Nangunot ang noo niya. "A-anong ibig mong sabihin?"
Kita ko sa mukha niya na nakuha niya naman ako. Mukhang ina-absorb pa nga lang niya and he needed confirmation.
"Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin sakin. Itanong mo na kung anong mga tanong mo sakin. Isisi mo sakin lahat-lahat. Maging totoo ka sakin. Yan lang. Yan lang ang hiling ko na gawin mo." nagbuntong-hininga ako. Ayokong maiyak kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. "Pangako, lalabas ako sa buhay mo pagkatapos. Hindi mo na ako makikita pa ulit." nilunok ko ang laway ko.
Feeling ko parang guguho ang katawan ko any minute from now. I can feel my lips and knees tremble as I look upwards para mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
The reason why I want to talk about 'us'? Gusto kong mabawasan ang sakit. Ang nararamdaman kayang sakit ni Bryle? Pwede, kung meron pa. Ang sakit na nararamdaman ko? Pwede rin. Wala akong pake kung ano man ang kahahantungan nito. Wala akong pake kung wala na siyang pake sakin. Wala akong pake kung mahal ko pa siya, pakakawalan ko siya kasi ayoko siyang masaktan.
Naramdaman kong gumalaw siya pero hindi ko pa ibinabalik ang tingin ko sa kanya. "Kung ganun..." narinig kong nagbuntong-hininga siya. "Hindi naman pwede yun kung ako lang ang magtatapat ng nararamdaman."
Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. "Okay." at napangiti ako ng konti.
Ibig bang sabihin nun, curious din siya sa nararamdaman ko? But I shrugged the thought off.
Biglang umangat ang pakiramdam ko. Hindi ako nagagalak kundi parang lahat ng nararamdaman ko, gusto ko nang ibuhos. Ito na ang pagkakataon kong makausap siya ng maayos. Dapat kunin ko na ang pagkakataong ito kasi... last na to.
Tinignan ko ang mukha niya para magtanong na sana pero napako ang paningin ko sa ilong niyang matangos pababa sa kanyang labi na maninipis. Napangiti ako sa isipan ko. Ano kaya ang feeling na...? Nevermind.
Ang pervert mo talaga, Tea!
"May tanong na ako." sabi ko para mawala na ang kabastusan sa isipan ko.
"Go ahead." tango niya na para bang hindi man lang siya kinakabahan.
And why would he be?
"Kumusta ka na?" nag-angat ang mga kilay ko habang tinatanong ko iyon.
Pero may parte sakin na iniisip kung tama ba ang itinanong ko? Malinaw kaya ang tanong ko? Naiintindihan kaya niya ang ibig kong sabihin?
Muntikan na akong mapaigtad nang lumingon siya sa gawi ko pero hindi siya nakatingin sakin kundi sa bintana. "Okay lang naman." simpleng sagot niya.
Napatango ako. Oo nga naman. Ano pa bang ibang sagot sa tanong kong yun? Pero kasi, he could have gone further than that. Pwede naman niyang i-explain kung anong klaseng 'okay lang ako' or kung hindi kaya sabihin niya sakin kung anong dahilan niya kung bakit okay lang siya. Ganun. Parang 'tell me about anything that's currently going on in your life'.
Pero naisip ko rin na baka nag-a-adjust pa siya sa sitwasyon kaya medyo awkward pa ang nararamdaman niya.
Ngumiti ako kahit hindi niya nakikita. "Okay, next quest--" naputol ang kung ano mang sasabihin ko nang magsalita siya; or should I say, nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"Nagsi-stay na ako ngayon sa original house ko doon sa Sto. Tomas. Nagsa-summer job din ako para may allowance ako pagdating ng pasukan." sabi niya.
Napangiti ako ng konti. Yan, yan ang sinasabi ko.
Yumuko ako at tinignan ang mga kamay namin na nakahawak sa kanya-kanyang panyo. Pero mas napangiti ako lalo nang mapansin na dala-dala na naman namin ang magkaparehong panyo na kulay pula na may mga puti at itim na printa.
BINABASA MO ANG
Your Eyes
RandomKung akala niyo walang taong Credits: Photo in the cover is from Pinterest (ctto) Book cover is edited through the use of Canva