Chapter 1: Outing

764 27 7
                                    

GRACE'S:

'Cause you are the piece of me
I wish I didn't need
Chasing relentlessly, still fight
and I don't know why
If our love is tragedy, why are you my remedy?
If our love's insanity, why are you my clarity? ~

*****

Dahan-dahan kong kinapa ang cellphone ko sa ilalim ng unan.

Oops, wala rito...

Napilitan akong sumilip sa ibaba ng kama ko at ayun nga ang kawawang cellphone ko, nasa lapag na naman. Malamang nahulog dahil sa kalikutan ko matulog.

In-off ko ang alarm at natulog ulit. Summer vacation na kaya ayos lang na tanghaliin ng gising.

Nasa kasarapan pa ako ng tulog nang may yumugyog sa balikat ko.

"Ate, ate! Gising na, wui!" Boses ni Hero Jay na younger brother ko at muntik ko na siyang mabatukan. Istorbo kasi.

"Ano ba naman Hero! Bakasyon na kaya please hayaan mo muna akong matulog nang payapa." Hindi ko halos maimulat ang mata ko habang kinakausap siya.

"Pero ate may lakad tayo ngayon! Pupunta tayo sa isang exclusive white-sand beach resort!" Niyugyog na naman ako, pambihira naman, oo!

"Five minutes more please..."

"'Wag ka na humirit ate kasi ikaw na lang ang di pa naka-prepare, aba ready na kami nina Mama at Papa!" excited na sabi ni Hero.

"Okay, okay get out of my room and I'll fix myself lil'bro." Pupungas-pungas na sabi ko.

Lumabas na si Hero at bumangon na din ako at pumunta ng bathroom ko for my morning ritual.

Ligo.

Bihis.

Konting pulbos at lipbalm.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin at na-satisfy naman ako sa itsura ko.

Grace Contreras here, ganap ng dalaga, hindi katangkaran at hindi rin naman ganoon kaliit (cute size ako ), mahilig magcompose ng poems and songs kaso 'di ako marunong mag-guitar at naniniwala ako sa kasabihang, "Simplicity is beauty". Pwede na sigurong pang-intro 'yan.

Pagbaba ko ng hagdan ay may nakahandang breakfast at naghahanda na rin si Mama ng mga dadalhin namin.

"O, anak, kumain ka na at aalis na tayo mayamaya," Mama said after I gave her a quick morning kiss on her cheek.

"Wow 'Ma parang pang 1 month na 'tong mga pagkaing babaunin natin a, 'di naman ako gano'n katakaw," pagbibiro ko habang naglalagay ng fried rice, sunny side-up at corned-beef sa plato ko.

"Request 'yan ng kapatid mo. Alam mo namang eating monster ang isang 'yon," sabay tawa ni Mama.

"Sabagay manang-mana siya kay Papa e," sabay inom ko ng hot choco.

"Tapos na ko kumain 'Ma, the best breakfast ever!" Napadighay pa ako nang bahagya.

"Nambola pa ang isang 'to, o siya ilagay mo na itong mga gamit sa sasakyan para makaalis na tayo."

Matapos ayusin ang lahat ng anik-anik na dadalhin namin ay ini-start na ni Papa ang sasakyan and off we go to the beach Yahoo, Google Bing!


One Week Summer √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon