Chapter 7: Bonding

316 13 0
                                    

KHEEM'S:

Pagkatapos naming mag-lunch ay nagkwentuhan muna kaming mga bagets (ako, si Miss Sweet Lips, Sweety, ang mag-espren at saling-pusa naman ang baby Ralphy namin).Nakahiwalay naman sa'min sina Mommy at Daddy pati sina Tita Precious at Tito Emil (may sarili silang umpukan hehe).

"Sweety 'di ba birthday mo na 2 days from now?" Sweety kasi pet name ko sa bestfriend kong si Jann kaya madalas napapagkamalan kaming couple e.

"Yeah, Oppa kaya I decided na umuwi and dito ko na rin itutuloy ang schooling ko. Pumayag naman sina Mommy at Daddy, iyon na raw ang pa-birthday nila sa'kin." Nakangiting kwento nya sa'min.

"Sabay ka na mag-enroll sa'min ni espren para naman may instant bodyguard ka na rin 'di ba?" Suggestion ni Hero sabay akbay sa kapatid ko.

Nahihiyang napatingin si Sweety sa kanilang dalawa. "I.T. kasi ang balak kong kunin na course, ano ba ang sa inyo?"

"I.T. rin!" Duet nina Hero at Sevii.

"E 'di tamang-tama magkakasama na kayong tatlo at sabay-sabay na mag-enrol." Suhestiyon ko sa kanilang tatlo.

"At may instant bodyguard ka pa kaso mukhang silang dalawa ang babantayan mo Jann kasi chicks magnet ang mga 'yan." Natatawang sabi naman ni Miss Sweet Lips (Grace).

"Ate talaga! E paano naman yung mga aali-aligid dito kay Miss Dimples? Sa ganda nyang 'yan e 'di imposibleng maraming magpapa-cute dyan kaya bantay-sarado sa'min 'yan ni espren!" Nanunuksong sabi naman ni Hero habang palipat-lipat ang tingin sa dalawa.

Hagalpakan tuloy kaming lahat ng tawa.

Si Ralphy ayun 'di maistorbo habang naglalaro ng games sa cellphone ko.

"Puro ka kalokohan espren e! Numero uno ka talaga!" Kastigo naman ni Sevii na medyo nag-blush. Crush talaga nito ang bestfriend ko kahit 'di nya sabihin. Halata naman kasi e.

"Ano ka ba naman espren tandem kaya tayo!" Ayaw paawat na sabi ni Hero.

"Ang kulit nyong dalawa, no wonder magkasundung-magkasundo kayo," Namamanghang sabi ni Sweety sa mag-espren.

"Ganun talaga kapag mga gwapo Miss Dimples. Birds of the same feather are the same birds este flock together." - clown mode Hero.

At hagalpak na naman kami ng tawa haha!

Napalingon naman ako kay Grace at ayun nagpipicture-picture na sila ni Ralphy gamit ang cellphone ko. Hilig din kasi ni bunso ang mag-picture e.

"Hoy bunso baka ma-full memory na naman 'yang cellphone ni kuya ha. Last time puro selfie mo halos ang laman nyan e." Saway ni Sevii kay Ralphy.

"E si Daddy kasi ayaw pa akong bilhan ng cellphone!" Maktol ni Ralphy at nag-pout pa.

"E kasi po bata ka pa para mag-cellphone. Patangkad ka muna bunso!" Ginulo ni Sevii ang buhok ni Ralphy.

"Matutulog na nga ako sa tanghali para tumangkad at lumaki na ako katulad ni kuya Kheemy para pwede na kami mag-date ni Gracey my fiance." - loko talaga 'tong bunso namin haha

Bahagyang nag-pink ang cheeks ni Grace habang nangingiti.

"Naku bunso tigilan mo na si ate Grace kasi si kuya Kheem na ang partner nyan, dun ka na lang kay Kyllah," - Sevii

Si Kyllah kasi 'yung classmate ni Ralph sa kinder na may crush sa kapatid ko pambihira ambabata pa nila e.

"Ah basta, kay Gracey pa din ako!" sabay kapit sa braso ni Miss Sweet LIps.

"How about NO?" - lakas talaga mang-asar ni Sevii.

"Tse asikasuhin mo na lang si ate Janny kuya Sevii" - aba bumawi si Ralphy!

This time si Sevii naman ang nag-blush.

"Asus lumayo-layo ka nga kay ate Grace baka magkapalit na kayo ng mukha e," ayaw paawat na sabi ni Sevii.

"Inggit ka lang!" sabay belat.

Ang saya ng bonding naming anim at inabot na kami ng hapon sa walang katapusang kwentuhan at asaran.

* * * * *

JANN'S:

Hello! I'm Jann Yuzon, 15 years old going 16 two days from now! Buti pinayagan na ako ng parents ko na umuwi ng Pilipinas at dito na rin ako mag-aaral ng college yey!

Bestfriend ko si Oppa (Kheem) bale sa U.S. kami nagkakilala kasi business partners ang parents namin.

Ang isa pang rason kaya gusto kong dito mag-aral ay para makasama ko na si Sevii hihi secret crush ko kasi yun. Atin-atin lang yan ha? Mas lalo syang gumwapo at ang macho na nya OMG! Pareho sila ng bestfriend nyang si Hero. No wonder na pinagkakaguluhan sila kasi naman artistahin ang dalawa at pwedeng maging model.

Nakilala ko na rin si Grace na laging bukambibig ni Oppa sa'kin pag maglolong distance call siya. Mukhang tinamaan 'ata siya kahit sa maikling panahon pa lang sila nagkakilala. Well, ang masasabi ko lang e bagay na bagay sila - ideal girl naman kasi si Grace at kasundung-kasundo siya nina SEvii at Ralph.

Oops nag-vibrate ang cellphone ko.

"Guys nagtext na si Tita Sharrine ready na daw ang dinner,"

"Okay taralets chibugan na!" - Hero

"Mapaparami na naman ang kain natin espren!" - Sevii ko. Kinanya ko na si Sevii!

"O siya tara na, masamang pinaghihintay ang pagkain," - Oppa Kheem

At nagsimula na kaming maglakad pabalik sa cottage. Bale napapagitnaan ako nina Sevii at Hero. Si Ralphy naman ay buhat-buhat ni Oppa at HHWW naman sila ni Grace yiiee bagay na bagay talaga sila!


A/N: Saya ng bonding nila 'no guys? :D







One Week Summer √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon