Chapter 5: Paradise
KHEEM'S:
Hindi ko pa rin binibitawan ang kamay ni Miss Sweet Lips ('wag nyong sasabihin na 'yan ang tawag ko sa kanya ha).
Ang lambot ng kamay nya kaya ninanamnam ko pa rin itong HHWW namin. May nakita kaming shell na kapag inilagay mo sa tainga ay maririnig mo ang alon sa dagat.
Patakbong pinuntahan ni Grace ang kinaroroonan ng shell na akala mo may makakapulot pang iba kapag hindi nya kinuha agad kaya pansamantalang pinakawalan ko muna ang kamay nya.
Pagkapulot nya sa shell ay tinanggalan nya ito ng buhangin, inilagay sa tainga with matching closed eyes pa at nakangiting pinapakinggan ang kung ano man ang maririnig nya roon.
At ako naman na always ready ay kinuhanan na naman siya ng picture, stolen shot na naman 'ika nya. Okay lang ang ganda naman nya sa recent stolen shot nya.
Click!
Bigla tuloy syang napatingin sa'kin at nag-pout na naman (hahalikan ko na 'to kapag nag-pout pa ulit peace).
"Hoy Kheem nawiwili ka na kaka-stolen shot mo sa'kin a!" Pagmamaktol nya sa'kin.
"Priceless naman kasi ang itsura mo kahit stolen shot pa," nangingiting sabi ko sabay kamot sa ulo.
"Tignan mo ang ganda ng shell na 'to." Inabot naman nya sa'kin ang shell.
"I think it's my lucky day today, unang-una inagahan ko talaga ang gising kanina para ma-witness ang sunrise at ang ganda talaga and then I found this," namamanghang sabi nya.
"Kasing ganda mo Miss Sweet Lips," sabi ko pero mahina lang.
"What?"
"Wala sabi ko maganda talaga ang sunrise," palusot ko.
"Ikaw talaga tara na nga!"
At syempre hawak ko na ulit ang kamay nya, samantalang sya heto at namumulot pa rin ng shells 'pag may nadadaanan kami. At dahil wala naman kaming dalang plastic ay sa bulsa ang bagsak ng mga napupulot namin.
Pulot...
Kuha...
Dampot...
"Tama na siguro 'to, mapupuno na kasi ang bulsa ko," sabi nya habang inilalagay sa left pocket ang huling shell na napulot nya.
"May bukas pa naman kasi at pwede ka pang mamulot ulit. Hindi pa naman siguro mauubos ang mga shell dito." Pagbibiro ko pa sa kanya.
* * * * *
GRACE'S:
Ang dami kong napulot na mga shell at ang gaganda pa! 'Eto namang si Kheem nawiwili na. Nawiwili sa HHWW namin at kaka-stolen shots sa'kin. At dahil nawili sa kalalakad ay nakarating na naman kami sa 'sanctuary' ni Kheem. Ang ganda talaga sa parteng ito ng resort dahil para kang nasa paraiso.
Pagkatapos kong alisin ang lahat ng shells sa bulsa ko at inilapag sa buhanginan na hindi abot ng tubig ay niyaya ko na si Kheem na maligo pero nagtatakbo na 'ko sa dagat bago ko pa siya niyaya.
"Hey Kheem tara ligo! Dito lang ako sa medyo mababaw, alam mo na mahirap na," sabi ko habang nasa parte ng tubig na hanggang bewang lang.
"Sige lang, maya-maya susunod na ako," sabi naman nya sa'kin habang nakaupo pa din sya sa buhanginan.
* * * * *
KHEEM'S:
Ayun si Miss Sweet Lips at parang batang nagtatampisaw sa dagat. Hanggang bewang lang nya ang tubig, natakot na siguro pumunta sa malalim at baka mapulikat na naman siya.
Ang sarap nyang pagmasdan habang nagtatampisaw at hindi ko hahayaan na palampasin ang pagkakataong ito kaya kinuhanan ko na naman siya ng picture.
"Enough pictures for this day," bulong ko sa sarili sabay hubad ng t-shirt na suot ko at inilagay sa ibabaw nito ang camera ko.
Patakbo akong pumunta sa kinaroroonan ni Miss Sweet Lips at nakitampisaw na rin ako sa kanya.
Sobrang saya ng araw na 'to!
After 30 minutes ay umahon na kami at bumalik sa cottage. Baka hinahanap na kami nina Mommy at saka malapit na rin mag-lunch kaya paniguradong mapapahapit na naman ako ng kain. Ang sarap kasi magluto nina Mommy at Tita Precious. Hindi naman ako tumataba dahil alagang-alaga ko naman ang katawan ko.
BINABASA MO ANG
One Week Summer √
Short StoryOne week summer. Sana maging memorable :D Started: Oct 2014 Ended: April 2015