3

10 0 0
                                    

Hay... nakakabagot naman. Wala kasi ang teacher for this period kaya vacant kami ngayon. Wala akong magawa sa upuan ko. Hindi rin naman ako antukin tsaka hindi ako nakakatulog pag maingay.

Nilagay ko ang phone ko sa armchair. Lumingon ako sa likuran at nakita sina Vina, Jem, at Bryle na nagkakatuwaan. Napangiti ako at lumapit sa kanila.

"Layuan mo nga si Bryle!" si Jem na tinampal ang kamay ni Vina na nakaakbay kay Bryle. "Huwag mong sabihing may gusto ka pa rin sa kanya?"

Sumimangot si Vina. "Wala na no! Alam niyo namang may Ken na ako!"

"Eh bakit ka nakaakbay kay Bryle?" nakakunot ang noo ni Jem.

"Crush ko pa rin siya at walang makakapigil sakin!"

Before pa silang magsigawan ng husto (which is alam ko namang katuwaan lang) ay pumagitna na ako.

"Hep! Tabi kayo at dumating na ang asawa." natatawa kong anunsyo kuno at tumabi kay Bryle.

Nagulat naman ako nang akbayan ako ni Bryle at ngumiti siya kina Vina at Jem.

"Girls, meet my wife, Tea." at kinurot niya ang pisngi ko.

Itinaas-baba ko ang shoulders ko at nginitian ng nakakaasar si Vina. "Pano ba yan, Vina? May asawa na ang crush mo."

Nag-pout naman si Vina which is so childish of her but not cute.

"Kabit ka lang! Kabit!" tawa ko at napatawa din si Bryle.

Hindi ko inasahan na sasabay tong si Bryle sa trip ko. Hindi kasi kami ganun ka-close nito. Friends lang. Nagkakatuwaan minsan. Kumakalabit ako sa braso niya gaya ng ginagawa ko sa ibang boy classmates ko. This one's different. Parang I feel like we're starting to know each other better. And I actually like it.

Nong nag-dismissal na ay agad na umuwi ang mga kaklase ko pagkatapos mag-linis. In-open ko ang data connection sa aking phone at chineck kung sino-sino ang mga online.

Napangiti ako nang makitang online si Bryle. Tinap ko ang name niya at nag-type ako ng message.

Me: Hello, hubby.

Nagulat ako nang madali niya itong na-seen.

Bryle: Hello, wifey.
Me: Hahahaha.
Bryle: Nakauwi na si mistress?
Me: Hindi pa.
Bryle: Ikaw? Hindi ka pa uuwi?
Me: Maaga pa naman. Tsaka may gagawin pa ako.
Bryle: Okay. Ingat ka sa pag-uwi mamaya, wifey.
Me: Ikaw din, hubby.
Me: Pinandigan talaga ang role no? Hahahaha.
Bryle: Syempre.
Bryle: Ingat sa pag-uwi, my princess.

Kinabahan ako bigla sa chat niya. Sht! Ano to?

Me: Hahaha! Pwede na tayong huminto sa pagpapanggap! Hindi naman to mababasa ni Vina eh.

At hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko.

Me: Pero bakit princess? Dapat 'Queen' kasi asawa mo na ako, remember?
Bryle: Hahaha oo nga no? O sige, ingat ka, Queen.
Me: Ingat ka rin, King.
Bryle: 😍 Sige, practice na ako ng DOTA.
Me: Luh? Di ka pa marunong niyan?
Bryle: Hindi pa eh.
Me: Hahaha akala ko marunong kayo lahat ng lalaki maglaro niyan.
Bryle: Hindi lahat 😊

Your Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon