DAY 7:
GRACE'S:
This is the last day of our outing at medyo nakakalungkot lang nang kaunti kasi mamimiss namin ang super sayang bonding at hindi mawawala ang asaran. At paniguradong mamimiss ng fans (lol) ang mag-espren sa kanilang surfing friendly competition. Ang astig kasi ng stunts na ginagawa nila at halos mapanganga na ang mga tao kapag pinapanuod sila.
"Daming fans no'ng dalawa, a? Last day na ng pagpapakitang-gilas nila," sabi ni Kheem habang pinapanuod 'yong dalawa.
"Oo nga e, may nagpapapicture pa, pambihira!" nakapila pa 'yong mga nagpapapicture doon sa dalawa.
"Ayan may nagbigay pa ng calling card," sabi naman ni Kheem.
"Sa 'yo ba walang nagpapapicture o 'di kaya nagbibigay ng calling card?" painosenteng tanong ko sa kanya.
"Ahm may nagpapapicture pero so far wala pa namang nagbibigay ng calling card," natatawang sabi nya.
Nginitian ko na lang sya.
"Wait balik lang ako sa room ko, kukunin ko lang si Axel," (name ng guitar nya o 'di ba may pangalan pa talaga?)
"Okay I'll wait." At sumalampak ako sa buhanginan.
After 10 minutes, bumalik na si Kheem bitbit ang gitara nya at may dala rin siyang isang plastic bag na may iced tea at potato chips. Wow, foodtrip and soundtrip at the same time!
"Wow, ang alam ko gitara ang kukunin mo pero pagbalik mo dito may extra food pa," biro ko sa kanya.
"Syempre lubus-lubusin na natin kasi last day na natin ngayon dito," inabot nya sa 'kin ang plastic bag.
"Oo nga e, ang bilis talaga ang araw."
"Yeah. Bukas na rin ang flight ko pabalik ng U.S."
Aw nalungkot naman akong bigla. Ngayon pa lang kasi ay mamimiss ko na siya.
Sumalampak kami pareho sa buhanginan at sinimulan ang concert este nagsimula na siyang mag-guitar. Bale slow version ng Para-Paraan ang ini-strum nya kaya sinimulan ko na rin ang pagkanta.
Para-Paraan, Para-Paraan
Para para lang, Para para lang
Hmmm...Napapatingin, Napapakilig
Madalas sa iyo napapatitig
Tuwing dumadaan, napapagaan
Araw na punong-puno ng kaguluhan
Oh hihikain yata ang tinamaang bata
Para lang sa sulyap mo ako'y mamamanataPara-Paraan, Para-Paraan
Para para lang, Para para lang
Makasilay lang, makasilay lang
Makasilay lang sayoBale 3 sets of songs pa kami bago magpasya na mag-snack dito pa rin sa buhanginan.
* * * * *
KHEEM'S:
After lunch ay nagsimula na kaming mag-ayos ng mga gamit para makapagpahinga na rin ako kasi madaling-araw ang flight ko pabalik ng U.S. Mamimiss ko panigurado si Miss Sweet Lips. Buti na lang at dala ko ang kotse ko at nagpaalam na ako kay Tita Precious na kung maaari ay sa akin na sumabay si Grace. Ako na rin ang maghahatid sa kanya sa bahay. Pumayag naman si Tita at pabirong sinabi sa 'kin na boto siya na maging bf ng anak nya after two years. Kaya ko namang maghintay at sa loob ng dalawang taon na 'yon ay paniguradong naayos ko na ang mga dapat ayusin sa U.S. dahil I'll be staying here in the Philippines for good. Bibisita na lang ako 'pag may kailangang ayusin sa business namin abroad.
"Anak, kay Kheem ka na sumabay. May importante yata siyang sasabihin sa 'yo," panunukso ni tita Precious.
Napatingin si Grace sa 'kin na nagtatanong ang mga mata pero pumasok na rin siya sa loob ng kotse ko. Syempre doon siya sa may front seat.
Habang basa byahe ay tahimik lang kaming dalawa. Wala yatang may balak mag-open ng topic, ngayon pa kami nagkahiyaan. Awkward!
"I'll talk to you later sa bahay nyo/ Ano nga palang sasabihin mo sa 'kin?" Okay duet pa kaming dalawa at duet pa rin pati sa pagtawa.
Ako na ang nagsimula. "Okay basta 'pag naihatid na kita sa inyo saka ko sasabihin ang isang napakakimportanteng bagay." Naks pagbigyan!
"Siguraduhin mong importante yan ha, kung hindi —"
"Oo importanteng-importante. Super duper mega over," pagpapatawa ko.
Isang tipid na ngiti ang nakuha ko galing sa kanya.
* * * * *
GRACE'S:
After 2 hours na byahe, 'eto Home Sweet Home na! Nagpaalam naman si Sevii sa 'min dahil ihahatid nya si Jann pauwi. Mukhang nagkakamabutihan na ang dalawa. Si Ralphy naman na sa sobrang hyper kanina, ayun tulog na tulog na habang karga ni Tita Sharrine.
Nakapasok na silang lahat sa bahay pero nagpaiwan naman kami ni Kheem dito sa garden.
Tumikhim muna siya bago nagsalita. "I know na masyadong mabilis ang isang linggo pero aware ka naman siguro sa nararamdaman ko sa 'yo." Nahihiyang sabi nya while scratching his head.
Ako naman 'eto nagpipigil ng kilig. Kalma Grace kalma!
"At alam ko rin na after mo pa maka-graduate balak mag-boyfriend. I'm willing to wait besides nasa U.S. din naman ako ng mga panahong 'yon pero as I promise, uuwi ako kapag may special occasion," pagpapatuloy nya.
Speechless pa rin ako shocks! Nasabi ko nga pala last time ang tungkol sa relationship thingy.
May inilabas siya na maliit na kahon mula sa bulsa nya. When he opened it, there it is — an infinity ring.
Kinuha nya ang kamay ko at isinuot ang singsing sa ring finger ko.
"This will serves as the symbol. The symbol that you're mine Miss Grace Contreras. Besides nasabihan ko na 'yong tatlo (sina Hero, Sevii at Jann 'to malamang) na bantayan ka for me." Possessive lang ang peg?
Speechless pa rin ako habang pinagmamasdan ang infinity ring sa kamay ko. Overwhelming ang pakiramdam ko, grabe feeling ko nga hindi ako nakatapak sa lupa.
"So . . . Any few words from you YAM?"
"Y-yam?" Sa wakas nakapagsalita rin!
"YAM. You Are Mine. Get it?"
Ang sweet lang!
Bigla tuloy akong napaiyak. Tears of joy! Niyakap naman ako ni Kheem. Sobrang higpit na parang ayaw na nya akong bitiwan.
After 5 minutes, kumalas siya sa pagkakayakap sa 'kin at pinahid ang mga luha ko.
"You take care for me okay?"
I gave him an assuring nod.
He smiled and kissed me on the forehead, 'wag nga kayong advance mag-isip. At pumasok na kami sa loob ng bahay.
BINABASA MO ANG
One Week Summer √
Kort verhaalOne week summer. Sana maging memorable :D Started: Oct 2014 Ended: April 2015