Epilogue

338 15 0
                                    

GRACE'S:

Graduation Day. Pagkatapos ng pagpapaka-toxic sa mga project at thesis 'eto gagraduate na 'ko yahoo with flying colors! Ako lang naman ang Magna Cum Laude sa department namin, iba na talaga ang nagagawa ng inspired at syempre sa tulong na rin Nya.

Imagine 2 taon na rin pala ang lumipas nang 'di ko namamalayan, mabilis nga lang lumipas ang mga araw although namimiss ko si Kheem kasi milya-milya ang layo namin sa isa't isa. Umuuwi naman siya kapag may special occasions. Besides, may communication naman kami kahit papaano — call, text, chat (salamat sa social networking sites).

No'ng birthday ko nga ay ti-nag nya ako sa inupload nyang video sa Facebook. Ang laman ng video ay isang video greeting at kinanta pa nya ang Far Away ng Nickelback. O 'di ba swak sa 'min 'yong kanta.

Medyo nakakalungkot nga lang ngayon kasi hindi siya makakauwi para um-attend ng Graduation Ceremony ko kasi may inaasikaso siya regarding his work. Naiintindihan ko naman siya. Meanwhile, na-surprise naman ako dahil umuwi ang bestfriend kong si Jhen from Paris. Sangkatutak na art materials (pati make-up kahit 'di naman ako gumagamit nyan) ang iniregalo nya sa 'kin. Miss na miss ko ang bruhang 'to e.

"Congrats ate! You're the best!" sabay yakap sa 'kin ni Hero pati nina Mama at Papa.

Nakipag-shake hands naman si Sevii sa 'kin at niyakap naman ako ni Jann. In a relationship na nga pala ang status nila at going strong sila for 2 years. Nakakainggit lang, sabagay pwede na nga pala akong mag-boyfriend kasi graduate na 'ko.

Papalabas na kami ng ARV University nang matanaw namin ang kumpulan ng mga tao. May artista ba?

May isang guy in shades na nakasandal sa kotse nya at mukhang may hinihintay. Gwapo!

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Teka teka parang kilala ko 'to a. Hindi kaya si —-

Mukhang nabasa naman nya ang iniisip ko at tinanggal ang shades nya. OMG it's HIM! OMG again! Na-surprise ako nang bongga!

"OMG bhessy 'yan ba si Kheem na kinukwento mo sa 'kin?" tanong ni bff.

"Yes. None other than Kheem Andrew Chavez." Abnormal na yata ang heartbeat ko. Kalma Grace!

"You're here . . ." Ang nasabi ko na lang nang makalapit na siya sa 'min.

Gosh, state of shock pa rin ako!

"Of course, palalampasin ko ba ang importanteng araw na ito sa buhay ng espesyal na babae sa balat ng lupa?" Kaloka bumanat ang isang ito.

Jhen starts to giggling. Mala-James Reid ba naman ang lalaking nasa harap namin.

"Ahm bhessy mauna na 'ko sa inyo ha, kina Tita na 'ko sasabay," sabay tanaw kina Mama na nauna nang maglakad sa 'min pagkatapos kumustahin si Kheem. Walking distance lang naman 'tong ARV-U sa bahay namin.

Matapos kong ipakilala si bff Jhen kay Kheem ay lumakad na ito nang mabilis para maabutan sina Mama.

"Let's go?" he held out his hand.

"Oh sure!" Kitang-kita ko ang spark sa mga mata nya nang iabot ko ang kamay ko, suot ko kasi 'yong infinity ring.

Tulad ng dati, HHWWPSSP.

* * * * *

KHEEM'S:

I'm pretty sure na nasorpresa si Grace pagkakita sa 'kin. Ang alam nya kasi ay hindi ako makakapunta sa graduation nya pero syempre joke lang 'yon. I'm so proud of her — beauty and brains ang babaeng mahal na mahal ko at lalo akong natuwa kasi suot nya pa rin ang infinity ring na ibinigay ko sa kanya 2 years ago. Actually couple ring siya kaya suot ko rin 'tong sa 'kin.

Papasok na kami sa gate ng bahay nila nang makita nya agad ang regalo ko na isang huge frame na nakabalot at nakasandal sa may malapit sa pintuan.

She turned to me with a puzzled look so I gave her a huge smile.

"Just open it," sabi ko sa kanya nang makalapit na kami sa may pinto. Dinig na dinig namin ang halakhakan sa loob ng bahay at tunog ng mga inaayos na mga plato at kubyertos.

"Oh my God . . . It's so beautiful!"

Painting ang regalo ko sa kanya. Yes, ipininta ko ang moment na nakatalikod siya sa 'kin habang pinagmamasdan ang sunrise with open arms. Sa palibot naman ng paiting ay ang sandamakmak na stolen shots nya. She hugged me afterwards.

Salamat at naging member ako ng Guhit Pinas kaya mas napaghusay ko pa ang painting skills ko. Member rin nga pala si Grace sa GP.

Ito na siguro ang tamang panahon para itanong sa kanya ang Million Dollar Question. Tagal ko ring naghintay pero sulit na sulit naman!

"Ahm Grace, I just wanna ask if —"

"Yes!" she said abruptly.

"Y-yes?" Ano ba 'yan at nauutal pa ako.

"Yes!" she said back. Again.

"So you mean . . .?"

"Kung itatanong mo sa 'kin kung gusto kitang maging boyfriend, may answer is Yes. Y-E-S." Inemphasize pa nya talaga.

Ngiting-ngiti ako at niyakap siya nang buong higpit.

And then we kissed. Oh God, how I love this girl so much!

Naputol lang ang kissing scene namin nang magsalita ang kapatid kong si Sevii na nabuksan na pala ang pintuan nang 'di namin namamalayan.

"Oops Ralphy don't look," sabay takip sa mata ni bunso.

"Hey! What's that?" tanong ni Ralph na tinatanggal ang kamay ni Sevii sa mata nya.

"Mamaya nyo na ituloy 'yang moment nyo dahil pinapatawag na kayo nina Mommy at Daddy kasi kakain na," panunukso ni Sevii.

"Sige susunod na kami bro," bumalik na ulit sila sa loob.

I poked her nose.

"I love you YAM," masuyong sabi ko sa kanya.

"I love you too YAM, so much," she smiled back.

Inaakbayan ko siya at pumasok na kami sa loob. Yes we're officially ON!

- THE END -

A/N: Sana ay nagustuhan nyo ang One Week Summer thanks for reading!

— mangkunifroggy xoxo

One Week Summer √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon