"Oh my God..." pinigilan ko ang mga hikbi ko. "I'm so sorry."
Nangunot naman ang noo niya. "H-hey..." ngumiti sya. Alam ko yang smile na yan eh! Alam kong peke yun kahit sa screen ko lang nakikita. "Hindi mo kailangang mag-sorry, okay? Naiintindihan kita."
Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang isa kong kamay. Ang sakit naman.
"Hindi ko na kasi alam eh...' tong nararamdaman ko. Ang labo!" iyak ko sabay pokpok sa dibdib ko. "Bwisit!"
"Hoy! You're hurting yourself!" nanlaki ang mga mata niya at medyo nataranta.
Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi. "Nasasaktan ka kasi, eh! Dapat masaktan din ako!"
"Mas nasasaktan ako kapag nakikita kitang umiiyak! Pwede ba, Tea... wag ka nang umiyak."
Kitang-kita ko ang mukha nyang nahihirapan kaya sinubukan kong kalmahin ang sarili ko.
Matagal bago ako nakapagsalita ulit. "Sorry ah at sa video chat ko pa sinabi."
Nagkibit-balikat sya. "No choice. Magkalayo kasi tayo ngayon at saka alam ko naman kapag may isang bagay na bumabagabag sayo, agad mo tong sinasabi sakin. Thank you, Tea. Thank you for telling me right away."
Nanlabo na naman ang mga mata ko. "Eeehhhh!!!"
"Oy! Pigilan mo yan kundi uuwi talaga ako diyan sa Pilipinas sige ka!" pagbabanta niya.
Lumunok ako at tumingin sa itaas para pigilan ang pagbagsak ng aking mga luha. Shet nemen oh!
"Bakit ka ba nagti-thank you dyan! Baliw ka ba? Ano? Thank you for the broken heart?"
Napangiti sya pero yung matamlay parin. "Hindi. Thank you for your honesty." sabi niya. "Pero alam mo, walang nagbago. Walang magbabago." seryoso niyang sabi kaya napahilot ako ng sintido.
Ba't ba ang bait-bait ng lalaking to? Feel ko tuloy nag-take advantage ako sa kabaitan niya kaya ginaganito ko sya.
Hindi ako nagsalita. Hinintay kong siyang magpatuloy.
"Remember our promise to each other?"
Umiling ako at nagpanggap na nakalimutan ko. "Ha? Ano nga yun?" tsaka humalakhak.
Napailing na lang siya habang natatawa. "Kahit anong mangyari, kahit hindi man tayo para sa isa't-isa, walang iwanan."
sabi niya at sinabayan ko pa siya sa last two words. "Yan. Natatandaan mo na ha?" sarkastiko niyang tanong kaya inirapan ko siya."Salamat, Cal." tanging nasabi ko at napangiti siya, yung hindi na pilit. At doon na ako napanatag.
Marami pa kaming napag-usapan ni Cal. Sobrang saya niya talagang kausap. Lahat ng jokes ko tinatawanan niya talaga kahit alam naman naming dalawa na trying hard lang ako.
Nasa Australia ngayon si Cal. Pagkatapos kasi ng graduation namin ay dinala kaagad sya ng mga magulang niya doon kasi plano nilang pag-aralin siya sa isang prestigious university. Gusto ng mga magulang niya na masanay siya doon kaya napaaga ang pag-alis niya. Iba talaga pag mayaman. One snap of a finger lang, right away na!
Pero, namimi-miss ko na ang bestfriend ko. Sobra.
Pagkatapos ng video chat namin, which is siya ang nag-end kasi mag-di-dinner na muna sila, ay tumunganga na lang ako sa kwarto ko. Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa kanya ng sa ganun ay makalimutan niya saglit yung mga masasakit na sinabi ko. Pero naisip ko na baka hindi na muna yun tatawag ulit sakin. Naiintindihan ko naman na gusto niya munang mapag-isa.
BINABASA MO ANG
Your Eyes
RandomKung akala niyo walang taong Credits: Photo in the cover is from Pinterest (ctto) Book cover is edited through the use of Canva