Chapter 4: Click!

349 15 2
                                    

GRACE'S:

DAY 2 na ng aming beach outing, yey! Inagahan ko talaga ang gising para ma-witness ang sunrise.

Dali-dali akong pumunta sa dalampasigan at tamang-tama dahil malapit na sumikat ang Haring Araw.

So I stretch my arms and shout, "Today is gonna be a good day!"

Matapos panuorin ang pagsikat ng araw ay bumalik na ulit ako sa kwarto to fix myself (sobrang excited kanina kaya 'di pa ako nakakapag-hilamos).

So ayun nga, ang nangyari kahapon ay tayo-tayo lang nina Kheem ang nakakaalam (wag nyo 'kong isusumbong kina Mama at Papa ha?). Busy silang lahat sa paliligo kaya 'di nila napansin na nawala kami.

* * * * *

KHEEM'S:

Gotcha Miss Sweet Lips!

Kinuhanan ko siya ng picture habang pinapanuod nya ang sunrise. Maaga rin kasi akong nagising dahil balak ko ring ma-witness ang bukang-liwayway (naks!). Akalain mong pareho pala kami ni Grace ng hilig kaya nagtago ako sa gilid ng puno malapit sa kinaroroonan nya tapos sabay shot sa kanya habang nakatalikod siya sa'kin.

Pagkatapos ay pumunta ako saglit sa aking 'sanctuary' at nagpicture ng mga tanawin doon at bumalik sa cottage baka naghahanda na sina Mommy ng breakfast.

* * * * *

GRACE'S:

Matapos ang almusal ay nagpahinga muna kami saglit at syempre it's goli time! Nakita ko si Kheem na mukhang busy sa picture dito, picture doon.

"Hilig mo talaga ang photography ano?" tanong ko sa kanya nang makalapit ako.

"Yup! Ayoko kasing makatakas sa aking mga mata ang mga magagandang tanawin dito," sabay ngiti nya.

"Magagandang tanawin pero sa'kin ka nakatingin, e 'di ibig sabihin isa ako sa mga magagandang tanawin na 'yon? Peace!" Naks bumabanat pa 'ko pagbigyan nyo na!

"Gotcha Grace!" Hala bigla nya akong kinuhanan ng picture!

Hinampas ko nga sya. "Loko ka ha, stolen shot lang ang peg, 'di ka man lang nagpaalam para naman nakapag-ready ako," sabay pout.

"Mas okay kaya ang stolen shot timing yung pagngiti mo sa pag-shot ko sayo."

Nginitian nya ako ulit shocks ang gwapo namang nilalang nito, feeling ko si James Reid 'tong kinakausap ko kasi may similarities silang dalawa.

"Wag kang mag-pout lalo kang nagiging cute, e tara lakad-lakad muna tayo, mamaya na tayo maligo," sabay abot ng kamay nya.

Kahit nagtataka ay hinawakan ko na rin ang kamay nya so ang siste heto HHWW lang ang peg namin pa sway-sway pa.

Nadaanan namin ang kumpulan ng mga tao — lalaki, babae, bakla, tomboy, bata at matanda ang nandoon.

"Kyaaaaa ayan na naman sila ang mamacho nila!" - girl 1 na kulang na lang maghugis heart na ang mga mata.

"Hindi lang macho, ang gwapo pa nila pareho OMG!" - girl 2 while giggling.

"Sarap i-take home mare!" - beki na 'di mapakali na akala mo inaasinan.

Nakiusyoso na rin kami ni Kheem at napanganga na lang kami sabay facepalm (take note sabay talaga kami ng reaction, 'di kaya SOULMATE ko na 'to? Choz).

Ang pinagkakaguluhan lang naman ng mga tao ay ang MGA KAPATID NAMIN. Oh yeah, sina Hero at Sevii lang naman na mukhang nagreready na para mag-surf. Hilig talaga nila ang surfing kaya 'di na ako magtataka.

"Akala naman namin ay may naligaw nang mga artista dito, kayong dalawa pala ang pinagkakaguluhan ng madlang pipol," pagbibiro ni Kheem sa dalawa.

"Artistahin naman talaga kami, e!" Naks duet pa sa pagsagot ang dalawang kumag na 'to!

"Ingat sa pagsusurf, ha?" paalala ko sa kanila kahit alam kong sanay na sanay na sila doon.

"Oonamanyes! Thank you!" Duet na naman sila pambihira!

"Ate Grace bagay na bagay kayo ni kuya!" panunukso ni Sevii.

"Hindi naman ako tutol Sevii kung sila man ang magkatuluyan ng ate ko." segunda pa ng kapatid ko.

Ang lapad ng ngiti nilang dalawa habang nakatingin sa magkahawak naming mga kamay.

"Sige na, mag-surf na kayo at maggagala-gala muna kami ni Grace," taboy ni Kheem sa dalawa.

"Ingat sila sa inyo, este ingat pala kayo," pang-aasar pa ni Sevii.

Feeling ko pulang-pula na ang mukha ko kaya hinatak ko na si Kheem palayo sa kanila.

One Week Summer √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon