"Sayang talaga at wala ako diyan." malungkot na sabi ni Cal sa kabilang linya.
Ngayon na kasi ang outing naming magkakaklase na hindi na talaga mauudlot. Mabuti talaga at pinayagan ako ni mama na mag-overnight sa isang beach. Isa itong himala!
"Hello? Nasasayangan ka eh nandiyan ka sa Australia? Tsaka feeling ko ang pangit doon. Si Vina kasi ang nag suggest." napairap ako habang papunta sa may pintuan, grabbed my white sneakers at isinuot ito.
"Dzuh! It's not the place that matters. It's the people you are with."
Psh. Ang seryoso masyado. "Kasama mo naman ang mga magulang mo diyan. Wag mong sabihing mas gusto mo kaming kasama kesa nila?"
"Oy hindi sa ganun." natahimik siya saglit. May kinuha ata. May tunog ng plastic akong narinig eh. "Kung pwede lang sana ipunin ko kayong lahat sa iisang lugar para hindi ko na kailangang mamili kung saan ko gusto, ginawa ko na."
"Pero hindi pwede kaya manahimik ka diyan." natatawa kong sabi na may halong pang-aasar. Kawawang Cal naman.
"Ikaw ha, lagot ka sakin. Hindi kita bibilhan ng ferrero pag-uwi ko next week." nagtatampo na nagbabanta niyang sabi.
Natigilan ako. "Uuwi ka? Talaga?" sumigla ang boses ko.
"Bakit? Ayaw mo?"
"Yes! Makakatikim na ulit ako ng ferrero!" nagtatalon ako nang biglang sumemplang ang pinto sakin. "Aray!" kaya napaupo ako sa sahig.
Hinintay ko na munang maka-recover ako sa sakit ng katawan tsaka tumayo para tignan kung sino ang nagbukas ng pinto.
"Ano ba yung nabangga ko?" nagtatakang tanong ni mama. Dumapo ang paningin niya sakin. "Ay hala, Tea. Ikaw ba yun? Masakit ba?" agad niya akong nilapitan at hinawakan ng marahan ang mga braso ko.
Actually, napakabait talaga nitong si mama. Soft-hearted kind of mother at madiskarte sa buhay. May iisang motto yan that goes "Laging handa" kaya naman labis talaga siyang nasi-stress kapag hindi ko agad nagagawa ang mga trabaho ko on time.
Umirap ako ng pabiro. "Ang sakit! Hindi man lang kumatok." pagrereklamo ko kuno.
Pumamewang sya at tinaasan ako ng kilay. "Eh ang tagal mo. Anong oras ba ang napagkasunduan?"
Naglakad ako patungo sa kama ko at inayos ang mga gamit ko. "Nine-thirty pa, ma. Ang hot mo talaga." kalmado kong sabi.
Napagkasunduan kasi namin na kailangan 9:30 sharp, nandun na kami sa bahay ng isang kaklase namin na may pick-up. Ang papa niya ang maghahatid samin.
Ramdam kong kumunot ang noo ni mama kahit nakatalikod ako sa kanya. "Nine-thirty? Eh bakit hinahanap ka na ni Vina sakin? Ang sabi 30 minutes late ka na raw."
Sumimangot ako habang ini-on ko ang data connection sa phone ko. "Ang OA naman. Early bird yun kaya tingin niya late na ako."
Agad nag-notify ang mga messages sa GC namin kaya in-open ko ito. Nag-backread ako at nanlaki ang mga mata.
"WHAT?! Eight-thirty pala?!"
"Oh kita mo. Sabi ko naman sayo wag munang mag-cellphone at atupagin mo munang ihanda yang mga dadalhin para makaalis ka ng maaga."
Nagsimula na namang tumalak si mama. Ako naman, inis na nag-chat sa GC.
Me: Oy! Akala ko ba 9:30?
At nainis ako lalo nang walang nag-reply. Kainis talaga pag GC oh! Seen lang! Ugghh.
Pagkatapos kong ayusin lahat ng mga gamit ko ay nagmadali na akong lumabas ng bahay para pumara nga jeep. Fifteen minutes pa naman ang biyahe ko papuntang lungsod.
"May pocket money ka ba?" si mama na sumunod sa akin.
"Kumuha na ako sa alkansya ko." sabi ko habang busy sa pag-aabang ng jeep. Well, 300 pesos lang naman yun pero okay na yun kesa wala.
Naramdaman kong kinalabit ako ni mama kaya tinignan ko sya. Pagtingin ko ay nadapo ang mga mata ko sa kamay niyang may pera. Iniabot niya ito sakin at tinaggap ko naman iyon. Wow, another 300 pesos.
"Hindi ko yan binibigay sayo. In case lang yan kung maliligaw ka. Ibalik mo yan sakin kapag hindi ka naligaw." seryosong sabi ni mama kaya napasimangot ako.
"Paano kapag nagutom ako?" nag-puppy eyes ako, nagbabasakaling pagbigyan.
Tinaasan niya ako ng kilay. "May pera ka naman diyan." sabi niya na nagpabagsak sa balikat ko. "Oh, ayan na." turo ni mama sa jeep na paparating.
Pinara ko ito at huminto na ito sa tapat ko.
"Mano po, ma." inabot ko yung kamay niya at nag-bless ako at hinalikan ko rin sya sa pisngi. "Bye, ma!"
"Mag-iingat ka! Wag na wag kang lalayo sa mga classmates mo ha? At wag na wag kayong iinom, nako jusko!"
Napairap na lang ako. Sa harap ba naman ng mga pasahero?
Nang makaupo na ako ay bumyahe na kami.
Hay, hindi pa rin talaga ako makapaniwala na pinayagan ako ni mama na sumama sa outing. Napaka-protective kasi nun eh. Sinasabi ko pa nga, inuunahan na niya ako kagaya ng 'Pano na lang pag nadulas ka doon?' o di kaya yung pinakanaiinisan ko 'At magkikita kayo ng boyfriend mo doon?'. I always end up being irritated. Alam naman niya na break na kami nong unang boyfriend ko. Tsaka sasabihin ko naman agad sa kanya pag may bago na. Wala akong kayang itago sa kanya. I'm an honest person kaya.
After 15 minutes ay sa wakas nakarating na ako sa paroroonan ko. Sinilip ko ang loob ng bahay ng kaklase ko at tinignan ang garahe. Nagsimula na akong kabahan nang wala akong nakitang mga kaklase at isang pick-up.
Nanginginig kong tinignan ang GC at bumagsak ang balikat ko nang malamang nakaalis na sila.
Nag-PM si Vina sa akin at sinabing sorry raw. Wala raw silang nagawa at madaling mainip ang driver which is ang papa ng kaklase ko kaya bumyahe sila na wala ako! Uuggh! Paano na to?
Nag-type ako ng message sa GC.
Me: Oyy paano na ako?
Tin: Sorry talaga, Tea. May gagawin pa kasi si papa kaya gusto niyang bumyahe ng maaga.Napaupo na lang ako sa isang simento. Yan kasi ang problema eh, binabago nila yung mga napagkasunduan na.
Tin: Pwede ka pa namang humabol. Tuturuan kita kung saan.
Napasimangot ako. Yun ang problema eh. Natatakot akong bumyahe ng malayo na mag-isa. Lalo na't hindi ko pa napuntahan yung lugar na yun.
Magtitipa na sana ako ng reply ngunit may nauna na sakin.
Bryle: Guys, nandito na ako.
Lumakas ang tibok ng puso ko. Sht.
Napatingin ako sa tricycle na huminto malapit sa akin. Bumaba galing doon si Bryle na may dala-dalang mga bagahe...
At napatingin siya sakin.
BINABASA MO ANG
Your Eyes
RandomKung akala niyo walang taong Credits: Photo in the cover is from Pinterest (ctto) Book cover is edited through the use of Canva