#HeyCohen5of5

445K 14.8K 23K
                                    

Epilogue (5 of 5)

"Good morning," Cohen whispered in my ear as I felt him tightening his hold around my waist. Pilit kong idinilat iyong mga mata ko at nanlaki iyon nang makita ko kung anong oras na. Mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa CR para maligo at mag-ayos. Lagot na! Male-late ako sa quiz namin! Si Cohen kasi ang kulit! Sabi ng kailangan kong matulog ng maaga! Ako naman si utu-uto, isang ngiti lang pumayag agad!

I could feel Cohen's eyes on me as I ran around our apartment trying to find my bag and my laptop kasi may kailangan pa akong iprint.

"Yung laptop ko!" I shouted kasi nase-stress na talaga ako. Hindi ako pwedeng bumagsak kasi ayokong madelay. Gusto ko na rin kayang grumaduate para kapag sinabi na namin sa Pilipinas na kasal na kami, wala akong maririnig na pagtutol. Sobrang naiimagine ko na kaya iyong mukha ni Kuya! Kinikilabutan talaga ako!

"I'll find your laptop, love. Eat breakfast first."

"May kailangan akong—"

"I know," he said, interrupting me. "I know the file you need to print. Eat your breakfast first. I got this, okay?"

I pouted as I looked at him. "Okay..." sabi ko. "Hindi mo kasi ako ginising!"

He laughed. "We're both tired, okay?" he said that made me blush. "Just eat your breakfast. I'll print it and hand it to you so you can check, okay?"

Tumango na lang ako kasi wala na akong magagawa. Cohen was right though—mas lalo nga lang talaga akong naging busy. I couldn't imagine kung paano kami magkikita kung hindi kami nagpunta sa Las Vegas dalawa at biglaang nagpakasal. At least now, we see each other literally everyday...

And it's been the best two months of my life thus far.

At night, kapag umuuwi ako, siya agad iyong naaabutan ko. Whatever he's doing, kapag bumukas ang pinto at nakita niya ako, he'd stand up and welcome me with a hug... and that reminded me that I'm finally home. And then we'd spend the night doing our papers and requirements and sleep in each other's arms.

Seriously freaking perfect.

I just made two sandwiches—one for me and my husband. Lihim pa rin akong napa-ngiti tuwing naaalala ko na hindi ko na nga pala boyfriend si Cohen. He's really my freaking husband! Pinakasalan nga ako ng baliw na 'to! Akala niya, ha!

"Mr. Miranda, breakfast mo," I called. He frowned. Sabi ko kasi sa kanya na hindi ako magpapalit ng last name. Bukod sa ito na lang 'yung reminder ko sa Papa ko, feel ko 'loyalty' kay Kuya. Nakakaawa naman kasi 'yung tao! Alam mo 'yung ang laki ng galit niya sa mga GDL pero napangasawa ng kapatid niya, GDL. Asawa ko, GDL. Pati si Finley, malapit na yatang magpapalit ng apelido. Napapaligiran na talaga si Preston Suarez.

He slid over the papers he printed. Nice. Alam niya kung ano 'yung tamang file na ipiprint, ah! I should give Cohen more credit for always paying attention. Sometimes, it felt like I didn't need to tell him kasi alam niya na kung ano ang gagawin. That's how attuned and attentive he was to me.

"I'll be home late," he said, eating the sandwich I made.

"Okay," I said. "Hintayin kita?"

"Yes, please? I'll try to come home before 10."

"San ka ba pupunta?" I asked.

"Dinner with my adviser."

"Si Dr. Smithson?" He nodded. "Di ba favorite ka nun?" tukso ko sa kanya kasi napansin ko nung once na sinama ako ni Cohen sa shindig, siya iyong binibida ng adviser niya sa mga friends nito.

"We're gonna have dinner with other people, okay?" sabi niya na medyo naiinis. Pikon naman nito! Tanggap ko naman na kahit dito sa Canada, maraming may crush sa kanya. Hindi naman ako threatened dahil ang laki kaya ng tiwala ko sa lalaki na 'to. At takot niya lang kay Kuya kapag niloko niya ko!

Hey, Cohen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon