaya sanay na ako sa pauli ulit nilang panglalait sakin.

Hayy nako! Dahil tuloy sa kadaldalan ko malapit ng mag aalas 7 tapos hindi pa ako kumain ng agahan. At? Nandito pa ako sa kwarto ko dali dali na akong bumaba at lalabas na sana ng mansion ng........

"At bakit ka naman aalis na hindi pa kumakain!" Manang. Para ko na din kasing nanay to.

"Ahhh ehh hehe s-sa school na lang po ako kakain manang" ako.

"Hindi pwede kailangan mong kumain" manang.

"Busog po ako manang ehh" ako.

"Paano ka naman mabubusog aber ehh hindi ka nga kumain ka gabi."manang.

"Sa school na lang po ako kakain" ako.

Nakita kong nakatingin sa direksyon ko ang mga kuya ko. Tumalikod na ako at makakalabas na sana ako sa pinto ng biglang sinarado ni mark ang pinto. Tinignan ko kung san siya nakatingin kanina. And i think nakatingin siya sa likod ko.

Nilingon ko naman yun at nakita kong sinenyasan pala ni kuya dark si mark. Kaya pala biglang sumulpot si mark sa harapan ko.

"Hindi ka makakalabas hanggat hindi ka kakain" kuya dark. Seryuso siya habang sinasabi niya yun.

"Ehhh kasi naman kuya malelate na ako ohh. Tignan mo relo mo alas 7:25 na" ako. Habang magkasalubong ang kilay.

"So galit ka sakin ganun ba yun. Kasi tinataasan mo na ako ng boses?" kuya dark. Malamig niyang sabi.

"H-hindi kuya. Sorry. Hindi ko sinasadya" nakayuko kong sabi na may halong galang.

"Just sit here and eat" kuya dark.

Bago ako maglakad papunta sa direksyon nina kuya ay humarap ako kay manang at humingi ng....

"Sorry po manang" ako.

"Okay lang ija" nakangiting sabi sakin ni manang.

"Di ko na po yun uulitin manang" ako. Habang may pilit na ngiti sa labi.

"Ok lang kasi yun" manang.

"Pwede ko ba kayong tawaging Nana?" ako.

Nagulat pa si manang sa tanong ko. Nakita kong mas lalong lumaki ang ngiti niya sa labi.

"Haha oo naman. Matagal ko ng gustong marinig yan" naluluhang pahayag ni Nana. Di ko alam yun ahh.

Napangiti ako sa narinig ko kay nana. Talagang nasurpresa ako non ha.

"Talaga po NANA. Salamat po" nakangiti ko ring sagot kay nana.

"Pasensya po sa mga ugaling pinapakita ko sa inyo nana ha." ako.

"Nako ano ka ba wala yun haha. Pumunta ka na dun kumain ka na" Nana.

Agad na akong nagmadaling pumunta sa mesa at kumain ng mabilis. Huminto muna ako sa pagkain at.....

"Pasesya pala kanina sa ugali ko kuya" ako.

"Its ok princess. Alam ko naman ang dahilan mo." kuya dark.

"Magandang umaga pala sa inyo mga kuya' ko's" nakangiti kong sabi.

Huminto naman sila sa pagkain at......

"Kuya's ko's?" takang tanong ni kuya drake. Hahaha natatawa ako sa isip ko.

"Kuya's ko's it means kuya kong mukhang monggos hahahahah" ako. Hahahah litse natatawa talaga ako. Nakita ko naman sumimangot si kuya drake sa sinagot kong tanong niya. Nakita ko naman ang pamangkin ko na tawang tawa sa sinabi ko. Bigla kong naalala yung kahapon kaya biglang nawala ang ngiti sa mga labi ko.

"Baby leigh?" tawag pansin ko sa pamangkin ko.

"Bakit po tita?" leigh.

"May sasabihin si tita sayo ha dapat makinig ka kung hindi magagalit ako kapag lalabag sa mga ipagbabawal ko sayo" ako.

"Ano po yun tita? At promise po tita susundin ko" nakangiting pangako ni leigh.

"Kapag may lalapit sayong lalaki na hindi mo kilala o kahit na kilala mo wag na wag kang lalapit ha. Kahit na akitin ka pa niya ng mga paborito mo. Wag na wag kang lalapit kasi minsan yung mga taong malalapit at mababait sayo ay siyang unang magtatraydor sayo. Kaya makinig ka okay. At kapag may batang magbibigay sayo ng chocolate wag mong tanggapin. Pero kung talagang namimilit ay tanggapin mo na lang pero hinding hindi mo pwedeng buksan hanggat hindi mo pinapakita sakin. Nagkakaintindihan ba tayo baby leigh" ako.

"Opo tita. Pangako suaundin ko lahat yun" leigh.

"Siguraduhin mo lang" seryusong sabi ko.

Pagkatapos naming kumain ay tumayo na kami at sumakay na sila sa kani kanilang kotse. Ako magcocomute ako sanay na din naman kasi ako.

Pagkadating ko sa paaralan ay agad na akong pumunta sa classroom at pagpasok ko wala man lang guro. Baka may meeting na naman.

Agad akong sinalubong ng kaibigan ko.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita" joyce.

"Kasi dahil sa pamilya ko" ako.

"Ikwento mo sakin daliiiiii" joyce.

Kaya ayun kinwento ko sakanya ang lahat lahat. At nagpaalam na din ako sakanya. Kasi nga diba lilipat na ako sa ibang school.

"Talaga bang kailangan ka ng lumipat" joyce.

Tumango ako sa sinabi niya. Maya maya lang ay dumating na ang guro namin. Sa filipino.

DISCUSSSSSS

DISCUSSSSS

QUIZ

Pagkatapos ng oras niya ay umalis na siya. Pumalit naman ang math teacher namin.. Ganun pa rin.

DISCUSSSSSS

DISCUSSSSS

QUIZ

Pagkatapos ng oras niya ay nag lunch na kami ni joyce. Di pa ako nakakalabas sa pinto ng......

"Oyyyy lilipat na pala ang ultimate tomboy slash pangit ng paaralan na to"

"Yeah buti nga ehh"

"Nakakabwesit kasi ang mukha niya"

"Dapat lang na umalis siya nagdadala yan ng malaa dito ehh"

Mga naririnig kong bulongan ng mga kapwa kaklase ko.

"Hoyy tigilan niyo nga si krissy" joyce.

Hinila ko na siya palabas ng classroom. Baka magkaroon to ng kaaway ehh.

RIIIIIIIING

Tapos na ang lunch time kaya bumalik na kami sa classroom. Ganun pa rin ang takbo ng oras at ng mga guro...

DISCUSSSSSS

DISCUSSSSS

QUIZ

TRIIIIIIING

Uwian na kaya tumayo na kami ni joyce at umalis. Nagpaalam na ako sakanya.

Gabi ng nakauwi ako nagpasyal pa kasi kami ni joyce. Pagdating ko sa mansion ay agad na kong pumunta sa kwarto ko at nagbihis pagkatapos ay bumaba at pumunta sa kusina at kumain at pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kina kom at dad pati na din sa mga kuya ko pumasok ulit sa kwarto ko humiga at natuloq.

-----♥♡♥♡♥
Salamat sa pagbabasa
Please vote and comment

My Real Family Is A Billionaire Slash MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon