7

27 0 0
                                    

"Happy Birthday, Apple!" sabay-sabay na greet namin kay Apple pagkatapos namin siyang kantahan.

"Thank you." simpleng ngiti niya at nagsimula nang kumilos, sign na kainan na.

Nakangiti naman kaming magkakaklaseng kumuha ng plato, kutsara at tinidor at pumila. Kanina pa kasi kaming gutom. Hinintay pa kasi naming dumating ang iba naming mga kaklase na ang tatagal! Sinadya ko pa namang hindi magdala ng lunch kasi you know.

Noong nakakuha na ako ng pagkain ay agad akong naghanap ng mauupuan. Thankfully ay nakahanap kaagad ako. Tabi kami ni Vina habang kumakain pero tahimik kaming dalawa. Syempre, pagkain eh. Kakalimutan ko munang may nag-eexist na mga nilalang sa paligid ko.

Nang matapos na kaming kumain ay nagkwentuhan kami. Na-witness din namin ni Vina ang mga ngiti ni Apple nong buksan niya ang gift na ibinigay sa kanya ni Tin. Isa yung sikat at bestselling na libro! Parang nahiya kami ni Vina. Ni wala kaming naibigay ni candy man lang. Di bale, bibigyan ko na lang si Apple ng poem sa graduation. Nag-promise kasi ako sa kanya kasi nag-promise din siya sakin na bibigyan niya ako ng gift sa pasko.

Nang matunawan na kami ay napagkasunduan ng mga kaklase kong lalaki na mag-inuman.

Aaminin ko, medyo na-shock ako. Ngayon ko lang kasi mawi-witness ang mga kaklase kong mag-inuman. At aaminin ko rin na parang gusto ko rin ma-try.

"Tea! Gusto mo?" tawag sakin ng isang boy classmate at iniabot sakin ang isang maliit na basong may Empi.

Ngumiwi ako. "Eh? Baka mapait yan ah?" sabi ko at nagdadalawang-isip na tinanggap ang baso.

"Mapait talaga yan. Inumin mo na lang agad tong Sprite pagkatapos niyan." sabi nong isang boy classmate at hinandaan ako ng isang basong Sprite.

Pumikit ako at inisip kung anong posibleng lasa ng alak bago ako nag-bottoms up.

Agad kong kinuha ang basong may Sprite at ininom ito.

"Woooohh! Uminom si Tea! Bago to ah!" komento nila.

Well, uminom ako kasi naki-curious ako kung anong pakiramdam na madaanan ng alak ang lalamunan. Pero may parte rin sakin na gustong ipakita na hindi ako OA katulad ng iba diyan. Gusto kong makita nila na kaya ko at hindi ako mahina.

Hindi ako ngumiti (pa-brave effect kuno). Tinignan ko si Vina na na-witness ang ginawa ko. Shocked yung mukha niya na may halong kuryusidad tungkol sa kung anong lasa ng alak. Psh, one is enough.

Your Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon