Chapter 3: Savior

351 18 2
                                    

KHEEM'S:

"Marami na rin pala ang binago sa resort at ni-renovate na rin ang ilang cottages gawa ng nagdaang bagyo," namamanghang sabi ko habang pinagmamasdan ang kabuuan ng aming white sand beach resort. Inilabas ko ang aking camera at nagsimulang kumuha ng picture.

Kinuhanan ko rin ng ilang shots ang bagong facilities para maipakita sa bestfriend kong si Jann sabay tag ko na rin kapag na-upload ko na sa Facebook.

Kheem Andrew Chavez here, 19 years of existence, a freelance photographer, swimmer, young entrepreneur, instrumentalist, and a painter. I have two younger brothers — Yves John na mas gusto na Sevii ang tawag sa kanya and Ralph Russel na sobrang kulit at younger version ko. Hawig ko kasi talaga ang batang 'yon. Umuwi ako ng Pilipinas last week dahil na rin sa request ni Sevii at 'eto nga may one week beach outing bilang incentive sa pagiging masipag na empleyado ni Tito Emil (Papa nina Grace at Hero). Sa US ako nagtitigil para i-manage ang business namin doon. Umuuwi rin naman ako kapag may special occasions like birthdays, Christmas up to New Year. Get to know me better on the next chapters!

*****

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa secluded part ng resort. Na-preserve pa rin pala ang lugar na ito dahil wala namang ipinagbago maliban sa nadagdagan ito ng mga puno at mga namumulaklak na halaman.

This is my sanctuary. Alam din nina Mommy at Daddy na paborito kong hideout ang lugar na ito dahil sa tahimik at payapang-payapa rito. Feeling ko nasa garden of Eden ako, minus Eve.

Shot dito, shot doon, ang ganda talaga sa paraisong ito. Nakarating ako sa dalampasigan kaya naisipan ko munang umupo sa buhanginan at magpahinga. Pagkalapag ko ng camera ko ay pumikit ako upang namnamin ang simoy ng hangin nang may marinig akong isang sigaw ng babae.

"Help!"

Bigla akong napamulat at nagpalinga-linga sa paligid. Wala akong nakita kundi ang payapang alon sa dagat.

"Please somebody help me!"

Muli ay narinig ko na naman ang sigaw kaya tumayo ako at hinanap ang pinaggagalingan ng tinig na 'yon.

Ang lakad ay naging takbo nang makita ko ang isang babae na nasa malalim na parte ng dagat at tila napupulikat hanggang sa nakainom na ito ng tubig-dagat at nawalan ng malay.

Dali-daling hinubad ko ang polo shirt na suot ko at lumangoy papunta sa kinaroroonan nya. Lumangoy ako nang mabilis at hinila sya paitaas at pabalik sa dalampasigan.

Matapos ko siyang ihiga sa buhanginan ay pinulsuhan ko ito.

"Thank God she's still breathing," usal ko.

Hindi na ako nagdalawang-isip at binigyan siya ng CPR.

"Sweet lips," bulong ko.

"Kheem don't be so pervert!" kastigo ko sa sarili.

Mayamaya pa'y gumalaw ang mga daliri ng babae at biglang napaubo kaya ibinangon ko siya.

"I came just in time to save you Miss, are you alright?" sabay ngiti ko sa kanya.

Nang mahimasmasan si Miss Sweet Lips ay namamagha itong nakatingin sa akin at nagulat na lang ako nang bigla nya akong niyakap sabay iyak.

"Salamat! Salamat talaga akala ko katapusan ko na, buti na lang ay dumating ka," umiiyak na sabi nito.

"Hindi mo pa oras Miss kaya gano'n," sabi ko to lighten the situation while caressing her long hair.

Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ang kanyang mga luha. Sumilay ang isang napakagandang ngiti. Oh, God parang gusto ko siyang halikan! DELETE DELETE!

"Wag na natin ipaalam kina Mama at Papa ang nangyari kasi ayokong mag-alala pa sila at ma-spoil ang outing na ito," sabi nito.

"By the way I'm Kheem Andrew Chavez," sabay lahad ng kamay ko.

"Grace Contreras...ikaw siguro 'yung kapatid ni Sevii no?" Tinanggap naman nya ang pakikipag shake hands ko.

"Yes. Bumalik na tayo sa cottage baka hinahanap na tayo roon," yaya ko sa kanya.

"Sige. salamat ulit, ha?"

Pagkatapos kong kunin ang naiwan kong polo shirt at camera ay bumalik na kami sa cottage.

One Week Summer √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon