05-27
Telegram
Nari:
Alam ko na kung bakit ka nagdeactivate. Ikaw ba gumawa nun? Ano'ng iniisip mo nung ginawa mo yun, ha, Sari? Baliw ka ba? Alam ko crush mo si Cohen pero lagyan mo naman ng limit, Sari. Teenager ka, di ka batang paslit. Alam mo tama sa mali. Imbes na nagdedeactivate ka jan, bakit di ka magsorry sa kanya?
Ano? Di mo ko papansinin? Ate mo ako. Gusto ko lang na alam mo yung tama sa mali. Di tama yung ginawa mo. Kaming pamilya mo pati sila Preston kayang sakyan yang kalokohan mo pero hinay hinay sa ibang tao. Di ka nila kilala. Di mahaba ang pasensya nila. Di nila susubukan na intindihin ka bago isipin na siraulo ka. Sana iniisip mo yan. Wag ka ring magalit sa akin kung iniisip mo na sinesermunan kita. Kailangan marinig mo to habang bata ka pa. Mas mahirap kapag akala mo papalagpasin ka palagi.
BINABASA MO ANG
Hey, Cohen (COMPLETED)
Teen FictionEver since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo na papakasalan. She'd settle for nothing less. And when she set her eyes on Cohen Isaac Gomez de Lia...