Special Chapter: JannVii

243 9 0
                                    


A/N: Dahil katatapos lang ng birthday ni Jann, itong chapter na ito ang gift ko sa kanya haha so ang focus dito ay silang dalawa ni Sevii. Timeout muna kina Kheem at Grace ^__^

DAY 5:

SEVII'S:

Good morning! Morning pa nga ba e mag-aalas dose na yata ng tanghali. As expected, tinanghali na kami ng gising dahil almost 3am na natapos ang birthday concert ni Jann :)))

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko ay kasabay nitong bumukas ang pinto ng kwarto ni Jann kaya pareho kaming napatingin sa isa't isa.

"Good morning!" - duet pa kami hoho

At nginitian nya ako. Syempre lumabas na naman ang magkabilang dimples sa pisngi nya.

"Mukhang tulog pa sila ah, tayo ata ang naunang nagising kahit tanghali na ngayon," sabi ko sa kanya.

"Oo nga e late na din naman kasi natapos ang birthday ko."

"Wait hindi ko pa pala naiibigay ang gift ko sa'yo kunin ko lang sa room ko."

At pumasok ako saglit sa kwarto ko.

Paglabas ko, inabot ko sa kanya ang isang box na may lamang bracelet. Mukha siyang charmed bracelet pero ipinasadya ko talaga yun para lagyan ng pangalan nya. Kinuha ko ang kamay nya at isinuot ang bracelet sa kanya.

"Ayan bagay na bagay sa'yo," sabay ngiti ko sa kanya.

"Wow at may name ko pa talaga ah, thanks Sevii!"

Sobrang natuwa ata siya and by impulse ay tumingkayad siya para i-kiss ako sa cheek.

"..." - feeling ko biglang uminit ang mukha ko.

=^____^= - ang lapad naman ng ngiti nya with matching dimples.

"Ahm, tara lakad-lakad muna tayo baka mamaya pa sila magigising e," yaya nya sa'kin sabay kuha sa kamay ko.

HHWWPSSP tuloy ang set-up namin, para na tuloy kaming sina kuya at ate Grace ^___^v

Napapalingon sa amin ang bawat makasalubong namin. Gwapo ako, maganda naman 'tong ka-hawak kamay ko so 'wag na kayo magtaka XD May nadaanan kaming halamanan kaya pumitas ako ng isang bulaklak (sorry Mommy pumitas ako hehe) at inilagay ko sa ibabaw ng tainga nya. Wow ang ganda nya talaga *__*

Matapos maglakad-lakad ay nagpahinga muna kami sa cottage at hinintay kung ano'ng oras magigising ang mga kasama namin.

JANN'S:

Mukha lang akong kalmado on the outside but deep inside super duper kilig na kilig ang ate nyo hahaha si Sevii kasi ang sweet-sweet ^___^ Sabay pa kaming nagising at lumabas ng room namin (naks soulmate lol)

Pinagmamasdan ko ang bracelet na birthday gift nya sa'kin. Pansin ko na hawig ito sa bracelet na suot nya dati. Ang pinagkaiba lang ay may nadagdag na mga burloloy dito kaya nagmukha syang charmed bracelet. Iingatan at hindi ko 'to iwawala promise! Special person ata ang nagbigay nito sa'kin ^___^v

"Ang saya ng birthday party ko kagabi the best so far," sabay lingon ko sa kanya.

"Ang galing-galing mo nga kumanta at sumayaw. Mala-Nadine Lustre at parehong talented pa," puri naman nya sa'kin ^___^

"Ikaw din naman talented e kumanta ka pa at sumayaw. Halos magwala ang fans nyo ni Hero hahaha," pagpapatawa ko.

"Ganun? Fans talaga? Hahaha," - gwapo nya talaga kapag tumatawa kasi nagiging singkit ang mga mata nya.

"Ang galing din ng tandem ni ate Grace at ni Oppa, kakakilig sila kagabi,"

"Oo at botong-boto naman ako kay ate Grace para kay kuya. Ngayon lang yun nagkainteres sa babae e. Akala ko nga dati may 'something' sa inyo ni kuya," panunukso pa nito.

"Nyek, ano ka ba bestfriend ko ang kuya mo tsaka parang nakatatandang kapatid ko na 'yun kaya  nga 'Oppa' ang tawag ko dun," explain ko sa kanya XD

"Tama tsaka 'di kayo bagay ni kuya."

"At kanino naman ako bagay?"

"E di sa'kin! Hahaha biro lang!"

"Sus jokes are half meant true hahaha push mo 'yan Sevii!"

"Ipupush ko talaga 'to wait ka lang!"

At sabay kaming humagalpak ng tawa :)))

* * * * *

SEVII'S:

Nagkukwentuhan pa din kami ni Jann sa mga oras na 'to habang kumakain ng light snack. May hangover pa ata ang mga tiyan namin sa mga pagkain kagabi XD

"Buti naman at pinayagan ka ng parents mo na dito na mag-aral at ka-course ka pa namin ni espren," sabi ko sa kanya sabay subo ng Lay's.

"Yup tsaka gusto ko din ng new environment. Sa U.S. kasi napaka-liberated na ng mga teenager doon unlike dito sa atin," sabi naman nya habang umiinom ng iced tea.

"Na-miss mo talaga ang Pilipinas 'no?"

"Oo naman tsaka na-miss ko kasi ikaw..." - biglang nag-pink ang cheeks nya.

Ako naman 'eto biglang nasamid haha inabutan nya tuloy ako ng canned softdrink XD

"Sevii may girlfriend ka na ba?"

"Uhm wala pa, bakit mo naitanong?"

"Really? E mukhang habulin kayo ng chicks ni Hero kaya imposibleng wala ka pang girlfriend."

"Mukha lang kaming chickboy lalo na si espren na malapit sa chicks pero hanggang entertain lang kami sa kanila tsaka may hinihintay kasi ako.

"And who's the lucky girl?"

"Ikaw."

"A-ako?"

"I mean ikaw, bakit wala ka pang boyfriend?" palusot ko hehe

"Bata pa ako e haha although sa U.S. mas bata pa sa'kin may boyfriend na agad. Dalagang Pilipina pa din naman ako e, hanggang crush lang muna ako. Pero kung liligawan ako ng crush
ko, hindi ako magdadalawang-isip na sagutin siya," sabay ngiti nya sa'kin.

"Wow ang swerte naman ng crush mo."

"Oo maswerte ka talaga," mahina nyang sabi.

Kunwari hindi ko nadinig lol at sabay pa kaming napalingon sa tumawag sa'min. Oo at gising na din ang mga hinihintay naming magising XD

saved by the bell on thi awkward situation :))) Pero balak ko talagang ligawan si Jann buti na lang at umuwi na siya ng Pilipinas. Tagal ko din siyang hinintay e kaya nga wala akong interes na manligaw sa iba kasi SIYA talaga ang gusto ko ^___^

A/N: Okay cut na natin dito hihi kapag may time siguro e gawan ko sila ng sarili nilang lovestory .

One Week Summer √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon