Natauhan ako galing sa pagre-reminisce ko nang may marinig akong sasakyan na papalapit. Actually, napakalapit na talaga at hindi ko na alam ang gagawin!

Napatingin ulit ako kay Bryle na nakapikit at walang naririnig. Nasa gitna siya ng kalsada at masasagasaan siya!

"Bryle!" sigaw ko sa pangalan niya at tumakbo para hilahin siya papalayo sa kalsada.

Dinig na dinig ko ang pagpreno ng sasakyan at ang pagbusina nito as I lose my balance dahil sa tindi ng pagkakahila ko kay Bryle. The worst thing is, nabitawan ko ang kamay ni Bryle kaya ako lang ang natumba sa maputik lupa.

"Hey! Are you out of your mind?!" singhal ng driver samin na foreigner at iiling-iling na nagpatuloy sa pagpapatakbo ng sasakyan.

"Hoy!" sinubukan pang habulin ni Bryle ang sasakyan pero nakalayo na ito.

And as for me? Eto, naputikan lang naman ang shorts ko sa puwetan.

"Okay ka lang, miss?" may isang lalaki ang lumapit sakin.

Pag-angat ko ng tingin ay nakita kong nagsilapitan ang mga pasahero sa kinaroroonan ko. Nakakahiya naman!

Tumayo ako at sinubukang pagpagan ang shorts ko pero no use kasi putik nga kasi, malakas kumapit unlike sa dust.

Okay lang naman ako kasi hindi naman ako nagka-injury at hindi naman yun sinadya ng driver. Ang nakakagigil lang talaga ay hindi man lang nag-sorry yung driver. Oo, obvious na obvious na kasalanan yun ni Bryle dahil sino ba naman ang matinong tao ang makikinig ng music sa gitna ng kalsada na papikit-pikit pa? Pero kahit na! Kahit ano pa ang dahilan, kapag nasagasaan ang isang tao, kasalanan talaga ng driver. Mabuti na lang talaga hindi nasagasaan si Bryle... Pero nagkaputik naman ako. Ughh.

"Okay lang ako." sagot ko na lang at hindi ko pinahalata na nasaktan ako ng konti.

"Here." Nagulat ako nang lumapit sakin ang lalaki. Hinubad niya ang jacket na suot and wrapped it around my waist. "May extra ka namang damit diba?"

Napatango ako habang tinititigan siya. "Oo." sino ba ang lalaking to? Ba't ang bait nito sakin?

Napangiti ang lalaki. Aba! May itsura siya ah!

Lumapit sakin ang driver ng bus. "Okay ka lang ba talaga, Miss?" tanong niya habang tinitignan ako ng may concern. Ay nako, paulit-ulit?

"Opo." simpleng sagot ko.

"Oh sige. Naayos na pala ang gulong. Sumakay na kayong lahat." anunsyo ng driver.

Naglakad na ako patungo sa bus. Umakyat na ako at napahinto sa may pintuan nang pagtingin ko sa seat ko ay wala pa si Bryle doon. Nasaan na kaya yun?

Dinaanan ako nong lalaking nagbigay sakin ng jacket. Nag hand sign siya sakin na 'hindi ka pa ba tutuloy?'. Umiling ako at ngumiti.

"May hinihintay pa ako." at ewan ko kung bakit ko sinabi iyon. Tsaka, ba't ko naman hinihintay si Bryle? "Tsaka uhm, salamat pala sa jacket." nahihiya kong sabi.

"Wala lang yun. Basta ibalik mo ah?" tumango lamang ako at dumiretso na siya sa kanyang upuan.

Nagbuntong hininga ako. Uuna na ako. Bahala na yung Bryle na yun.

"Tea!"

Napalingon ako kay Bryle na nasa baba. Actually, kinabahan ako bigla. Tinawag niya ang pangalan ko eh! Pangalawang beses pa lang to ngayong araw.

Iniabot niya sakin ang panyo ko. Tinanggap ko naman ito.

He stepped on the first step of the stairs. Ngayon, magkasing-tangkad na kami. Ang tangkad kasi nito. Natandaan ko tuloy yung mga times na magkayakap kami tas nananakit palagi yung leeg ko dahil hindi maabot ng baba ko ang balikat niya.

Your Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon